Chapter Thirty-Six Pt. 3

9.2K 367 49
                                    

"SO, HOW'S my substitute? Inaalagaan ka ba niyang mabuti?" tanong ni Mavis kay Rush isang umagang magka-video call ulit sila. Kasalukuyan siyang nasa Cambridge University campus habang si Rush naman ay tumatakbo sa treadmill na naka-set up sa bahay ng mga ito. Halos mabasa na lahat ng pawis ang suot nitong grey na sando.

"What?"

"Si Sir Axe. Nagre-report kaya lagi sa'kin 'yon about sa'yo," natatawang sabi ni Mavis dito.

Makulit talaga ang pinsan nitong si Sir Axe dahil tinotoo talaga nito ang sinabi dating ia-update siya nito lagi tungkol kay Rush. So, Mavis had been receiving a lot of shirtless and suited photos of Rush. Thanks to Sir Axe. Ini-imagine na lang niya ang kunsumisyong naramdaman ni Rush habang kinukulit ito ng pinsan at natatawa na lang siya.

"Wait, you asked him to bug me off?" iritadong tanong ni Rush. Tumigil ito sa pagtakbo at inilapit ang mukha sa screen ng phone nito na tila ba gusto siyang makita ng mas malapit.

"Hindi. Nag-offer kasi siya no'ng despedida ko na kung gusto ko daw siyang mag-send lagi ng updates regarding you. Nag-request ako na may kasama dapat na shirtless photo," paliwanag niya rito na may halong biro.

Rush gave her a hard stare. "Mav, you don't need Axe for that. I told you that you own all of me." Hinawakan nito ang laylayan ng suot na grey sando at walang babalang hinubad iyon. "You could have just asked me. I'll send you a lot of shirtless photos now."

Hindi iyon ang unang beses na nakita ni Mavis na shirtless si Rush pero natitigilan pa rin siya tuwing nangyayari iyon. Well, because his body is amazing. It's a work of art. What, with his discipline to work out every day and leading a healthy lifestyle. Siyempre, magiging maganda talaga ang katawan nito.

Mavis groaned out in frustration. Nami-miss na kasi niyang yakapin ito. At ang katawan nitong fino-flaunt sa kanya ngayon. Isang buwan na ang nakalipas mula nang huli silang magkita. Mula nang bumisita ito sa kanya doon sa London. Kaya missed na missed na niya ito.

"No, thanks. Okay na ako," tanggi niya rito. Mato-torture lang siya kapag nag-send pa ito ng pictures sa kanya. Nato-torture na nga siya ng loneliness at distance sa tuwing magka-chat sila sa e-mail or magkausap sa phone at video call. Ayaw na niyang lumala pa iyon.

"I'll still take pictures para in case na gusto mo, may mase-send ako sa'yo," sabi ni Rush saka ito kumindat kay Mavis.

She literally cringed in front of him. Pero pinipigilan niya ang matawa. Nakakatawa kasi ito na...ewan. "Please go back to the old cold Rush! Hindi ko talaga nate-take ang ka-corny-han mo. Swear!"

"Yeah. Ititigil ko 'yon 'pag nakikita kong hindi ka na kinikilig," katwiran nito.

"Hindi ako kinikilig!" pasigaw niyang tanggi rito.

"You looked like it," giit ni Rush. May halong pang-aasar sa tinig nito. At katotohanan rin.

"Bwisit ka," kunwa'y inis na sabi niya rito.

"Are you wearing it?" pagkuwa'y tanong ni Rush.

Nag-init ang buong mukha ni Mavis dahil sa tanong nito. "Yes," aniya rito saka itinaas at ipinakita niya rito ang kanyang kanang kamay. "Happy now?"

"Much. Don't ever take it off," seryosong sabi ni Rush.

Naiikot ni Mavis ang kanyang mga mata sa pagiging possessive nito. Isang buwan na niyang suot ang ibinigay nitong singsing. And nope, it's not an engagement ring. It's just a "fake" ring to ward of guys who could be interested in her. He got it for her the day he saw Racer made a move on her.

"Fine. Anyways, may favor pala akong hihingin sa'yo. It's about Caela."

---

From: Rush Dela Vega

To: Mavis Policarpio

Subject: Checked up on Caela


Gary and I swung by your house to check up on Caela since she's not answering her phone. Tinawagan ko si Kaye at nasabi niyang nagre-review daw sa bahay n'yo si Caela. Naka-off pala ang phone niya tuwing araw kasi nagre-review siya. Kaya baka hindi kayo nag-aabot. And she told me that she's really veering away from social media. Her review and passing the bar is what's important to her now. She said she's sorry if she's not able to answer your chats though.

Thing is, your father and your aunt were there when I visited. Kaye introduced me to them as your boss and I think they got into wondering what I'm doing there. Personally checking up on your sisters. And I think Kaye might chat you about it later but I think they already know. About us.


Your Boyfriend

Rush Dela Vega

CEO, Dela Vega Corporation

---

Hooookay! Taas ang kamay ng mga may overprotective aunts. As in, super duper OA overprotective aunties? Hahahaha!

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon