Dalawang taon ang nakalipas...."Teka lang!" sigaw ng dalaga habang hinahabol ang binata na may hawak na isang pirasong papel.
"Habulin mo ako!" ngisi nito saka winawagayway pa ang papel sa ere.
"Ano ka ba! Ano ba yan ha?!" tila naiinis na ang dalaga ngunit hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa ginagawa ng binata.
"Dumating na ang sulat galing sa Pilipinas. Natapos na din ang pinapagawa natin doon. Natapos na din mahal." Hindi mapigilan ng dalaga na yumakap sa binata.
Masayang-masaya siya sa balitang natanggap. Humiwalay ng yakap ang binata saka hinawakan ang pisngi ng dalaga.
"Unti-unting nabubuo ang ating mga pangarap mahal" wika ng lalaki saka hinalikan ang noo nito.
"Natupad ko na ang pangarap ko. Ang makasama ka."
Hindi napigilan ng lalaki na halikan ang dalaga. Masaya sila sa isa't-isa sa kanilang narating. Niyakap niya ang dalaga sa bewang gamit ang braso nito saka mas dinidiin pa ang halik.
Hindi nila ramdam ang tingin ng mga kasambahay. Tanging sila laang ang gumagawa ng kanilang mundo na tanging sila lamang ang nakakaintindi.
"Te amo Krystal" wika nito.
"Te amo Rafael" ngiti ng dalaga.
"Oras na para bumalik tayo sa Pilipinas" wika ni Rafael at hinawi ang ilang hibla ng buhok ni Krystal sa mukha nito. Napatango naman si Krystal at hindi mapigilang yakapin si Rafael.
"Salamat Rafael. Salamat dahil hindi mo ako binabayaan. Salamat dahil minahal mo parina ko kahit na..."
"Ano?" tanong nito habang nasa bisig parin ang dalaga.
"Baliw ako" napatawa naman silang dalawa.
"Salamat din" wika ni Rafael saka hinalikan ang noo ni Krystal.
"Salamat dahil ikaw ang nagbigay sa akin ng pinakamagandang pakiramdam....salamat sa lahat."
"Pumasok na kaya tayo. Ang drama naman ehhh." Kahit pa nakangiti si Krystal ay hindi niya mapigilang mapaluha.
Pilipinas 1808
"Pasok po kayo" bati ni Krystal sa kanyang mga bisita. Ngayon kase ang selebrasyon nila sa bagong Ospital na pinatayo nilang dalawa ni Rafael sa Cavite. Dalawang taon na ang lumipas nng pumunta ang dalawa sa Europa.
Dahil ayaw ni Rafael sa kanyang kurso ay nag-aral siya muli. Sa ilang buwan ng pag-aaral ng medisina at nakapagtapos siya at nakapag-ipon.
Pagkauwi nila sa Pilipinas ay naghanda sila ng isang malaking salo-salo para sa bagong ospital ng bayan at sakanila ding pagbabalik.
Pagbalik nila ay isa nang Gobernadorcillo si Don Dioscoro na ama ni Krystal.
"Pumasok ka muna sa loob mahal. Baka napapagod kana." Napayakap naman ang dalaga sa kasintahan.
"Ayos lang" ngiti nito.
"Anak!" tawag ng Don Dioscoro sa anak nito. "Po?"
"Dumating na sina Roselia!" halos tumalon sa tuwa ang dalaga at dali-daling hinawakan ang kamay ni Rafael saka hinila.
"Dahan-dahan laang" suway ni Rafael ngunit nginitian lang siya nito.
"Roselia!"
"Krystal!"
Halos umalingawngaw ang boses ng dalawa. Nagyakapan sila na para bang ang tagal na nilang hindi nagkita.
"Ramille"
"Rafael"
Sabay ding wika ng magkakamabal. Napatingin naman sa kanila ang dalawang dalaga.
"Ano ba yan! Nakakalito naman silang dalawa." Pagmamaktol ni Roselia. Napatawa nalang si Krystal.
"Sino ba jan ang asawa ko?!" lumapit ang dalaga.
"Mahal kita" wika ni Ramille na nakapag-pula sa pisngi nito.
"Tumahimik ka nga! Nandito sila Kyrstal!" sabay pisil ng braso nito.
"Ama!" may isang supling ang lumapit kay Ramille. "Ano yun anak?" tanong nito.
"Anak?!" sabay na sigaw nina Krystal at Rafael.
"Hindi! Kapatid ko! Ano ba naman yan!" wika ni Roselia. Napatawa naman silang lahat.
"Ano ang iyong ngalang munting ginoo?" tanong ni Krystal.
"Ako po si Romeo Silvestre Bustamante" masayang wika nito kahit hirap ito magsalita.
"Ang gandang pangalan" wika ng dalaga saka pinisil ang pisngi nito.
"Gusto mo ba din ng ganyan?" biglang tanong ni Rafael na nakapagpagulat ng dalaga.
"Ano ba!" pinalo nito ang braso ng binata.
"Bakit?" natatawang tanong ni Rafael.
"Gawin na yan!" biro ni Roselia.
"Hindi pa tayo kasal noh!" sigaw nito. Hindi naman nakapagsalita ang binata. Naghari ang katahimikan sa kanilang apat.
"Ina!" biglang nakuha ni Romeo ang kanilang atensiyon. "Gutom na po ako" wika nito sabay kusot sa mata.
"Pasok na tayo" wika ni Ramille. Tumango naman ang dalawang magkasintahan saka pumasok.
"Krystal! Rafael!" natigilan silang apat sa pagpasok dahil may tumawag sa kanilang isang binibini.
"Ezperanza!" sigaw ni Rafael. Halos malaki na ang pinagbago ni Ezperanza. Umikli ang kanyang buhok at mas lalo pa itong gumanda.
Ang ganda ng ngiti nito. Binati niya ang dalawa saka nakipag-usap. Nalaman nilang ikinasal na pala si Ezperanza kay Francis. Tila pinagtagpo talaga sila ng tadhana.
************
"Francis!" sigaw ng asawa nito. Kanya itong nilapitan saka hinalikan sa pisngi. Napangiti naman ang magkaibigan sa kanilang nakita.
"Francis" wika ni Rafael.
"Rafael" wika din ng binata.
"Krystal" lumingon naman sa kanya ang dalaga saka ngumit.
"Masaya ako at nagkita tayo muli, Ginoong Francis."
"Ako rin"
"Ano ba? Mag-iiyakan nalang ba tayo dito?" iba talaga ang saya na dala ni Ezperanza.
Masayang binati nila ang buwan. Kompleto silang lahat na pawang walang dalang puot ng nakaraan.
Natapos nila ang gabi na puno ng kasiyahan at galak. Umuwi sila sa kanilang mga bahay na may ngiti sa kani-kanilang labi. Ngunit tila may nagharing kalungkotan kay Krystal.Iyon ay ang gusto niyang maikasal at lumakad sa altar habang naghihintay sa dulo ang mahal niya. At iyon ay si Rafael.
![](https://img.wattpad.com/cover/190790691-288-k98819.jpg)
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanfictionA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...