*Capitulo dise sies(16)*

9 1 1
                                        

"Ayos ka lang?Anong ginawa nila sayo?"wika ng ginoo.

"Ayos lang ako.Salamat sa pag-alala sa akin," tipid kong wika.

Nakita ko ang naging pinsala ng mga rebeldeng sumugod sa amin. Nilingon ko din si Estoy na nakaluhod habang nasa kamay ng mga guardia civil. Alam kong masakit para sa kanya ang nangyaring pagkamatay ng kanyang anak ngunit hindi iyon dahilan upang gumawa siya ng masama.

Lumabas na din sina ama at manang sa loob ng lihim na silid. "Anak!" sigaw ni ama sa akin. Kahit mahina pa siya ay pinilit parin niyang maglakad upang ako'y mayakap.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Kitang kita sa kanya ang pag-alala.

"Anong ginawa nila sayo?"

"Binibini, ayos ka lang?"

"Huwag munang gawin iyon sa susunod nak"

Tanong nilang lahat sa akin. Ako nalang ay napatawa dahil damang dama ko talaga ang kanilang pag-aalala. "Ano ba yan, malilito yata si Kristal kung sino ang uunahin na sasagutin" tawang sabi ng isang ginoo.

"Hijo! Francis Anghelito Fernandez! " wika ni ama.

"Masaya po akong nagkita tayo muli" masayang tugon ni Francis at nagbigay galang kay ama. Kababata ko si Francis na siyang anak ng isang kilalang abogado noon dito sa Cavite. Isa na siya ngayong ganap na heneral. Ngayon lang siya nakauwi dito dahil sa Espanya siya nag-ensayo sa pagiging heneral.

"Kailan ka pa dumating?"tanong ni ama. Napakunot naman sa ulo si Francis sabay wika, "Noong nakaraang linggo pa po."

"Ba't hindi ka bumisita dito naglibang sana tayo.Matagal ka na din nawala."

"Napag-alaman ko po kaseng nandoon si Kristal sa Maynila at may inisikaso pa po akong mga papeles para dito na ako sa Pilipinas manilbihan" wika nito sabay tingin sa akin.

"Kita ko nga" pagbibiro ni ama. "Ilang taon ka na ding hinihintay ng aking dalaga hijo,yun yata ang dahilan kung bakit hindi niya gustong magpakasal muna pagkat hinihintay kaniya" dagdag pa ni ama. Minsan talagang palabiro ito si ama.Hindi naman siya ang dahilan kong bakit hindi ko gustong pagpakasal muna.

Napatingin sa akin si Francis na nakangiti. Malaki ang pinagbago niya. Ang kanyang singkit na mata, pulang labi,matangos na ilong at ang kanyang dalawang bilog sa pisngi ay sadyang nakakahalila. Nakasuot pa siya ng magarang uniporme.

Napalingon si ama kay Estoy na ngayon ay nakayuko. "Alam kung labis kang nasaktan sa pagkawala ng anak mo ngunit hindi iyon sapat na dahilan para saktan mo ang aking anak. Bilang isang ama hindi ko hahayaan ang ginawa mong pagpasok dito. Binagbigyan na kita noon ngunit ngayon sa kulungan ang bagsak mo Estoy."

Kitang-kita ko sa mga mata ni ama ang poot at paghihinayang. Isang tapat at masipag na manggagawa niya noon ay nagawa siyang gawin ng masama. Sa mundong ito ay talagang pahirap magtiwala.

"Aasikasuhin ko muna itong mga walang hiyang tong, magpapaalam muna ako Don Dioscoro at sayo Kristal" wika niya.

Tango na lamang ang aking nagawa dahil hindi parin ako makapaniwala na nasa harapan ko ang taong hinihintay ko ng napakahabang panahon. Ilang taon ko na din siyang hinintay sa harap ng daungan sa kanyang pagbabalik at ngayon nandito na siya ay masaya na din ako. Ngunit iba na ang lahat. Wala na ang kaba at ang init sa aking pisngi pag nakikita ko siya.

Lumabas na silang lahat sa mansiyon.
Nawala na ang aming gaba sa aming dibdib sa pangyayari. Nagpadagdag si ama ng mga bantay sa labas upang masiguro ang aming kaligtasan. Gusto ko sanang makausap si Estoy tungkol sa pangyayari. Alam kong masakit para sa kanya ngunit hindi iyon kasalanan ni ama. Talagang iyong lang ang nakatadhana para sa kanyang anak.

I can see my Future with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon