"CANCEL IT, Miss Policarpio."
Muntikan nang maiikot ni Mavis ang kanyang mga mata sa sinabing iyon ni Mr. Dela Vega. Seryoso ba ito? Pagkatapos nitong mag-commit sa isang importanteng bagay ay basta na lang itong magka-cancel? Sa mahigit dalawang linggo niyang pagiging executive assistant dito ay ngayon lang niya ito nakitang ganito ka-unreasonable.
"Pero, Mr. Dela Vega—"
"Kung hindi mo kayang mag-cancel sa kanila, have David cancel it," utos pa rin ni Mr. Dela Vega.
Huminga ng malalim si Mavis bago muling nagsalita dahil pinapainit na naman ni Mr. Dela Vega ang ulo niya. "Ano po ba ang sasabihin kong reason kung bakit magka-cancel ka?"
"Miss Policarpio, you should know by now that I'm not a very sociable person. It makes me uncomfortable to stand in a sea of people that I don't know. Kung hindi mo talaga ma-cancel, send Axe or Tyler as a replacement," pormal na utos ni Mr. Dela Vega.
"So, should I tell them that?" sarkastikong tanong ni Mavis dito.
Inimbatahan ng St. Martin University—nang department na pinanggalingan ni Mavis—si Mr. Dela Vega para maging commencement speaker ng mga ito sa darating na graduation rites nila sa susunod na linggo. Noong isang linggo ay personal na pumunta sa kanilang opisina ang dean ng Institute of Accounts, Business and Finance ng SMU. Nagpa-set talaga ito ng appointment para personal na maimbitahan si Mr. Dela Vega at nang panahong iyon ay um-'oo' ito sa dating dean ni Mavis. Pagkatapos ay magka-cancel ito ngayon?
"Don't be dumb, Miss Policarpio. Tell them I'm busy. Alam mo kung ilang site visits ang ginagawa natin araw-araw. I'm that busy," sagot sa kanya ni Mr. Dela Vega.
Umupo si Mavis sa tapat nito. "Pero, Mr. Dela Vega, think about your image. The company's image. Akala mo ba hindi maapektuhan ang kompanya sa biglaan mong pag-cancel ng ganito? SMU will think that you're unprofessional and that you're not true to your words. Beware of the word of mouth, Mr. Dela Vega. Soon, hindi na lang ito magiging issue sa SMU. I'm sure kakalat din ito sa business community. You don't want that to happen. So, kung ayaw mong maging under scrutiny ng public, I strongly suggest that you continue on with this event."
Mavis might have spoken out of turn again, pero v-in-oice out lang niya ang kanyang concern. At ipinalangin niyang sana'y maintindihan ni Mr. Dela Vega ang mga sentimyento niya. After all, it's for the company.
"Think about those graduates, Mr. Dela Vega. Don't you think na kailangan nilang marinig ang story mo sa kung paano ka naging CEO ng isa sa pinakamalaking korporasyon sa buong bansa at the age of twenty-seven? You can inspire and motivate them. Think about how you can affect their futures. I have no doubt that you'll be an effective speaker, Mr. Dela Vega. Just how you command a room full of business executives far more experienced and older than you."
Kahit na parang may "Monster at Work" na naka-paste sa noo nito tuwing nasa conference room ito, nakaka-amaze pa ring makita na mas marunong pa ito sa karamihan sa mga executives at directors na nagtatrabaho sa Dela Vega Corp. Mavis was already holding on to her seat though. Lumalabas sa bibig niya ang mga bagay na personal opinyon lang niya at hindi na dapat pang malaman ni Mr. Dela Vega. Pero kung iyon ang magiging dahilan para mapapayag niya itong ipagpatuloy ang pagiging commencement speaker sa SMU ay gagawin niya.
"You inspire me to do better every day." Dahil ayokong masabihan mo na naman ng incompetent. "No matter how hard of a boss you can be, naiintindihan ko naman." Hindi ko maintindihan! "At least, nakakatulong sa'kin 'yong comments mo." Yuck! Paka-plastic ko. "You motivate me to work better. To be the best version of myself," but I still hate you though. Immensely. "Kaya sigurado ako na mai-inspire at mamo-motivate mo rin ang mga taga-SMU."
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
Literatura FemininaTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...