(Writer's POV)"Bibisitahin ka namin Kristal pagpupunta kami sa Cavite," wika ni Maribeth na ngayon ay parang maluluha na. Napangiti naman si Kristal at niyakap ang pinsan. "Ikaw talaga!Hindi ka parin nagbago.Maiyakin ka pa rin."
Napatingin naman si Agnese sa magpinsan na ngayon ay parang magiiyakan na."Ikaw din buang!Mag-ingat ka at alagaan mo ang iyong kalusugan bata ka!" wika ni Maribeth at niyakap na din ang dalaga.
"Ikaw din po buang.Mag-iingat po kayo!"
Inilahad ni Maribeth ang isang pluma na may nakadesinyong bulaklak ng sampaguita at binigay ito kay Agnese."Alam kung gusto mong matuto bumasa at sumulat kaya'y ibibigay ko ito sayo.
Sanay magamit mo iyan."Napangiti naman si Agnese sa saya dahil ito ang kauna-unahang nabigyan siya ng regalo maliban nalang kay Kristal. Kasalukuyan silang nakatayo ngayon sa harap ng bahay ng kanyang tiya. Dahan-dahan inilagay ng kutsero lahat ng kagamitan ni Kristal at Agnese sa kalesa.
Biglang bumungad sa kanilang harapan ang tiya Consuelo at may ibinigay na sulat kay Kristal."Galing pala yan sa
Gobernador-heneral"
tipid na wika ng matanda. Kinuha naman ito ni Kristal at inilagay sa kanyang bulsa at biglang niyakap ang tiya. Napayakap na lamang sa kanya ang matanda habang hinihilamos ang ulo nito."Pasensya na Kristal sa aking nasabi kagabi.Ako lamang ay natatakot para sa iyo.Sanay maintindihan mo."
"Ayos lang po tiya" wika ng dalaga. Tinulungan sila ng kutsero na makasay sa kalesa. "Manong!Dahan-dahan lang po sa pagpapatakbo," wika ni Maribeth.
Sa huling pagkakataon ay nilingon ni Kristal ang kanyang tiya at pinsan na ngayon ay nakatayo lamang sa harap ng bahay nito.
Muling nadama ng dalaga ang pangungulila at tuluyan ng bumagsak ang kanyang mga luha. Ang hindi alam ng dalaga ay nakatayo pala ang binatang si Rafael sa balkonahe at nakatingin lamang ito hanggang nawala sa paningin nito ang kalesang sinasakyan ng dalaga."Paalam Kristal" bulong nito sa sarili at pumasok na sa kanyang silid. Sinira na nito ang pinto ngunit naiwan ang rosas na gawa sa papel sa hawakan ng balkonahe. Ito'y isang sulat para sana sa dalaga ngunit hindi niya ito naibigay.
(Kristal's POV)
Ligtas naman kaming naka-uwi sa Cavite at ngayon ay nakaupo ako sa aming sala.
Tinatahi ko ang mga lumang tela para gawing basahan at magamit sa dito sa mansyon. Malapit ng dumilim ang kalangitan at unti-unti ng lumilitaw ang buwan."Binibini?" wika ni Agnese. Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay nakayuko at ang dalawang kamay nito ay nasa likuran. "Ano yun Agnese?" tanong ko sa dalaga. Inilahan niya ang isang maliit na kahon na gawa sa kahoy at may naka-ukit na "Joyas Esperanza"(Esperanza Jewelries).
"Para kanino yan?" tanong ko ulit sa dalaga. Kinuha ko ang kahon sa kanyang palad at tinignan ito mabuti. "Joyas Esperanza?Isa itong pamilihan ng mga mamahaling alahas na galing pa sa Espanya." Tinignan ko naman si Agnese na ngayon ay nakatingin lamang sa akin.
"May nagpapabigay po sa inyo niyan ngunit hindi ko alam ang kanyang ngalan," wika ng dalaga. Napa-isip naman ako at nagtataka kung sinong nilalang ang magbibigay sa akin nito. " Si Rafael ba ang tinutukoy mo?" tanong ko ulit.
"Hindi po, ngunit isa pong ginoo ang nagbigay sa akin niyan na nakasuot ng isang sumbrero." Nakapagtataka talaga ang misteryosong ginoo na nagbigay sa akin nito.
Tinignan ko ng mabuti si Agnese hanggang sumakit ang aking ulo at ang aking mundo ay unti-unti naglalaho. Nakita ko naman ang pangyayari sa nakaraan na hindi dapat makita ng isang ordinaryong nilalang.
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanfictionA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...