Chapter Thirty-Six Pt. 4

9.7K 346 99
                                    

Trigger Warning: The following scenes might shook you hard. Nakaka-bwiset siya (for me so baka for you din hahahaha), so beware!

---

MAVIS hates lying. Isama pa ang katotohanang hindi siya magaling magsinungaling. Lalo na sa kanyang pamilya. Most of all, if it's under the scrutiny of her two aunts. Her aunts were...difficult to handle. Napaka-overprotective ng mga ito sa kanilang magkakapatid lalo na noong namatay ang kanilang ina. Advance din mag-isip ang mga ito at sarado ang utak kaya kahit na anong paliwanag mo ay hindi matatanggap ng mga ito.

Mavis could only imagine what crossed her Auntie Melda's mind when she saw Rush on their apartment. At dahil alam niyang nakauwi na ito sa probinsiya ay alam ni Mavis na naikwento na ng tiyahin ang nakita at "hinala" sa Auntie Jo niya. That was the only reason they would request a video call from her.

Mabuti na lang at nabigyan si Mavis ng tatlong araw na leeway para mapaghandaan niya ang "pagharap" sa kanyang mga tiyahin. At nabigyan na rin siya ng heads up ng kanyang mga kapatid sa kung ano ang naging initial reaction ng papa niya at ng Auntie Melda niya.

Civil daw namang hinarap ng Auntie Melda niya si Rush noong nagpunta ang huli sa kanilang apartment. Pero pagkaalis nito'y sandamakmak na pangangastigo ang natanggap ng kanyang mga kapatid tungkol sa "relasyon" ni Mavis sa kanyang boss. Na technically ay hindi na niya boss ngayon.

Well, whatever her aunts were thinking, she's soon to find out. Because she's about to talk to them. Nang makapag-online siya sa Skype ay kinakabahan na si Mavis dahil hindi niya alam kung paano tatakbo ang pag-uusap nila.

Nagkumustahan muna sila. Base sa background na magulong sala at maraming laruang pambata ay alam niyang nasa bahay ng Auntie Melda niya ang mga ito. May dalawang pamangking babae kasi siya na isa at tatlong taon. Doon nakatira ang mga ito sa Auntie Melda ni Mavis.

"Nagpunta 'yong boss mo sa bahay n'yo sa Maynila ah. Boss mo ba talaga 'yon?" umpisang tanong ng Auntie Jo niya. Mas matalas kasi ang dila nito kaysa sa kanyang Auntie Melda. She always asks the hard questions.

Here goes. "Technically, hindi ko na po siya boss ngayon, auntie. Pero opo, siya 'yong boss ko dati," sagot niya dito.

"Nagpunta daw do'n para kumustahin sina Caela. Ano'ng relasyon mo do'n? Bakit kailangan pa niyang pumunta sa bahay n'yo kung hindi mo naman na pala siya boss?" sunod na tanong ng Auntie Jo niya.

Shit. The reason Mavis wanted Rush to check up on Caela was because she knew Rush could give her sister the right advice she needs right now. Dahil sa totoo lang ay lagi naman siyang updated sa nangyayari sa kanyang mga kapatid. Iyon nga ay busy sa OJT si Kaye ngayon at ang Ate May naman niya ay nakakuha na rin ng trabaho ngayon. Who knew, right?

Ang hindi niya napaghandaan at hindi nasabi kay Mavis nang kanyang mga kapatid ay ang pupunta pala doon para bumisita ang papa at Auntie Melda niya.

"Actually, auntie...boyfriend ko po siya. Pero bago n'yo pa isipin na natanggal ako sa trabaho dahil nakipagrelasyon ako sa boss ko, hindi po. Hindi po ako natanggal sa trabaho. Actually, parang mapo-promote pa nga ako dahil pinadala ako dito sa Cambridge ng DV Corp. para mag-master's. They're sponsoring me. Alam n'yo naman po 'yon, 'di ba? Rest assured na naging boyfriend ko po si Rush no'ng wala na ako sa DV Corp.," paliwanag ni Mavis sa kanyang mga tiyahin.

Hindi nagsasalita ang papa ni Mavis sa gilid hindi dahil wala itong pakialam sa kanya o hinahayaan nitong ang mga kapatid nito ang magdisiplina sa kanya. Alam ni Mavis na hindi nakikialam ang papa niya dahil may tiwala ito sa kanya. And she appreciated that.

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon