KANINA pa ramdam ni Mavis ang "dark aura" ni Rush pero hindi na lang muna niya ito pinapansin. She didn't want the others' attention shift on them. Dapat ay na kay Rodrigo—ang anak ng may-ari ng vineyard na pinuntahan nila at siyang nag-volunteer na maging tour guide nila—lang ang atensyon ng grupo nila.
"She doesn't like to drink wine," seryoso at puno ng bitterness na sagot ni Rush kay Rodrigo instead of Mavis. Tinanong kasi siya ni Rodrigo kung mahilig siya sa wine.
Did she mention that Rodrigo claimed to like her? And that he's this ruggedly good-looking guy? No? Well, yes. Rodrigo did that and he's that. Pagkakita nito sa grupo nila ay agad itong nagpakilala sa kanya. Hindi pa nakasama sa grupo nila si Rush noon dahil kinakausap pa nito ang hired driver. Kaya nang makita nitong hawak ni Rodrigo ang kamay ni Mavis at hinalikan pa iyon ng lalaki ay naging madilim na ang mukha nito.
"No? Aw, that's a shame, seńorita. I could give you a barrel just so you'd go out with me tonight—"
"She's mine, Rodrigo. I'd appreciate it if you stop flirting with her."
Nanlaki ang mga mata nina Mavis at Rodrigo dahil sa bombang bigla na lang pinasabog ni Rush. Marahas na napalingon dito si Mavis at nakita niyang pawang nakangisi ang kanilang mga kasamahan. Clearly enjoying the "Rush and Mavis show".
"Oh, sorry. I thought she's available," puno ng panghihinayang na sabi ni Rodrigo. Tiningnan siya ni Rodrigo saka ito nagkibit-balikat. Pagkuwa'y tinalikuran siya nito at nagpatuloy na sa tour.
Napahiya si Mavis kay Rodrigo. Iniisip siguro nito na flirt siya. Hindi niya sinabi na "taken" na pala siya at hinayaan niyang isipin nito na available siya. Kaya sa halip na sumunod sa tour ay tumigil siya roon at tinitigan ng masama si Rush. Na nilabanan din nito ng masamang tingin.
"Ano'ng ikinakagalit mo?" sita niya rito.
"Isn't it obvious? You were flirting with him," mariing tutya nito sa kanya.
"As far as I know, I'm still single. Available," mariing sabi niya rito. Mas lalo lang tumiim ang tingin ni Rush sa kanya.
Nagkaroon ng staring contest sa pagitan nilang dalawa. Na ipinanalo ni Mavis dahil sa huli ay humugot ng isang malalim na hininga si Rush at mariing pumikit. Tila kino-kontrol ang sarili.
"Patience, Rush. Damn it," tila asar na sabi nito sa sarili bago muling bumaling kay Mavis. "Look, Mavis, I'm sorry. I really don't know how to do this. So, I'd appreciate it if you could...just...respect my feelings," pakiusap ni Rush sa kanya.
Napangiwi si Mavis dahil nakaramdam siya ng guilt. Naisip naman niya kanina kung ano ang mararamdaman ni Rush at kung paano ito magre-react dahil sa ginagawa ni Rodrigo. And it's not like nakikipag-flirt din siya kay Rodrigo dahil wala naman siyang ibang ginawa kundi sagutin ang mga tanong nito ng totoo. Pero single naman talaga siya at hindi pa sila ni Rush kaya wala siyang dapat na ipaliwanag.
Whoa! PA? Hindi PA kayo? kastigo ng isang bahagi ng isipan ni Mavis sa kanya.
"Shit!" hindi makapaniwalang sigaw niya.
"What?" curious na tanong ni Rush.
"Ha? Wala. Uhh, sorry," mabilis na sabi niya. Saka siya nahimasmasan. "Look, I understand your feelings, okay? Pero sana maintindihan mo rin na up until now, hindi ko pa rin ma-grasp ang katotohanang may...gusto ka sa'kin. Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa'kin 'yon. Okay? Allow me to adjust. And I understand na sanay kang maging control freak and that you hate not being in control of things but there are certain areas in life that you cannot control. One, being love. Two, people's decisions and their own lives. 'Di gumagana masyado isip ko ngayon but then, there's also me, Rush. You can't control me. You can't rush me, okay? And I'm so afraid to give you any false hopes but...there's no other guy in my life right now except you."
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
Literatura FemininaTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...
