(Rafael's POV)Malapit na ang pasko at napagdesisyonan kung umuwi muna sa Cavite upang doon Ito ipagdiwang. Nandito ako ngayon sa daungan upang sumakay ng barko. Kasama ko ngayon sina Krisanto at Althea dahil gusto nila akong ihatid dito sa daungan.
" Oo siya kaibigan, ako'y aaalis na" wika ko kay Krisanto. Hinawakan niya ang aking braso at tumango. "Huwag kang mag-alala maaayos din ang lahat sa inyo ni Selena. Sana'y sa susunod ay mabalitaan kong ikakasal na kayo."
Napakunot naman ang noo ng aking kaibigan. Nakatayo lamang si Althea sa gilid ng kanyang kuya. "Rafael! Ayoko na!Ayoko talagang magpakasal sa bungangerang iyon! Tulungan mo ako!" Natawa na lamang ako sa inasal ng kaibigan. Napatingin sa amin ang mga tao dahil para siyang baliw na sumisigaw.
"Kuya, umayos ka nga! Nakakahiya sa mga taong narito na para kang baliw na umiiyak!" pagsusumamo ni Althea. Inaayos ni Krisanto ang kanyang tindig at damit.
"Althea, may nakita ka na bang gwapong baliw?" wika nito habang hinimas-himas ang makinis nitong mukha. Hindi naman ito pinansin ni Althea. "Matinik yata ako sa mga kababaihan.Parang silang baliw kakasunod sa akin."
"Matinik na kung matinik.Akoy dadayo na." Napatingin sa akin ang dalaga. Bumitaw ako ng isang ngiti at sa hindi ko inaasahan ay namula ang buong mukha nito.
"Paalam Ginoong Rafael"
"Paalam Rafael!"
Ako'y nakasakay na ng barko. Pinagmasdan ko ulit ang daungan ng Maynila. Ilang oras din akong nakatayo dito sa gilid ng barko habang inaamoy ang malamig na hanging dumadapo sa aking mukha.
"Kay ganda pakiramdaman ang hangin,hindi ba?" may nagsalita sa aking likuran.Nanlaki ang aking mga mata ng makilala kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Si Conztansa, ang dati kong nobya.
"Para ka yatang nakakita ng multo Rafael?Iyan na ba ang iyong pakikitungo sa isang dating kaibigan?"
Naistatwa ako sa aking kinatayuan. Ang babaeng nagbiyak ng aking puso ay muli kong nakita. "Kamusta kana?" yun lang ang aking nasabi. Wala akong ibang magawa kundi pagmasdan ang kanyang mukha.
Ang kanyang matangos na ilong,
malabilog na mata, hugis pusong labi,at ang kanyang mahahabang pilik mata ay gaya padin ng huli naming pagkikita."Ako'y ayos lang" tipid nitong wika. Tumabi siya sa akin at tinanaw ang kulay asul na karagatan. "Ang hirap pala maging isang magulang ngunit kahit anong pagod makita mo lang ang iyong anak na tumatawa at masaya ay naglalaho na ito"dadag pa niya.
"Bakit mo ito ginawa sa akin?" yun lang ang nasabi ko. Kahit pa man matagal ng nangyari ang naging kami ay hindi ko parin alam ang tunay na dahilan ng kanyang paglisan. Napatingin siya sa aking mga mata.
"Patawarin mo ako Rafael kung iniwan kita. Pagpapakasal lang kay Antonio ang tanging paraan upang maisalba ang aking pamilya. Kahit man sakit tanggapin na ewan kita noon wala na akong magagawa. Mas importanteng maisalba ko ang aming pangalan."
Nanatili laman akong nakatingin sa kanya.Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi na ito kagawa ng dati. Parang unti-unti ko na siyang pinakawalan sa aking puso at yun ang pinagsasalamat ko.

BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanfictionA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...