*Capitulo 22*

5 0 0
                                    

(Krystal's POV)

Nakasakay ako sa isang binibining nagngangalang  Ezperanza. Isang magandang dalaga. Tahimik lamang ako sa aming paglalakbay at palihim kung sinisilip si Rafael na kasabay namin.

Parang dinurog ang puso ko nang makita silang magkasama kanina ngunit wala na rin akong magawa kundi sumama.

Palihim kong tinignan si Rafael na nakatingin lang sa daan. Hindi parin mapawi sa isip ko ang maamong mukha niya.

Nagitla naman ako ng bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti. Parang sasabog na ang puso ko dahil sa nasilayan ko.

Humarap na siya sa daan. Palihim naman akong napangiti.

"Rafael" agaw pansin ni Ezperanza sa kanya.

"Hhmmmm?"

"Ngayon palang ako bumalik sa bayang ito ngunit ikaw ang aking unang nakita sa aking paboritong lugar" wika niya.

"Ganoon ba? Baka pinagtagpo talaga tayo ng tadhana"

Nagtawanan naman silang dalawa samantalang ako ay parang iiyak na.
Nangilid ang aking mga luha sa aking mga mata at pilit ko itong pinipigilan.

Nandito na kami sa harap ng aming hacienda. Inalalayan naman ako ni Rafael na bumaba at napangiti naman ako.

"Paalam na sa inyong dalawa, salamat" wika ko.

Tumango naman ako ni Ezperanza at saka tumingin kay Rafael. Nakatingin lang siya sa akin.

"Rafael?"

"A-ah wala....pumasok kana" utal niyang pagkasabi.

Napatango naman ako at tinahak ang papasok sa aming tahanan.

Tumingin pa ako sa kanya na sumasakay sa kanyang kabayo.
Ngiti nalang ang aking napakawalan saka tinalikuran na siya.

Paalam mahal ko

Narinig ko ang hakbang ng mga kabayo at batid kung umalis na sila.

Sana'y maging masaya ka sa kanya

Ilang buwan ang lumipas......

Matagal ko nang hindi nakikita si Rafael dahil hindi ako lumalabas ng hacienda. Hinihintay ko nalang ang pagdating ng araw ng aking kasal. Nakung saan matatali ako kay Francis.

"Señorita?" agaw pansin ni Agnese sa akin na may dalang baro't saya.

"Bakit?"

"Pinapasabi po ng inyong ama na kayo po'y dadalo sa isang pagsasalo sa bahay ng mga Bustamante kasama si Francis" nabigla naman ako sa kanyang sinabi.

"Hindi ako sasama" wika ko.

Hindi ko kayang makita si Rafael...hindi ako handa

"Señorita,kung tatakbo po kayo papalayo sa kanya ay mas mananabik ka pong makita siya" napatingin naman ako kay Agnese.

Sinabi ko ni Agnese lahat....lahat...

Napatango nalang ako at inilapag niya ang mga ito sa kama. Pinagmasdan ko naman ito saka bumuntong hininga.

Kaya mo to Krystal!

Sa bahay ng mga Bustamante....

Dahil sa nangyayari sa akin ay unti-unti nawawala ang aking kakayahan na makakita sa hinaharap.

Nandito na kami sa kanilang hacienda at kasama ko si Francis. Napakapormal niya ngayon at mas nakakadagdag sa maamong mukha niya.

"Amigo!" bati sa amin ni Don. Nagkamay naman sila ni ama saka bumaling sa aming dalawa ni Francis.

"Ang ganda niyo tignan" ngiti niya.

"Maraming salamat po" pormal na wika ni Francis. Ngiti nalang ang aking nagawa st hindi na nagsalita.

"Akala ko ay may patutunguhan kayo ni Rafael noon pero parang hindi kayo itinadhana" nagitla naman ako sa sinabi niya.

"Pasensya na...nabigla ka yata"

Napayuko nalang ako at napatingin kay Francis na ngayon ay nakatingin lang sa Don.

"Tayo na" utos ni ama.

Naupo kami sa isang malaking lamesa na pabilog. Magkatabi kami ni Francis . Marami nading ang mga bisita na dumarating kaya't nagsisimula ng magpatugtug ang mga musikiro.

"Ayos kalang ba mahal?" malambing na tanong ni Francis.

"Ayos lang ako" ngiti kong sabi.

Hinawakan niya naman ang aking pisngi at napangiti. Iniwas ko naman ang paningin ko sa kanya. Saka tumingin nalang sa mga taong nagsasayawan sa gitna.

"Gusto mo bang sumayaw?" tanong niya. Napaisip naman ako. Labag sa kalooban kong isayaw niya ako ngunit natatakot akong manghinala siya sa akin.

Tumango nalang ako. Inalalayan niya akong tumayo at pumunta sa gitna.

Hinawakan niya ang aking kamay at marahang hinawakan ang aking bewang.

Nakatingin lang siya sa akin samantalang ako ay nakatingin lang sa aking gilid.

Ilang minuto din kami sumayaw at nahinto ito ng pumunta si Don Alvaro sa gitna at nakit ko si Ramille na kasama si......

Roselia?

Taka naman ako napatingin sa aking kaibigan na ngayon ay nakayuko. Kinabahan ako sa nangyayari dahil na rin sa nakita kong mangyayari sa kanyang hinaharap.

Nagsisimula na ba?

"Aking ipagkakasundo si Ramille kay Roselia Gutierrez!" nakangiting wika nito.

Buglang tumigil ang aking mundo sa aking nalaman.

Ito na ba ang simula Roselia? Ano ba ang dahilan ng iyong pagkamatay?

Nagpalakpakan ang lahat at nagsimula nang tumugtug para sa sayaw.

Tinignan naman ako ni Francis. "Pagod na ako" wika ko at tumango naman siya.

Naupo lang kami si mesa at hindi ako umimik.

Si Ramille ba ang dahilan ng iyong pagtataksil? Sa iyong pagkamatay?

Ikaw din ba ang dahilan kung bakit hindi nakamit ni Ramille ang tunay na pag-ibig? Ikaw ba ang nagbiyak ng kanyang puso?



I can see my Future with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon