"REMIND me again kung bakit kailangang nandito pa kayong dalawa? Dear Sirs?" tanong ni Mavis kina Sir Axe at Sir Tyler.
Pagkuwa'y tiningnan niya isa-isa ang mga ito para makita ang reaksyon ng dalawa. Sa kaliwang gawi ni Mavis nakaupo si Sir Axe at nasa kanan naman si Sir Tyler. Parang hindi busy ang mga ito sa kani-kanilang trabaho at nag-crash pa ang mga ito sa interview niya ngayon. Bigla na lang pumasok sa maliit na boardroom ng HR department ang dalawa habang nagbe-break si Mavis sa pa-i-interview ng mga aplikante na papalit sa kanya. Mag-a-alas-onse na umaga pero wala pa rin silang napipiling bagong Executive Assistant ni Rush.
"Para sa pustahan 'to, Mavis. 'Di ka na nasanay sa'min," agad na sagot ni Sir Axe.
"I'm sitting in for Daena," sagot naman ni Sir Tyler.
"Wow, ha! In that case, I'm standing in for Roan. Tutal naman ay laging involved din ang legal department sa hiring process ng next EA ni Rush," pagsabad ni Sir Axe.
"Pustahan tayo, hindi alam ni Roan 'yang mga sinasabi mo," pang-aasar ni Sir Tyler sa nakatatandang pinsan.
"Wala ba kayong mga trabaho?" tanong niya sa mga ito. Nadadagdagan ang sakit ng ulo niya dahil sa presensiya ng dalawang ito.
Mag-i-isang linggo na silang naghahanap ng bagong EA nito pero wala pa ring pumapasa sa standards ni Mavis. Kung hindi nakakapasa sa standards ni Mavis ang mga aplikante, lalong hindi papasa sa standards ni Rush ang mga ito. So, she didn't bother with their second interviews. Sana lang ay may mahanap na siyang karapat-dapat ngayong araw para makapagsimula na sila ng turn-over.
"Unlike you and Rush, we know how to take a break," sabi sa kanya ni Sir Axe.
"By the way, kumusta naman kayo ni Rush, Mavis?" tanong naman ni Sir Tyler.
Nag-iwas si Mavis ng tingin sa mga ito. Kunwari ay sinisipat niya ang mga resume ng mga susunod na aplikante. Pagkuwa'y tumikhim siya at pormal na sinagot ang tanong ni Sir Tyler. "We're maintaining the professional relationship that we should have here, Sir Tyler. So, we're okay."
"Wala pa rin kayong bagong development? Seriously?" hindi makapaniwalang sabad ni Sir Axe. "After all your moments in Tenerife, wala pa rin?"
Pinigilan ni Mavis ang mapangiti. Because Rush and Mavis already have an understanding. They both know that they like each other. Pareho silang may pagka-selfish kaya gusto nilang kanila na lang muna ang sikretong iyon. Kapag nalaman kasi iyon ni Sir Axe ay siguradong malalaman na iyon ng buong Dela Vega family. Baka nga pati buong DV Corp. Kaya sa kanila na lang muna ni Rush ang understanding na iyon.
"Bakit, Sir Axe, may bagong development ba kayo ni Roan?" balik-tanong ni Mavis kay Sir Axe.
Natigilan si Sir Axe dahil sa sinabi niya. Natawa naman si Sir Tyler sa mga naging reaksyon nilang dalawa. "Akala n'yo lang wala pero meron, meron, meron! At secret namin 'yon!" defensive na sagot ni Sir Axe. Kaya pati si Mavis ay natawa na rin.
"I'm curious though, 'buti pumayag si Rush na mag-resign ka at umalis? No'ng nalaman ko kasi na aalis ka, ang tanong ko agad eh, kung pumayag na si Rush," ani Sir Tyler.
"Yeah. Same here. I mean, possessive 'yon sa'yo 'tapos pumayag na aalis ka? Pumayag na malayo siya sa'yo, when you're not even confirming that you like him too?" segunda ni Sir Axe saka ito muling bumaling kay Sir Tyler. "Wala pa naman tayong naririnig na magre-resign muna si Rush o magli-leave for a year, 'di ba? Baka mamaya n'yan, sa London na rin siya mag-head office dahil nando'n si Mavis."
"Hindi naman pwede 'yon," agad na sabi niya sa mga ito.
"Oh, trust us. Rush will do anything he wants when it comes to you. Remember no'ng nagkasakit ka? Iniwan ang trabaho para sa'yo. Lalo na kaya ngayong malalayo kayo sa isa't isa," ani Sir Axe.
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
Romanzi rosa / ChickLitTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...