MAVIS is surely hiding something from me, hinala ni Rush matapos matanggap ang text message ni Mavis na nagsasabing male-late itong bumalik sa kanilang opisina ngayong hapon. Ni hindi nito sinabi ang rason kung bakit male-late ito ng balik.
Mavis had been going out a lot lately. Last week ay nagpaalam itong may aayusin lang na papeles para sa gasolinahan na mina-manage ng papa nito. Pero nagpatuloy pa ang paglabas-labas nito ngayong linggo. Hindi naman iyon araw-araw pero may pakiramdam si Rush na hindi nagsasabi ng totoo sa kanya si Mavis. He didn't want to doubt her but she's giving him a reason to. Ni hindi na sila masyadong nakakapag-solo dahil pagkatapos nilang ayusin ang gusot na idinulot ni Mr. De Leon ay si Mavis naman ang naging busy.
He pulled up his Facebook on his laptop and scrolled through Mavis' profile. Napakunot-noo siya nang makita ang isang post doon ni Caela. "Nami-miss ka na agad namin ngayon, ate. Kapag umalis ka pa kaya," the post said. His gut clenched tight. He has a bad feeling about this.
Tinawagan niya si Daena. "Where are you going to transfer Mavis?" agad na tanong ni Rush dito.
"Ha?" maang na tanong ni Daena sa kabilang linya. That ticked him off. Mukhang may mas alam pa si Daena sa mga desisyon ni Mavis kaysa sa kanya.
"What do you know, Daena?" pormal at malamig na tanong niya rito.
"Well, she asked me to put up the hiring ad for your next EA. Hindi siya pumunta sa'kin para magpa-transfer. That's all I'm going to tell you. And I'm busy so I'm hanging up now," mabilis na sabi ni Daena saka nito agad na tinapos ang tawag.
What. The. Fuck?! Rush glared at his phone. Hindi pa siya binababaan ng tawag ni Daena before. Ngayon pa lang. Ang daming scenario na naglaro sa isipan niya. Worst case scenarios.
And he can't help but grit his teeth when he scrolled through Mavis' Facebook profile and saw Dr. Vincent Legarda's post there: "Stop doubting yourself. You deserve it. Go get it, Mav!"
Wow. Just, wow. Rush felt himself sink in the pit of hell. His heart broke into a million pieces. Mas pinili pa ni Mavis na mag-confide kay Dr. Vincent Legarda kaysa sa kanya. Whatever happened to being honest with each other? Sinasabi ba ni Mavis sa kanya na mas may tiwala ito kay Dr. Legarda? Na wala itong tiwala sa kanya?
He felt betrayed by her. Again.
It sucked.
It fucking hurts.
Damn.
SASABIHIN ko na sa kanya ngayon, sabi ni Mavis sa sarili habang sakay ng elevator pabalik sa top floor ng DV building. Kakakuha lang niya ng referral letter mula sa dati niyang professor sa SMU na siya na ring bagong dean ng college of business administration doon. Ang kulang na lang sa requirements niya para sa Cambridge University admission niya ay ang referral na manggagaling kay Rush.
Ang dami na niyang drafted e-mails at drafted letters of resignation na siya na ring magiging speech niya kay Rush kapag nagpaalam siya rito. Yes, "resignation" talaga dahil plano niyang maghanap ng part-time work sa London habang naroon siya para masabi niya sa sariling hindi lahat ay sponsor ng mga Dela Vega. Para pagkatapos niyang mag-aral ay maaari niyang masabing sponsored siya ng mga Dela Vega, but she worked her ass off to get there.
Mas pinili ni Mavis na hindi na muna sabihin kay Rush ang tungkol sa pagtanggap niya ng offer ng presidente na mag-masters sa Cambridge University dahil ayaw muna niyang makadagdag sa stress nito nitong mga nakaraang linggo.
Katatapos lang nilang mag-ayos ng gusot na ginawa ni Mr. De Leon. It wasn't a good time to open up about her, leaving. Kaya tahimik muna siyang nag-ayos ng ibang papeles na kailangan para sa kanyang admission nitong nakalipas na linggo. Kaunti pa lang ang nakakaalam ng tungkol sa desisyon niya. Sina Ma'am Vicky, Daena, Sir David-dahil sa kontrata niya, Vincent at siyempre, ang pamilya ni Mavis.
Nagkaroon na si Mavis ng chance na sabihin kay Rush ang tungkol sa desisyon niya last week pero na-chicken siya. Parang hindi pa niya kayang magpaalam kay Rush. At saka, natatakot siya sa magiging reaksyon nito. Hindi rin niya alam kung paano talaga magpapaalam dito kahit na may nakahanda na siyang speech. May feeling din si Mavis na baka maiyak pa siya kapag nagpaalam siya kay Rush.
I would. When I leave, I know I would.
"Hey, I'm back," bati ni Mavis kay Rush na nadatnan niyang tutok na tutok sa kung anumang binabasa nito sa laptop sa loob ng opisina nito. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. His look was as cold as ice and Mavis was taken aback by that gaze. Parang bumalik sila sa Day 1 na Rush Dela Vega. "Problem?"
Grabe! Hindi na pala sanay si Mavis sa dating Rush Dela Vega.
"You tell me," malamig na sagot sa kanya ni Rush.
Napakunot-noo si Mavis dito. Pero may pakiramdam siyang alam na nito ang tungkol sa tinatago niyang sikreto dito. Shit. Lagot! Paano niya nalaman? Hindi naman magsasalita sa kanya sina Daye at Sir David dahil ang presidente din mismo ang kumausap sa kanila.
"Your grandmother offered me to have my masters in Cambridge," pag-amin niya rito. Tila nagulat ito sa sinabi niya. Ibig bang sabihin ay hinuhuli lang siya nito? Double shit! "Look, sasabihin ko naman na talaga sa'yo ngayon. Actually, dapat last week pa-"
"Kelan pa ang offer sa'yo ni lola?" pormal na tanong ni Rush.
"No'ng last day natin sa Tenerife," pag-amin niya. And it pained her to see the hurt in Rush's eyes. "Sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo. Pero naging busy kasi agad tayo pagbalik natin dito sa Pilipinas. The holidays. Iyong kay Mr. De Leon-"
"Pero hindi ka nagdalawang-isip na magsabi n'yan kay Dr. Legarda," sabi ni Rush na may pait sa tinig.
"V knew me-"
"Yeah. Apparently, I don't, right?" bitter na sabi ni Rush. Tumayo ito mula sa kinauupuan. At akala ni Mavis ay lalapit ito sa kanya pero nilampasan lang siya nito at dumiretso sa pintuan. "Can you do me a favor, Miss Policarpio? Be honest with me. For real. Are you still in love with him?"
Nagulat siya sa itinanong ni Rush kaya hindi agad siya nakapagsalita. Apparently, he took that as her answer as he headed for the door and left her there-her heart on the floor. Hindi niya ito nagawang sundan dahil bigla siyang nanghina.
She fucked up. Big time.
---
Sorry for the late update. Super duper late update. And sorry kung nataong ganito pa ang ia-update ko. Heh. *peace guys*
Ano sa tingin n'yo mangyayari?
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
ChickLitTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...
