*Capitulo dose(12)*

18 2 2
                                        

( Writer's POV)

" Bastos!Walang modo!Walang kwenta!"

"Anong?! wag mo akong pagsalitaan ng ganyang babae ka!"

"Walang modo!Akala mo kong sinong kagwapuhan naman!Huh!"

"Putang!Manahimik kang babae ka!Bakit?!Maganda ka ba?!huh?!"

Sigawan nina Krisanto at ang babeng inuwi nito kagabe. Ngayon ay nandito sila sa sala ,habang nasisigawan sila sa isa't isa samantalang nakaupo lamang si Althea habang pilit tinitiis ang kaguluhan na namayani sa kanila.

"Aalis na talaga ako!Isusumbong kita kay ama!"

"Edi isumbong mo para matigil na lahat ng paghihirap ko!"

"Ayokong magpakasal sa isang bastos at walang kwentang tao na katulad mo!"

"Ayoko namang magpakasal sa isang maingay at putak na putak ang bibig kagaya mo!"

"Panget!"

"Panget!Nget!"

"Talagang aalis na ako!"

"Anong ang hinihintay mo!Anong gusto mo!Ihatid pa kita sa pinto!Mga magaganda lamang ang ihahatid ko noh!"

"Ayoko namang mahatid sa isang panget na katulad mo!Asa ka!"

Umalis ang dalaga na pamewang-mewang
at sinira nito ang pinto ng napakalakas.
Napabuntog hininga naman si Althea sa pangyayari na kanyang nasaksihan.
Naging kulay pula naman sa galit si Krisanto habang ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa kanyang bewang.

"Sumubra ka naman yata kuya.Kahit pa hindi mo gustong maipakasal sa binibining iyon ay tratuhin mo naman siya na parang babae at bigyan mo naman siya ng respeto."

Napayuko na lamang ang kuya nito dahil alam niyang hindi kaaya-aya na sigawan ang isang babae at siya pa na isang kilalang mamayanan.Napabuntog hininga na lamang din si Althea sabay akyat sa itaas.

"Ano?!"tanong ni Rafael. Napatango naman si Althea.Kasalukuyan silang nasa sala. Kanina-kanina lang ay hinatid ni Rafael si Kristal at napag-alaman pa niyang kasalukyan itong nakikitira sa tiya nito na kapitbahay ng kaibigan niyang si Krisanto.
Pagdating ni Rafael ay kaagad itong kinausap ni Althea para sabihin ang pangyayari na nasaksihan niya kanina.

"Saan ka ba pumunta?Kanina kapa hinahanap ni kuya.Bakit ngayon ka lang umuwi?"Tanong ng dalaga na para bang nobya siya ng binata.

"Aahh...eehh...Nakisaya ako sa mga tao dahil may isang pagdiriwang kanina kaya't nakalimutan ko na..." hindi na natapos ni Rafael ang kanyang sasabihin ng
umalingawngaw ang boses ni Krisanto sa buong sulok ng bahay.

"Rafael!Rafael!Anong gagawin ko Rafael?!" maiyak-iyak nitong sabi. Kitang-kita sa mga mata nito na mumula na umiiyak ito. "Pag nalaman talaga ni ama ang mga pinagsasabi ko sa babaeng iyon ay talagang papatayin ako niyon" wika nito habang papalapit sa kaibigan. Yayakapin na sana ni Krisanto si Rafael ng bigla itong nawalan ng balanse at ang mukha nito ay
humalik sa mga paa ni Rafael. "Ano ba!Laseng kaba huh?!" wika ng binata at tinulungan ang kaibigan na tumayo.

"Kung ako sayo ay humingi ka nalang ng tawad sa binibini" pangangaral ni Rafael.
"Ayoko ko nga,tinawag pa naman akong bastos at walang modo at tsaka ayoko na pakasalan ang isang bungagera babaeng katulad niya!" banat nito. Napatawa na lamang si Rafael dahil parang bata sa Krisanto. "Baka naman...bakit ka namang tinawag bastos huh?!" pagtatanong ni Rafael. Napakamot na lamang sa ulo si Krisanto at umupo sa tabi ng kaibigan.

I can see my Future with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon