Chapter Thirty-Nine

10.7K 366 276
                                    

IT HAD been twenty-eight hours and forty-five minutes since Mavis received that break-up e-mail from Rush. She spent a total of fourteen hours and twenty minutes in the air from London to Manila with an hour and a twenty-five minute lay-over in Hong Kong. It took an hour and a half for her to grab a taxi and go straight to DV Corp. And she spent the remaining hours booking a flight back to Manila, getting to the airport, crying and waiting for Rush to call or e-mail her.

Walang nangyari kahit alin doon. Ang huling e-mail ni Rush sa kanya ay iyong break-up e-mail pa rin nito. Hindi na ito nag-reply pa sa kanya pagkatapos. Kaya nagdesisyon si Mavis na umuwi na lang muna. Dahil hindi rin naman siya mapapakali sa London. Kailangan niya itong makausap.

Pagkababa niya sa harap ng DV Corp. ay tumakbo siya diretso sa elevator. Hindi na niya napansin pa ang mga taong nakakita sa kanya at bumati dahil wala siyang ibang iniisip kundi makita at makausap si Rush ngayon. Pagdating niya sa floor ng opisina nito ay agad niyang nakita si Jill.

"Miss Mavis! Bumalik ka. Thank God!" relieved na sabi nito sa kanya.

"Hi, Jill. Nasa loob ba si Rush?" agad na tanong niya rito.

"Oo. Nagbilin siya sa'kin na 'wag siyang istorbohin pero ikaw naman 'yan, so, go," nakangiting sabi ni Jill.

"Thank you," mabilis na pasalamat niya rito saka siya naglakad palapit sa pinto ng opisina ni Rush. Bago niya iyon binuksan ay huminga muna siya ng malalim para kalmahin ang sarili. Itinulak niya pabukas ang pinto at nabungaran niya roon si Rush na nakatitig sa laptop nito. "Hi," kiming bati niya rito.

Wala ng pakialam si Mavis sa hitsura niya. Hindi pa siya naliligo pero nag-toothbrush siya sa plane kanina. Kumain din naman siya no'ng nag-lay-over sila sa Hong Kong at kahit nagugutom ulit siya'y ininda niya muna iyon.

Rush slowly lifted his eyes onto her. But he only stared at her blankly. Tila bumalik ito sa dating Rush. Pinindot nito ang intercom at pumailanlang sa buong paligid ang tinig ni Jill. "Didn't I tell you that I don't want to be disturbed by anyone right now?" mariing sabi ni Rush sa bagong executive assistant nito.

"Pero Mr. Dela—"

Mabilis siyang lumapit sa table nito at pinindot muli ang intercom. "Don't worry, Jill," pangongonsola niya sa bago nitong executive assistant bago bumaling kay Rush. "Hi."

"Didn't I break up with you already? You shouldn't be here, Miss Policarpio," ani Rush sa pormal at malamig na tinig.

Ouch. Na-demote ulit ako sa pagiging 'Miss Policarpio'.

"A break-up should be a mutual decision. And as far as I'm concerned, hindi pa ako pumapayag. You didn't even give me the chance to explain. You closed off. Agad-agad," kalmadong sabi niya rito.

"Fine. Para naman may mapala ka sa pag-uwi mo dito, explain."

Pakiramdam ni Mavis ay isang business transaction na lang ito para kay Rush. And it fucking hurts. Nakagat ni Mavis ang pang-ibabang labi dahil pinipigilan niya ang sarili na maiyak ngayon. Crying would get her nowhere.

"I got jealous. Hindi ikaw ang problema. Wala ka namang ginawa para magselos ako. I'm just...insecure. Ako talaga ang problema, I know that. And I know that you already did a lot for me. I was just...jealous. Kasi you were with her...intimately. And I know na labas na ako do'n. Hindi pa tayo magkakilala noon. I just...can't bear to share you. Kahit pa ang issue ko ay sa past mo na. I'm sorry. I know it's petty and I have to...fix this part of myself. But I love you. Hindi ko kailangang magkaroon ng self-realization para malaman iyon. I know that I love you. Kinain lang talaga ako ng matinding insecurity at selos. I promise I won't anymore," pangako ni Mavis kay Rush. Pero hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kanya—blangko.

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon