Chapter Twenty-Six

11.8K 552 349
                                    

"'MORNING," kaswal na bati ni Mavis kay Sir Rush kinabukasan. Nauna siya sa DV building kaysa dito dahil nag-Grab siya papunta doon. Yep. Hindi na siya nagpasundo pa dito. Dahil kailangan niya ng mahabang preparasyon bago ito harapin ngayong araw.

Muntikan nang mapasimangot si Mavis dahil sa hitsura ni Sir Rush. He still looked as immaculate as ever with his dark blue navy suit. Nakatulog ito ng mahimbing kagabi? Pagkatapos siya nitong bagabagin dahil sa confession nito? Si Mavis tuloy ang walang tulog ngayon.

Sa halip na batiin siya katulad nang nakagawiang gawin ni Sir Rush nitong mga nakalipas na buwan ay inignora siya nito at dumiretso ng pasok sa opisina nito. Nakahanda na roon ang shortlist, crossword, coffee at breakfast nito. At pilit na inignora din ni Mavis ang kaunting kirot sa puso niya. Dahil parang bumalik sila noong first day niya bilang assistant nito.

Cold. Distant. Formal. She didn't know it would feel like this.

Pero ito ang tama, Mavis, paalala niya sa sarili.

May isang problema pa siyang dapat isipin ngayon. Kung paano siya magca-cancel sa Spain trip nila at bukas na dapat ang alis nila. Kung alam lang ni Mavis na mangyayari ito'y hindi sana siya agad-agad na pumayag sumama sa Christmas vacation trip na iyon ng mga Dela Vega. Pero napaka-lakas ng convincing powers nina Ma'am Vicky, Daena, Law, Roth at Axe noon. Lahat kasi nabayaran na at malaking halaga ang nagastos ng mga ito roon. Hindi kayang bayaran iyon ni Mavis mag-isa.

Hay! Itong si Sir Rush naman kasi ang may kasalanan. Pero shit, hindi ko alam kung paano makikitungo sa kanya kapag sumama pa ako sa bakasyon na 'yon, napayukyok si Mavis sa kanyang desk. Pupunta kami sa Canary Islands. Beach 'yon. Nag-rent ng villa na may pool sina Sir Rush. Magsu-swimming sila. Makikita ko na namang hubad si Sir Rush. Baka maging marupok ang puso ko. Hindi pwede!

Napaungol si Mavis sa matinding pagkalito at frustration. Pagkuwa'y inumpog-umpog niya ang ulo sa ibabaw ng desk table niya. Hindi siya magkakaroon ng ganitong problema kung hindi niya nalaman ang feelings ni Sir Rush. Ngayon tuloy ay kailangan niyang bantayan ang bawat kilos nilang dalawa. Kailangan niyang makaisip ng matinding palusot para hindi makasama sa trip na iyon.

Pero nakakahiya sa kanilang lahat 'pag nag-cancel ako. Excited ako sa trip na ito no'ng una. Sobrang honored akong maging invited 'tapos bigla akong magba-back-out. They'll definitely know something's wrong. Lalo na si Sir Axe. Malakas pa namang maka-amoy ng issue 'yon, naisip pa ni Mavis.

Kailangan ko ring makausap si Sir David tungkol sa contract ko. Two-year contract ang pinirmahan ko from a month ago. Kasama ang no-dating rule. Kaya alam kong hindi ako ipu-push ni Sir Rush. Pero kailangan ko pa ring makahanap ng paraan para makawala sa contract na iyon. Dahil...ayokong makipagtrabaho kay Sir Rush nang ganitong may kung ano sa pagitan namin. Kung hindi ako pwedeng mag-resign, magpapa-transfer na lang ako. Kahit saang department.

"Nakakagising na ba ngayon ang pag-umpog ng ulo sa desk?"

Nag-angat ng ulo si Mavis mula sa kanyang desk nang marinig niya ang tinig ni Daena. "'Morning," simpleng bati niya rito.

"Wala man lang 'good'?" nakataas ang isang kilay na tanong nito.

Umiling siya dito. "Wala. Pangit umaga ko. Pero sige na nga, 'good morning' na sa'yo."

"Bakit? Ano'ng problema mo?" tanong nito saka umupo sa visitor's chair niya.

"Ayoko nang sumama sa Spain," pag-amin niya rito.

"Ha? Bakit? It's all been paid for," agad na sabi nito.

Napasimangot si Mavis. "Alam ko. Pero kasi..." Nasabunutan ni Mavis ang sarili dahil naloloka na siya. "Ang awkward," aniya rito. Gusto na niyang sabihin dito kung ano'ng nangyari sa kanila ni Sir Rush pero at the same time ay ayaw na niyang may makaalam pang iba ng tungkol doon.

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon