From: Rush Dela Vega
To: Mavis Policarpio
Subject: Where are you?
Rush Dela Vega
CEO, Dela Vega Corporation
---
From: Rush Dela Vega
To: Mavis Policarpio
Subject: Why aren't you answering my calls?
Rush Dela Vega
CEO, Dela Vega Corporation
---
From: Rush Dela Vega
To: Mavis Policarpio
Subject: It's fucking 8AM now!
Rush Dela Vega
CEO, Dela Vega Corporation
---
NAGISING si Mavis sa sunod-sunod na pagtunog ng cell phone niya. Napaungol siya dahil masakit ang ulo at katawan niya. Kinapa ni Mavis ang kanyang cell phone mula sa bedside table. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may thirty six missed calls siya mula kay Sir Rush at five missed calls mula sa Ate May niya. Hindi lang iyon, nine-forty na ng umaga!
Sobrang late na siya. Pero hindi magawang bumangon ni Mavis. Ang bigat at ang sama kasi ng pakiramdam niya. Kagabi pa siya nakakaramdam ng sakit ng ulo, ubo't sipon. Maulan na kasi ang panahon at minsa'y lumalabas siya ng walang dalang payong lalo na tuwing nagmamadali siyang umalis. Kagabi ay halos maghating-gabi na ng maihatid siya sa bahay nina Sir Rush dahil may inayos silang report. Hindi rin siya agad nakatulog pag-uwi dahil may revisions din siyang inasikaso.
Sobrang hectic ng schedule nila nitong mga nakalipas na linggo dahil sunod-sunod ang naging problema ng ilan sa mga subsidiary ng DV Corp. Itaon pang malapit na ang holiday season at year-end. Dahil hands on na boss si Sir Rush ay lahat talaga'y hina-handle nito ng personal ang mga problema. Katulad na lang sa bagong pinapatayong Galleria mall. Biglang nag-backout ang kliyente nilang nagsabing kukunin nila ang halos isang buong floor ng mall ng mga hawak nilang brands.
Nagkaproblema ang presidente ng kompanyang iyon kay Director Santiago na isa sa board members nila. Dahil lang sa golf! Ang mga businessmen kasi, mayayaman at matataas din ang ego at pride. Pine-personal kahit trabaho lang dapat kapag nasaling ang pride. Kahit matagal na ang pinagsamahan ng mga ito.
Bilang countermeasure ay in-open ni Sir Rush ang spaces na iyon sa international market or brands na gustong pasukin ang Philippine market. Kaya marami ring business trips sa ibang bansa dahil sa mga posibleng kliyente nila. Mabuti na lang at magagamit na nila ang mga nabuong connection sa mga iyon ngayon.
Dahil sa ulanin ang panahon, madalas na kulang sa tulog at pagod ay nagkasakit si Mavis ngayon. Hindi alam ni Mavis kung paano kinakaya ni Sir Rush ang pagod. Robot nga siguro siya. May kinalaman ba doon ang pagtakbo at pagdyi-gym nito? Hindi kasi kayang mag-gym ni Mavis dahil tamad siya sa mga ganoon. Nag-try siya dati dahil sa pag-uudyok ni Nyx pero hindi niya naituloy dahil ayaw naman talaga niyang napapagod araw-araw kung wala siyang mapapalang pera.
"Hay, lagot na naman ako nito kay Sir Rush," sambit ni Mavis sa sarili. Tinawagan na niya si Sir Rush bago pa ito sumugod sa bahay nila para sunduin siya at piliting papasukin. Dahil feeling ni Mavis ay hindi iyon malabong mangyari.
"Where the hell are you, Miss Policarpio?" sigaw ni Sir Rush mula sa kabilang linya.
See? Hindi napigilan ni Mavis ang mapaubo dahil kumati ang lalamunan niya at hindi na niya iyon naitago pa sa nasa kabilang linya. "Sorry, Sir Rush. Magwo-work from home na lang po ako ngayon. Gagawin kong posible. Promise," ani Mavis sa mahina at malat na tinig.
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
ChickLitTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...
