Chapter Nine

12.7K 500 163
                                        

GOD, I HATE her, sa isip-isip ni Rush habang tinitingnan ang nagmamalaking ngiti ni Miss Policarpio. Hindi ito nakatingin kay Rush pero alam niyang ang ngiti na iyon ay para sa kanya. Dahil tama nakahanap ito ng kakampi sa sina-suggest nitong idea sa land acquisition ng mga Venturillo—ang presidente at owner ng Dela Vega Corporation—si Mrs. Victoria Dela Vega. Ang lola ni Rush.

Pagkatapos ng board of director's meeting ay niyaya siya ng lola niya para mag-usap sila sa kanyang opisina. Siyempre, kasama si Miss Policarpio para magbigay ng minutes—lalo na ng opinyon at komento ng mga board members—sa kanya. The board meeting went well except for that acquisition issue.

"The board will expect it to be resolved as soon as possible, Ruther Shane," paalala pa ng lola niya.

"We'll resolve it," sabi na lang niya sa lola niya pero kay Miss Policarpio pa rin siya nakatingin. He hated making a mistake. He hated feeling like an incompetent fool. He hated betrayal. And his new executive assistant just made him feel like that.

"Good job on these cupcakes, Miss Policarpio. Where did you get them?" baling ng lola niya kay Miss Policarpio.

"Oh, thanks, ma'am. I got them from The Cupcake Wizard. Ni-request ko po sa kanila na bawasan 'yong sugar," nakangiti at magalang na sagot ni Miss Policarpio sa lola niya.

He scowled at her internally. How can she still looked this sweet even after betraying him?

"Good call. Do you also bake?"

"Uh, yes, ma'am. Stress-reliever ko po ang baking."

"Ako rin. Bakit hindi na lang ikaw ang nag-bake ng cupcakes ngayon? I mean, I could've baked some pero marami kasi akong charity projects na naka-schedule last weekend," anang lola niya.

Why are they even talking about baking in my office? Gusto na ni Rush na makaalis ang lola niya. So he can get his hands on Miss Policarpio. Not in a very sweet way though.

"Ah. Nagkasakit po ako last week at time of recovery ko po 'yong weekend kaya hindi ako nakapag-bake," kiming pag-amin ni Miss Policarpio.

Marahas ang naging pagbaling kay Rush nang lola niya. "Ruther Shane, I thought I told you to be good to your assistants. Baka sabihin ng ibang tao na hindi maganda ang pagpapalaki ko sa inyo. Who would look bad? Goodness gracious! Ilang EAs na ba ang dumaan sa'yo? I told you to learn how to value them. Our employees are the most important people in our company because without them, we'll never be at the position we're in right now. Look at Miss Policarpio, nagkasakit agad siya gayong ilang araw pa lang siyang nagtatrabaho sa'yo," mariing pangaral ng kanyang lola.

Nahilot ni Rush ang magkabila niyang sentido dahil sa sermon nito. "It's not my fault kung bakit siya nagkasakit, lola. It's because of her own carelessness," katwiran naman agad niya rito. Saka pinukol ng masamang tingin si Miss Policarpio.

"It was my fault, ma'am. Galing po kasi ako sa graveyard shift from my previous company. Hindi pa po ako nakaka-adjust sa day shift last week pero kailangang-kailangan na daw po kasi nila na pumasok ako kaya nag-zombie mode talaga ako last week. Pero okay na okay na po ako ngayon. It won't happen again," pag-a-assure dito ni Miss Policarpio.

"And to think that you came in at the busiest time of the month," sabi pa ng lola niya saka umiling-iling.

"Okay lang po. Sanay naman po ako sa trabaho," magalang pa ring sagot ni Miss Policarpio sa presidente ng DV Corp. Kahit naiinis ngayon si Rush ay in-acknowledge niya na mukhang sanay nga sa trabaho si Miss Policarpio dahil sa dami ng pinagawa niya rito ay hindi man lang ito nagreklamo. Kahit ang kalusugan nito'y isinakripisyo ng babae para lang sa trabaho. Kaya naisipan niyang bigyan ito ng exclusive perks na hindi pa niya nagagawa noon sa previous assistants niya.

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon