*Capitulo dise ocho*(18)

13 0 1
                                        

(Writer's POV)

Ilang araw na din ang lumipas at malapit na ang araw ng pasko. Nagtataka si Don Dioscoro dahil parang walang gana si Kristal na idaraos ito dahil sa pagkakaalam niya ito ang paboritong okasyon ng kanyang anak.

Pinagtuunan ng atensyon ni Kristal ang pagpipinta at ang iba niyang obra ay ginawa niyang negosyo sapamamagitan ng pagtinda nito.
Mas nakikita ng Don na handa si Kristal na pamunuan ang hacienda.

Dalawang araw nalang ay pasko na at may nakakabit ng makukulay na parol sa bawat puno ng simbahan.

"Binibini, binagsasabi po ng inyong ama na kayo'y magbihis dahil may dadalawin po daw siya'ng isang kaibigan" wika ni Agnese. Napatango naman ang dalaga at tamad na nagtungo sa kanyang kwarto.

Ilang minuto din ang lumipas at tapos na ito magbihis. Nakasuot lamang ito ng simpleng baro't saya at bitbit nito ang pamaypay na bigay ni Rafael.

"Saan po tayo dadayo ama?" tanong ng dalaga. "Makikita mo rin" yun lang ang nasabi ng matanda.

Ilang oras din ang lumipas at huminto sila sa harap ng masyon ng mga Fernandez. Ilang taon na din si Kristal na hindi nakapunta dito magsimula noong pumunta si Francis sa Espanya.

"Ba't po tayo nandito?" nagtatakang tanong ng dalaga. "Binibisita lamang nating ng gamot ng iyong kalungkutan" masayang tugon ng matanda. Hindi naman maintindiha  ni Kristal ang ibig pahiwatig ng kanyang ama.

Pumasok na sila sa loob at kasalukuyan silang nandito sa sala kasama si Francis at ang ama nito.
"Kailangan ang kasal?" tanong Fernedand.

"Sinong ikakasal ama?" malumanay na tanong ng dalaga. Napatitig naman sa kanya si Francis na ngayon ay parang masaya.

"Kayo ni Francis hija" wika ni Don Fernedand na ikinagulat ng dalaga.
"Ngunit hindi pa po ko handa" yun lang ang nasabi ni Kristal habang nakayuko.

Ilang minuto ding natahimik ang paligid. "Sa susunod na taon naman ang aming napagdesisyonan" dagdag pa ng Don. Napatingin naman si Kristal sa kanyang ama.

"Akin munang kakausapin ang aking anak amigo" ngiting wika ni ama.
Wala namang nagawa si Don Ferdenand kundi tumango nalang.
"Bueno amigo, baka pagsisihan mo to pag hindi ka sumang-ayon" wika nito na may halong pagkadismaya.

(Kristal's POV)

Nandito ako sa hardin ng mga Fernadez at kasama ko ngayon si Francis. Si Don Ferdenand at ama ay may pinag-uusapan tungkol sa kanilang mga negosyo. Tahimik lang kaming naglalakad dahil wala akong gana. Magsimula nong nalaman kong may iba ng pinupusuan ang ginoong iniibig ko ay naging matamlay na ako.

Hindi ko pa siya nakita o naanig man lamang dahil palagi akong nasa aking silid. Akin dahang-dahang pinakawalan ang aking nararamdaman sa kanya.

Biglang binasag ni Francis ang katahimikang namayani sa aming dalawa. "Pasensya na kung ikaw ang nabigla kanina" wika nito. Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko maipagkakaila na mahihibang talaga ako sa kanya noon dahil sa kanyang kabaitan at maamong mukha.

Ngiti nalang ang aking naisagot. Nabigla ako kanina ng sabihin ng Don na ikakasal ako sa kanyang anak. Matagal kong hinintay ang araw na ito ngunit nagbago ng makilala ko si Rafael. "Gusto mo bang ipasyal kita sa daungan at ating silayan ang paglubog ng araw?" tanong niya. Wala naman akong nagawa kundi samang-ayon na lamang.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa daungan. Wala gaanong tao dahil walang hahayo na barko. May mga batang naglalaro ng habol-habolan at maliit ng bayong na nagbibinta ng mga meryenda.

"Dito tayo" utos niya at umupo kami sa isang tabla ng kahoy. Naalala ko tuloy yung gabing kamasa ko si Rafael sa dalampasigan. "Ano pala ang naging buhay mo sa Espanya?" tanong ko dahil parang sa aming dalawa siya lang ang nagsasalita.

"Noong nasa Espanya ako ay nakatira ako sa aking tiya. Gaya na din dito ay matiwasay naman ang aking buhay doon."

Napangiti naman ako. "Alam mo bang tuwing linggo ako magpapadala sayo ng sulat ngunit strikta ang aking tiya dahil hindi niya gustong may kasulatan akong isang binibini."

Nanlaki naman ang aking mata. Naalala ko noon na palagi akong naghihintay ng kanyang mga sulat. Akala ko nga ay nakalimutan na niya ako.

"Akala ko noon ay nakalimutan mo na ako" wika ko. Napatawa naman siya at nasilayan ko muli ang kanyang bilog sa pisngi. "Bakit naman kita makakalimutan? Ikaw yung palaging nasa isip ko noong nasa Espanya ako."

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa aking nalaman. Napangiti naman ako sa kanya. "Matagal din kitang hinintay noon. Tuwing hapon ay nakaupo ako sa daungan upang hintayin ang iyong pagbabalik."

"Sana'y pumayag ka Kristal na maging isang Fernandez. Nag-aral ako mabuti at hinihintay ang tamang panahon para mahingi ang iyong kamay."

Hindi ko alam ang sasabihin dahil ako'y nalilito sa aking nararamdaman.
Biglang kumurot ang aking puso dahil gusto kong si Rafael ang aking makakatuluyan.

Napalingon naman ako sa paligid at natanaw ko si Rafael na may kasamang magandang binibini. Yun yata ang babaeng nakapagbihag sa kanyang puso. Hindi man lang niya nalaman ang aking nararamdaman para sa kanya.

Ngunit anong silbi nito! Ako lang ang may pagsinta sa aming dalawa!

Napatingin ako kay Francis na hinihintay ang aking sagot. Wala na akong ibang maisip dahil alam kung wala na akong aasahan kay Rafael. Alam kong magiging mabuti ang aking kinabukasan kay Francis at alam kung aalagaan niya ako.

Kaya't naisip kong gawin ang mas nakakabubuti sa akin. Tumango ako bilang sagot. Nakita ko namang napangiti siya ng todo.

Makakalimutan ko din ang aking nararamdaman kay Rafael. Baka itong pagsinta ko sa kanya ay isang pangungulila lamang kay Francis na matagal kung hinintay.

"Te amo Kristal"( I love you Kristal) bigkas ni Francis sa akin. Matagal ko na ding hinintay na sabihin niya sa akin ito noon ngunit ngayon ay gusto kung marinig ang mga salitang iyon kay Rafael.

Ngiti nalang ang aking nagawa. Hinawakan ni Francis ang aking mukha at hinalikan ang aking noo.
Sa araw na iyon ay para akong isang bilanggo na hindi makawala sa pag-ibig na nararamdaman ko kay Rafael.

Niyakap niya ako at tinignan ang lumulubog na araw.

Ako'y pagmamay-ari na ng lalaking aking unang pag-ibig. Ang lalaking unsang minahal at siya din ang aking makakatuluyan. Tanging tadhana na lang ang gagawa ng paraan sa aking nararamdaman kay Rafael. Alam kong kasalanan tong aking ginawang pagsagot kay Francis kahit may mahal akong iba.                                                                     

I can see my Future with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon