(Krystal's POV)Ilang linggo na din ang lumipas at hindi na ako nakalanghap ng balita tungkol kina Roselia at Ramille. Ang huling balitang narinig ko ay pumunta sila sa Espanya upang paghandaan ang kanilang nalalapit na kasal. Mauuna siya kaysa sa amin ni Francis.
Hindi parin mawala sa aking isipan ang nakita ko sa hinaharap ng aking kaibigan. Sa mga araw na iyon ay nawala sa isipan ko si Rafael.
Mas nilalaan ko ang aking oras sa pagtulong sa mga gawaing bahay at sa paghahanda sa nalalapit na kasal na gaganapin sa susunod na buwan.
Sinabihan ako ni ama na maghanda dahil dadalo kami sa mesa mamaya kasama ang pamilya ni Francis.
Inihanda na ni Agnese ang aking baro't saya at ang aking pagpaligo.Habang naliligo ay iniisip ko din ang nakita ko sa hinaharap ni Agnese. Parang mabibiyak ang aking ulo sa kakaisip kung paano at kailan ito mangyayari ngunit bumigay ang utak ko.
Lutang akong lumabas ng banyo at naghanda. Ilang oras ang lumipas ay dumating na sina Francis. Hinalikan niya ang aking noo at nakipagkamay kay ama. Bumitaw naman ako ng matamis na ngiti sa ama nito at sa kanyang masungit na kapatid.
Tahimik lamang ang aming byahe at ilang minuto lang ay narating na namin ang simbahan.
Magkatabi kami ni Francis at hindi niya mabitawan ang aking kamay. Hinayaan ko nalang siya dahil baka ikakagalit pa niya ito.
Halos malagutan ako ng hininga ng makita ko si Rafael na kasama ang babaeng si Ezperanza. Nakita ko kung paano niya titigan ang dalaga at kung paano niya ngitian ito. Tila biniyak ang aking puso at hindi ko namalayan na kumuyom pala ang aking palad.
Humigpit ang aking pagkakahawak sa kamay ni Francis at ramdam kong tumingin siya sa aking gawi.
"Mahal? Ayos ka lang?" malambing niyang wika.
"Ayos lang ako"
"May masakit ba sa iyo?"
"Wala, ayos lang ako"
Rinig kong bumuntong hininga siya at tumingin nalang sa harap. Nangilid ang aking luha at hindi ko mawari kung ano ang nangyayari sa akin.
Bakit Rafael? Bakit me amor?
Tiniis kong tignan sila buong mesa at nang matapos ito ay lutang naman akong naglakad na nasa bisig parin ni Francis.
"Kamina ka pa? Ayos ka lang?" nakita ko kung paano siya nag-alala. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at pilit na ngumiti.
"Ayos kang ako"
Napangiti naman siya at inayos ang ilang hibla ng buhok ko sa aking noo.
"Francis! Amigo!" biglang sigaw ng isang pamilyar na boses.
Ezperanza?!
"Ezperanza! Kailan ka pa nakauwi?" magiliw na bati ni Francis. Naistatwa naman ako sa aking kinatatayuan ng makita ko si Rafael na nakatingin na sa akin.
"Isang buwan na ang nakakalipas. Kamusta? Balita ko ikakasal kana!" napatingin naman ito sa akin at tila nabigla ito.
"Si binibini Krystal ba?" tanong nito. Tumango naman si Francis at hinawakan ang aking kamay.
"Akoy masaya para sa iyo amigo!" abot langit ang ngiti nito.
"Aking kasama pala si....." hindi pinatapos ni Francis si Ezperanza dahil bigla itong nagsalita.
"Rafael" wika ni Francis na pinisil pa ang aking kamay na hawak niya.
Ano ang nalalaman mo Francis?
Ngumiti naman ang binata sa kanya at tumango. "Sana'y makita ko kayong dalawa sa araw ng aking kasal....at mas maganda kung makikita niyo ako sa araw ng inyong kasal" biglang pinisil ang aking puso. Napatingin naman ako kay Rafael na ngayo ngumingiti habang nakatingin kay Ezperanza.
