*Capitulo seis(6)*

25 1 1
                                        


" Isidra, bigyan mo ang ating mga bisita ng maiinom at meryenda" utos ng dalaga.
Kasalukuyang nasa sala sina Rafael,Inigo at Roselia ng mansyon.

Malaki ang masyon ng mga Gutierrez. Kitang kita nito ang kanilang pagiging makapangyarihan dahil napapalibutan ang kanilang mansyon ng mga guardian civil
sa ilalim ng kanyang ama. Ang ama ni Roselia ay may dugong kastila at ang napangasawa nito ay isang purong pilipina.

"Tyempo at wala si ama dito. Ikaw yata ang pinaka-unang nanligaw sa akin nakapasok sa aming tahanan"saad ng dalaga.

Habang nagsasalita si Roselia ay nakatitig lang si Inigo sa kanya na para bang may isang dyosa sa kanayang harapan. Hindi naman maialis ni Roselia ang kanyang tingin kay Rafael na ngayon ay pinagmamasdan ang buong paligid. Ang hugis ng mukha nito, ang matangos nitong ilong,at ang mapula-pula nitong pisngi.

"Ginoo, tila pamilyar ka sa akin. Nagkita naba tayo dati?"tanong ni Roselia. Kahit pa man nalala niya si Rafael ay kusa niya itong tinanong para mabaling sa kanya ang atensyon ng binata.

Napatingin naman sa kanya si Rafael sabay sabi "Pasensya na binibini ngunit ngayon lang kita nakita ngunit tila pamilyar ka din sa akin"wika ng binata. Nadismaya nama si Roselia sabay lingon. Hindi niya akalain na hindi siya maaalala ng binata.

"Nandito na po ang meryenda señorita" wika ni Isidra habang dala-dala nito ang tatlong tsaang kape at mga minatamis na saging. Inutusan naman niya si Isidra na ilagay sa isang maliit na mesa na naging pagitan nilang tatlo. Magkatabi ngayon sina Rafael at Inigo sa isang malapad na upuan na gawa sa kahoy habang nasa harapan nila si Roselia.

"Maraming salamat Roselia...este Binibini"wika ni Rafael. Tanging si Rafael lamang ang nagsasalita dahil nakatitig lang si Inigo kay Roselia na para bang siya ang pinakamagandang babae sa bala't ng lupa.

Mamula-mula na ang mukha ngayon ni Roselia dahil tinawag siya ni Rafael sa kanyang pangalan. Pilit niyang tinatakpan ang kanyang pisngi ng kanyang abaniko at napailang-ilang pa.

Tinikman naman ni Rafael ang minatamis na saging at napatango naman ito sa sarap habang tulala parin si Inigo. "Kaibigan!Ano ba? Hindi ka ba magsasalita diyan?" saad ni Rafael. Natauhan naman si Inigo at napakumot pa sa kanyang ulo.

"Paumanhin sa aking inasal, talagang ang ganda mo binibini kahit pa buong araw kita pagmasdan ay hindi ako magsasawa"
wika ni Inigo. Napatulala naman si Rafael sabay tingin sa kaibigan tila nawawala ang pagiging Batangeñeu ni Inigo.

"Salamat"tipid na wika ng dalaga. Nakatingin lamang siya kay Rafael habang ito'y kumakain ng minatamis na saging.

Napansin ni Rafael na nakatingin sa kanya ang dalaga kaya't napailang-ilang siya at hindi na tinapos ang kanyang kinakain sabay sabi" Paumanhin, ngunit mas mainam kung iwanan ko kayong dalawa para makapag-usap ng maayos."

Tumayo na si Rafael sabay bigay galang sa dalaga. "Maghihintay nalang ako sayo Inigo sa labas"wika ng binata. Habang papalayo ito ay sinusundan ito ng tingin ni Roselia. Hindi maialis ng dalaga ang kanyang tingin sa binata habang itoy naglaho na.

"Binibini? Narinig mo ba ang aking sinabi?"
Hindi niya napansin na kanina lang pala nagsasalita si Inigo dahil nakatingin lang siya kay Rafael.

"Pasensya na, ngunit kailangan ko ng magpahinga" wika ng dalaga. Tumayo na ito sabay punta sa kwarto. Nadismaya naman si Inigo dahil hindi niya nagawang kausapin ang dalaga. Tumayo na lang din siya saka lumabas.

Nakita niyang nakasandal si Rafael sa isang puno habang nakapikit laman ang mata nito.

"Tumayo kana diyan pagkat tayo'y aalis na"wika ng binata sabay tapik sa balikat nito. Naalimpungatan naman si Rafael sabay tayo. "Ano?Ayos ba?May pag-asa ka ba ?" tanong nito.

I can see my Future with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon