"MAVIS!"
Agad na hinanap ni Mavis ang tinig na tumawag sa kanya. Si Sir Axe iyon at kasama nito sa table ang ilan sa mga empleyado nito pati na si Daye. Close kasi sina Sir Axe at Daye sa team members ng mga ito. Bumaba kasi siya sa cafeteria para kumain ng lunch. Sinamantala niya na busy sa mga nire-review na papeles si Mr. Dela Vega ngayon para makakain. Tutal naman ay naihatid na niya ang lunch nito sa opisina.
"'Di mo kasama ang boss mo ngayon ah," sabi sa kanya ni Sir Axe nang makalapit si Mavis sa table ng mga ito.
"Busy. May nire-review na papers."
"Great! Enjoy your freedom. Dito ka na tumabi sa'min," anyaya sa kanya ni Daye. Napangiti si Mavis dito. Agad siyang kumuha ng pagkain sa counter at bumalik sa table ng mga ito para kumain.
"Nagpaalam ka ba sa boss mo?" tanong ni Daye sa kanya.
"Sinubukan ko pero hindi siya nakikinig sa'kin eh. Masyadong focused sa papers niya. Kaya naglagay na lang ako ng note sa tray ng pagkain niya. Bibilisan ko na lang ang pagkain para makabalik agad ako sa taas," paliwanag ni Mavis sa mga ito.
"Hindi ako naiinggit sa trabaho mo kahit malaki ang sahod," anang isang babae na empleyado ni Sir Axe.
"Ako rin. Nakakatakot si Sir Rush. Gusto ko pang mag-stay dito sa kompanya. 'Pag sa kanya ako napunta, baka mawalan agad ako ng trabaho," sabi pa ng isa.
"Alam mo, sa lahat ng naging EAs ni Rush, ikaw lang ang mukhang kalmado lagi," sabi naman ni Sir Axe.
"Ahh, siguro kasi natutunan ko na kung paano i-tolerate ang ugali niya. Nabubuhay na lang ako dito dahil sa pera. Pero minsan naman okay siya. