Chapter Thirty-One

12.5K 415 68
                                        

"NEW YEAR'S resolution mo ba na um-OA sa aga sa office ngayon?" nakahalukipkip na tanong ni Mavis kay Rush pagkatapos niyang maiabot dito ang chocolate walnut cookies na b-in-ake niya kagabi.

Alas-singko pa lang kasi ng umaga ay sinundo na siya nito sa bahay. Considering na kasama na ito ni Gary sa pagsundo sa kanya, dapat ay kahit one and a half hour ang in-allot nito sa travel time nila pa-opisina. Pero um-OA ito sa aga. Mabuti na lang at nakaligo na siya. Mabilis siyang nagbihis at nag-makeup.

"I'm always early. I don't need a New Year's resolution for that. It's all about discipline, you know," sagot naman sa kanya ni Rush.

"So, bakit ang aga mo?" tanong pa rin niya rito.

Rush reached for her. Reached for her left hand and held it tightly between their sides. "So, I could do this," sabi nito sabay titig sa kanya.

"Eight-to-five professional relationship. Fine. But before and after that, Mavis is mine," sabi nga pala ni Rush noon. Talagang umaga ito para lang masulit ang time nila?

Jusko! Akala ko sa Tenerife lang siya lalandi. Kelan pa ako makakahinga ng maayos? Nakakaloka ka, Rush!

Mavis' heart melted. She wouldn't have the courage to say it straight to Rush's face yet, but she's falling for him. If she hadn't fallen for him yet.

"May nabanggit ba sa'yo ang presidente?" curious na tanong ni Mavis dito. Plano niya talagang hingin ang opinyon ni Rush tungkol sa offer ni Ma'am Vicky sa kanya.

Agad na kumunot ang noo ni Rush sa tanong ni Mavis. "About what?"

"Ah—" Hindi na naituloy ni Mavis ang iba pa niyang sasabihin dahil nakuha ng nagri-ring na phone ni Rush ang atensyon nilang dalawa. Nang sulyapan niya ang caller ID nito'y nakita niyang pangalan ni Sir David ang nagfa-flash sa screen.

"You have the worst timing, David," nakasimangot na sabi ni Rush pagkasagot nito ng tawag. Pero hawak pa rin nito ang kamay ni Mavis. Pagkuwa'y naging mahigpit ang hawak nito sa kamay niya. "Mavis, may na-receive ka bang e-mails mula sa investors natin these past few days? Ever since the holiday started?"

Agad na umiling si Mavis. Kahit nagbakasyon sila sa Spain ay palagi siyang connected sa internet at palaging open ang business phone niya sakali mang magkaroon ng emergency sa trabaho. Wala naman siyang na-receive na e-mail mula sa kanilang investors. "Bakit?" kinakabahang tanong niya kay Rush. He suddenly grew tensed.

"Where are they meeting?" sa halip ay tanong ni Rush sa kabilang linya.

"We'll be there. Prepare your evidences while we gather our forces, David. Thanks for the heads up but you could have told us sooner," seryosong sabi ni Rush. Saka nito tinapos ang tawag. "Gary, diretso na tayo sa opisina."

Shit. Sira na ang araw ni Rush ngayon. "Bakit? Ano'ng nangyari?" muling tanong ni Mavis dito.

"Director De Leon's ambition happened," puno ng poot na sabi ni Rush.

He might not have the best mood right now, but he was still holding her hand.



"WHAT took you so long? Dressing up in your finest suit? Why? Because you thought this will be your lucky day?" Rush taunted Director De Leon the moment the latter entered the room. Ang isang private room sa kalaban nilang luxury hotel kung saan nito dapat ime-meeting ang iba pang board members ng DV Corp. minus Rush and his grandmother.

This fucking sly snake! Kung si Rush din lang ang tatanungin ay gusto na niyang ibaon sa kahihiyan si Director De Leon. Hindi na sana niya pinauwi ang ibang board members na clueless kung bakit ipinatawag ni Director De Leon ang mga ito. Para ma-witness ng lahat kung ano ang totoong ugali ng director. Para wala ng iba pang magtiwala dito. Because honestly, he deserved it.

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon