(Writer's POV.)
"Aray!Ang sakit!"wika ni Krisanto habang
pilit niyang binabangon ang kanyang sarili.
Napagtanto niya hindi siya'y nakahiga sa kanyang silid."Yan ang napala mo!Uminom kapa kuya."Inis namang tumingin si Krisanto sa kanyang kapatid na ngayon ay naghahanda sa hapag.
"Nasaan si Rafael?"tanong nito."Bumili siya ng tinapay sa panederya ni Mang Usping"wika ng dalaga.Masakit parin ang ulo ng binata dahil sa kalasingan at sinisinghot niya ngayon ang kanyang sarili na amoy alak."Maliligo muna ako"tipid nitong sabi.Dahan-dahan namang siyang naglakad papunta sa banyo at pamewang-mewang pa ito.Napataw naman si Althea at tinuon ang kanyang pansin sa paghahanda sa hapag.
Kaninang bukang liwaway ay ginising siya ni Rafael para maghain pagkat meron silang bisita na ngayon ay natutulog sa silid ng kanyang kuya.Pagkatapos niyang ihain lahat ng kanyang niluto ay dahan-dahan siyang umakyat sa itaas para silipin ang bisita na ngayon ay mahimbing na natutulog.
Nagkakaroon ito ng makinis at maputi na balat,matangos na ilong,pulang labi at ang mas nakakadagdag sa kagandahan nito ay ang mahahaba nitong pilik mata.
"Talagang hindi paikakaila na inuwi ka ni kuya dito"saad niya sa kanyang sarili at dahan-dahan sinira ang pinto.
"Manong pabili po ng dalawampu't pirasong tinapay"wika ni Rafael na ngayon ay bumibili sa panederya ni Mang Usping.
Kanina pa siya nakapila para bumili ng tinapay.Marami-rami din ang bumibili ng tinapay sa panederya ni Mang Usting dahil dito ginagawa ang pinakamasarap na tinapay sa buong Intramuros.
"Heto hijo"wika ng matanda.Napangiti naman si Rafael sabay lahad ng kanyang palad.Hahakbang na sana siya ng magsalita ang matanda "Kay gwapo mong binata hijo"wika nito.Napangiti naman si Rafael sabay sabi "Nagmana po sa inyo."Bigla namang natunaw lahat ng babaeng nakapila na ngayon ay nakasaksi sa pangyayari. Pangiti-ngiti pa ito at pilit tinatago ang kanilang mukha sa abaniko na kanilang dala.
Napangiti naman ang matanda sabay sabi,"Bumili ka ulit dito hijo dahil para naman mas rumami ang bumili"wika nito sabay kindat sa mga binibining nakasunod sa pila."Opo"wika ni Rafael sabay bigay galang sa matanda at sa mga binibini na mas lalong napakilig sa ginawa ng binata.
Abala ang mga tao sa paghahanda sa bagong araw na kanilang haharapin.
Tahimik lamang siya'ng naglalakad at minamasdan ang kapaligiran.Ang mga magandang kabahayan at mga taong nalalakad na bumubuhay sa diwa ng buong Intramuros.Pinagmasdan niya ang mga batang naglalaro ng patintentiro at bato lata.Nabigla na lamang si Rafael ng may narinig siyang putok ng baril.Tila tumibok ng malakas ang kanyang puso at pilit pinapakalma ito.Sa oras na ito alam niyang may kaguluhan namang nangyayari.
Nakita niya ang nakakagulong mga tao at isang grupo ng mga guardia civil na tinutugis ang isang Ginoo.Hinawakan ni Rafael ang supot na nagalalaman ng tinapay at dahan-dahan humakbang papunta sa mga taong nagsisiksikan at pawang natatakot sa kanilang nasaksihan.
"Hindi na ba siya humihinga?"
"Itakbo natin siya sa klinika"
"Naawa ako para sa kanya"
"Walang hiya yung Ginoo na yun,bakit sa nangdamay ng isang inosenteng tao?!"
"Kawawa naman ang sinapit niya"
"Kaya pa ba siyang gamutin,prang hindi na siya humihinga"
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanfictionA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...
![I can see my Future with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/190790691-64-k98819.jpg)