"Huwag kang magbiro baka magkakatotoo" biro ni Ezperanza.
"Kami ay magkaibigan lamang ngunit kung ganoon ang plano ng diyos ay wala akong magagawa" sinuntok pa kunwari ng dalaga ang braso ni Rafael.
"Ang swerte mo kaya kung ako ang magiging asawa mo" wika ng dalaga.
"Masyado kang palasalita" wika ni Rafael.
"Naku kaibigan baka mamana pa niyan ang ugali sa kanyang magiging anak" sabat ni Francis.
"Bakit katulad ba ni Binibining Krystal ang yung tipo? Tahimik?" tanong ni Ezperanza. Nanlaki naman ang aking mata ng tignan ako ni Rafael.
"Oo" parang sasabog na ang puso ko sa tuwa ngunit may halong lungkot.
Nakatingin parin siya sa akin. "Yung tahimik na babae at mahinhin" dagdag pa niya.
Huwag kang tumingin sa akin ng ganyan....natutunaw ako!
"Tumahimik ka diyan baka magselos si Francis niyan" biglang biro ni Ezperanza. Ramdam ko ang pagpisil ni Francis sa aking kamay at nag-aalala ako sa maaari niyang isipin.
"Wala naman dapat pagselosan" wika ni Rafael at tumingin sa dalaga.
"Wala nga ba?" nabigla ako sa sinabi ni Francis. Natahimik naman kaming apat.
"Ang seryoso niyo naman!" pinutol ni Ezperanza ang katahimikan.
"Ikaw Rafael! Pakasalan mo ako sa lalong madaling panahon" dagdag pa nito. Nagtawanan naman silang tatlo.
"Kung tatahimik yang bunganga mo" sabat naman ni Francis.
Nilingon ko si Francis at napalingon naman ito sa akin. "Umuwi na tayo" bulong ko. Napangiti naman siya.
"Oo siya mauuna na kami...gusto ng umuwi ng aking mahal" malambing nitong wika. Tinignan ko naman si Rafael na nakangiting tinitignan si Francis.
Wala ka ba talagang nararamdaman sa akin Rafael? Kahit konti?
Nalungkot ako sa sariling isipin. Tumango lang ang dalawa. Nagbigay naman ako ng galang at saka inalalayan ni Francis.
Nakauwi na kami sa aming mansyon at nandito kami ni Francis sa aming hardin. Kahit anong ganda ang aking nakikita ay hindi ko parin magawamg ngumiti. Si Francis naman ay masayang tinitignan ang aming kabayo na ngayon ay nagpapahinga sa ilalim ng puno.
"Francis? Anong ginagawa mo?" yun nalang ang tanging paraan upang hindi siya mailang.
"Tinitignan ko lamang ang inyong kabayo...nakakatuwa"
"Oo nga"
"Maganda pa"
"Oo nga"
"Katulad mo" natigilan ako sa sinabi niya. Ngiti nalang ang aking naisagot.
"Sana'y katulad ng kabayong ito na inibig ng kabayong ito" sabay turo sa isa, "Magawa mo ding ibigin ako" natigilan ako.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Namulat ako sa katotohanan na ang nararamdaman ay lumilisan kagaya ng araw sa gabi" hinawakan ko ang kanyang kamay saka humarap sa kanya.
"Huwag mong sabihin yan Francis"
"Alam ko ang totoo Krystal pero"
,nangilid ang kanyang luha , " sana'y mabalik ang nakaraan kung saan ako lang ang laman niyan."Parang tinusok ang aking puso. Naalala ko pa rin noon kung paano ako naging baliw sa kanya.
Hinawakan ko ang kanyang pisngi.
"Ginagawa ko na ngayon.....pilit kong binabalik sa dati."
To be continued........
![](https://img.wattpad.com/cover/190790691-288-k98819.jpg)
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanficA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...