Chapter One

30.3K 633 124
                                        

"MISS MAVIS Policarpio?"

Napatuwid ng upo si Mavis nang tawagin ang kanyang pangalan. Muntik na siyang makatulog sa waiting area. Interview niya ngayon sa DV Corporation—Dela Vega Corporation—para maging isang executive assistant. DV Corp. is the top company when it comes to real estate holdings, financials and infrastructure. Sa kanila din ang pinakasikat na malls at hotels sa Pilipinas. Kaya naman ang maging isang executive assistant sa malaking korporasyong ito ang isa sa pinaka-coveted job sa bansa.

At least, sa tingin ni Mavis. Lalo na't tumataginting na seventy thousand pesos a month ang job offer ng mga ito. Hindi niya akalaing ganoon pala kalaki ang sinasahod ng mga executive assistants sa DV Corp. Kung alam lang niya ay matagal na sana siyang nag-apply doon. Alam ni Mavis na magiging isang "dakilang alalay" siya kapag natanggap siya sa trabaho pero gagawin niya ang lahat para kumita ng ganoon kalaking pera sa isang buwan.

"Miss, may idea ka ba kung anong department ang hawak ng ina-apply-an kong boss? Wala kasing nakalagay sa job posting tungkol sa details eh," tanong niya sa receptionist.

"Isa lang naman lagi ang nangangailangan ng EA dito. Ang CEO namin," simpleng saad ng receptionist na para bang daily occurrence ang job hiring para sa isang executive assistant doon. Natakot tuloy si Mavis na magtanong kung bakit. "Good luck. Pero dahil ikaw pa lang ulit ang nag-a-apply sa position ngayon. Baka ikaw na ang kunin nila."

That's...great news? gusto sanang sabihin ni Mavis dito. Pero dahil sa sinabi nito'y parang hindi niya iyon dapat i-celebrate. Anong klaseng CEO ang mayroon ang mga ito? Kailangan mo ng pera kaya magdiwang ka! sabi naman ng desperadang bahagi ng isipan niya. Kaya ch-in-eer na lang niya ang sarili niya.

Itinuro sa kanya ng receptionist ang room kung saan dinaraos ang interview. Sa loob iyon ng HR office. Bago pumasok si Mavis doon ay huminga muna siya ng malalim at siniguradong maayos pa rin ang suot niyang palda at polo.

Graduate ng business administration sa St. Martin's University si Mavis. She graduated magna cum laude. Kapag with honors kang grumaduate sa SMU ay instant ang job opportunities na makukuha mo. Pero dahil mas malaki kaysa sa offers na natanggap niya noon ang kinikita niya sa Avira—isang call center agency—ay pinili na lang ni Mavis na doon pa rin magtrabaho. Since second year college kasi ay nagpa-part-time na siya sa Avira noon.

Pitong taon ding nagtrabaho si Mavis sa Avira. Naka-dalawang account siya doon—isang email support at isang telecommunications. She had been a Team Manager for four years in Avira. But it was time to leave them. Gusto na niyang mag-resign dahil hindi na healthy para sa kanya ang working environment na mayroon sa kanilang account. Hindi siguro mawawala sa isang opisina ang iringan ng ilan mong kasama sa trabaho. Pero hindi ganoon ang sitwasyon sa kanilang opisina nang magsimula si Mavis sa kanilang account ngayon kaya hindi siya sanay.

Simula nang ma-promote kasi ang isa niyang kasamahan ay nagbago ito kaya hindi iyon nagustuhan ng marami. Kung iyon lang ay kaya namang makisama at makisakay ni Mavis. Pero mula nang magbago ang sistema ng pagpapasweldo sa Avira ay umangal na rin siya lalo na't kapos sila sa pera ngayon. Mabuti sana kung malaki ang sinasahod niya roon pero hindi. Hindi na nga financially rewarding, stressed ka pa sa mga kasama mo sa trabaho at sa requirement ng client mismo.

Higit doon ay kailangan niya nang mas malaking sahod. Dahil una, baon pa sila sa utang mula sa pagpapagamot na ginastos nila sa yumao niyang ina. Kahit tatlong taon na itong patay ay hindi pa rin nila nababayaran ang kanilang mga pinagkautangan. Iyon ang dahilan kung bakit kinailangan din niyang maghanap pa ng ibang trabaho. Para hindi na siya humingi ng panggastos sa kanyang tatay.

Pangalawa, may nagtakbo ng isang milyong pera sa pinapatakbong gasolinahan ng kanyang tatay sa probinsya kaya naghahanap ito ng mapagkukuhanan ng ganoon kalaking pera. Silang dalawa lang ang may trabaho sa kanilang pamilya dahil nag-aaral pa ang dalawa niyang kapatid. Ang Ate May naman ni Mavis ay hindi makapaghanap ng trabaho dahil hindi ito makakuha ng NBI clearance. Nagkautang kasi ito sa credit card company na pinagkautangan nito noon at hindi pa ito tapos magbayad. Puro raket lang ang ginagawa nito ngayon. Ni hindi magawang humiram ng pera ni Mavis sa bangko sa takot na baka magawa magkaproblema siya katulad ng Ate niya.

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon