*Capitulo cuatro(4)*

27 1 2
                                    

"Si Roselia Corazon Gutierrez"

••••••••

(Kristal's POV)

"Ba't marami po kayong nilulutong putahi Aleng Pilar?"tanong ko. Napangiti siya sa akin sabay tingin.

"Dadating dito ang malapit na kaibigan ng iyong ama" tipid nitong sabi. Napatango naman ako sabay libot sa kusina.

Maraming putahe ang niluluto ng mga kasambahay : adobo,kakanin,minatamis na saging, pritong isda, sariwang prutas, at mga masalsang ulam.

Ang iba namang kasambahay ay naglilinis sa buong bahay.Meron lamang kaming anim na kasambahay kabilang na doon si Aling Pilar. Sina Helen,Kikay at Kirang ang tumutulong kay Aleng Pilar sa kusina samantalang sina Tina at Lilay ang naglilinis sa bahay.

Ako naman ay minamasdan sila Aling Pilar sa pagluluto.Gusto ko sanang tumulong sa kanila ngunit sinabi niya na madudumihan lamang ang aking damit kaya't nandito lamang ako sa isang maliit na tabla ng kahoy bilang upuan.

"Aleng Pilar, nakabili po ba kayo ng keso sa palengke?" tanong ko. Napatingin naman sa akin si Aleng Pilar.

Napabuntog hininga naman ako sabay sabi
"Hay, sige na nga po ako na ang bibili bukas"sagot ko.

"Binibini , talagang matanda na si Aleng Pilar dahil marami na siyang nakakalimutan" biro ni Helen. Napatingin naman sa kanya si Aleng Pilar.

"Hoy Helen kahit matanda na ako, may asim parin" biro nito. Napatawa naman kami kay Aleng Pilar. Medyo may katabaan ang ale ngunit may matangos itong ilong, singkit na mata at mapula-pulang pisngi.

Anak ni Aleng pilar si Kikay at Kirang na siyang nagmana sa kanyang singkit na mata. Kasing edad ko lang si Kikay samantalang mas matanda ng dalawang taon si Kirang sa akin. Makikita sa dalawa ang pagiging isang purong Pilipina. May katabaan si Kikay at pag itoy tumawa o nakangiti ay nakikita ang dalawang bilog nito sa pisngi. Si Kirang naman ay maganda ang hubog ng pangangatawan. Naniniwala si Aleng Pilar na si Kirang ang tanging anak na makakabangon sa kanilang kahirapan.Naniniwala siyang makakapagasawa ito ng mayaman dahil sa taglay nitong kagandahan.

At hindi nga nagkamali si Aleng Pilar dahil minsan ko na ding nakita ang kapalaran ng dalaga.

"Diyos miyo bata ka! Umayos ka nga at magpalit ng iyong damit pagkat may pupuntahan tayo!" sigaw nito. Napatango naman ang bata sabay punta sa loob ng isang malaking mansyon. " Kira, wag mo namang sigawan ang bata" lambing ng asawa nito. Napangiti naman ang dalaga sabay halik sa noo ng Ginoo.

Napatigil sila sa paglalambingan ng may dumating na isang katulong. "Señora,may naghahanap po sa inyo. Naghihintay po siya sa labas."

Napatango naman ang dalaga sabay paalam sa asawa nito. Napatigil siya sa paglalakad ng makita niyang ang kapatid pala nito na si Kikay ang naghahanap sa kanya. "Kirang! Tulungan mo si Ina! Naghihina na siya at kinakailangan na niyang magamot." Maiyak-iyak namang sigaw ni Kikay.

Napakunot naman ang noo ni Kirang sabay sabi " Bakit ko naman siya tutulugan aber ?
Malaki na din ang sinakripisyo ko para makisama sa asungot kong asawa dahil lang sa kanya!Anong akala niya sa akin?!Isang laruan na pwede-pwede niyang ibigay kahit kanino para sa ikabubuti niya?!"

I can see my Future with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon