Unahin niyo muna ang Capitulo cuatro para hindi kayo malito.
____________________________________
"Ang dami naman ng putaheng inyong inihanda amigo"wika ng Don. Napangiti naman si Don Dioscoro sabay lagay sa ere ng kanyang mamahaling baso. "Para sa paglakas ng koneksyon sa pamilya Bustamante at pamilya de la Fuente" wika ng matanda. Napahawak naman sila lahat sa kanilang baso saka inilahad sa ere.
"Amigo,kailan mo ba ipapakasal ang iyong unica hija?" tanong ni Don Alvaro. Napatawa naman ang matanda sabay sabi"Wala pa sa plano kong mawalay sa aking piling ang aking anak at gusto ko din siya mismo ang pumili sa kanyang magiging asawa" sabay tingin kay Kristal na kanina pa nakayuko.
Nasa bandang kanan naka-upo ang dalaga katabi ng kanyang ama. Sa bandang kaliwa naman ang Don at ang kanyang dalawang anak. Sina Aleng Pilar naman ay nakatayo sa bandang kaliwa ng mahabang mesa.
Nakahain ang iba't ibang masasarap na putahi sa mesa. Masayang nag-uusap sina Don Alvaro at Don Dioscoro tungkol sa kani-kanilang mga negosyo.
"Amigo, kailan mo ba sisimulan ang pagpapatayo ng iyong klinika sa Maynila?"tanong ni Don Alvaro. Napaisip naman ang Don saka sabi "Sisimulan ko na sana noong isang buwan ngunit kinakailangan ko munang pagtuunang pansin ang aking iba pang mga negosyo."
"Nadinig kong magaling ang iyong anak na si Ramille sa pagpapatakbo ng negosyo.Tila namana sa iyo ang iyong anak." Pag-iiba ni Don Dioscoro sa usapan.
Napatawa naman ang matanda sabay tapik sa balikat ng kanyang anak na katabi nito sa bandang kanan habang si Rafael naman ay nasa bandang kaliwa kung saan magkaharap sila ni Kristal.
"Ako po ang namamahala sa aming munting tindahan ng mga pluma at tinta sa bayan at ang aming sakahan sa Batangas"wika ni Ramille. Napamangha naman si Don Dioscoro."At sa mga negosyo namin sa Maynila.Kada katapusan ng linggo ako lumuluwas ng Maynila upang kamustahin ang aming mga negosyo doon."
Si Kristal at Rafael lamang ang hindi kasali sa usapan nila. Tila may malaking pader sa pagitan nilang dalawa. Magkaharap sila ngayon sa hapag kainan at sa tuwing magkatingginan sila ay dali-dali silang umiiwas ng tingin.
Kasulukuyang nag-uusap sina Don Alvaro,Don Dioscoro at Ramille sa sala.
Si Kristal naman ay nasa balkonahe ng kanilang mansyon upang pagmasdan ang mga tala sa kalangitan. Madilim na ang paligid ngunit nagbibigay ng liwanang ang buwan sa buong paligid.
"Ang ganda ng kalangitan para itoy pagmasdan, diba binibini?" biglang nagulat si Kristal ng may nagsalita sa kanyang likuran. Bumungad sa kanyang harapan ang lalaking nagbibigay sa kanya ng kakaibang pagtibok ng kanyang puso kanina pa.
Napatango na lang ang dalaga at hindi makatingin ng diretso sa binata. Napangiti naman ito sabay lapit at kapit sa rehas ng balkonahe. Napaatras naman ang dalaga dahil ang lapit ng binata sa kanya. Matangkad ang binata ngunit hindi magkalayo ang tangkad nila ni Kristal.
"Tignan mo ang mga bituin, ang gaganda nila pagmasdan sa kalangitan gabi-gabi ngunit may mga panahong hindi mo sila makikita" wika ng binata.
Napatingin naman ang dalaga sa langit.
Kumikislap ang mga tala sa kalangitan. Mas dumadagadag pa ang perpektong hugis bilog na buwan sa kagandahan sa kalangitan.
"Maraming salamat pala sa iyo binibini, dahil kundi dahil sayo ay baka wala na ako ngayon" seryosong sabi ng binata. Napatingin naman ang dalaga sa kanya.
"Walang anuman Ginoong Rafael, hindi ko man alam ang kadahilanang magpapakamatay ka ngunit sanay hindi iyon maging rason para kitilin mo ang iyong sariling buhay" wika ni Kristal.
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanficA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...
![I can see my Future with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/190790691-64-k98819.jpg)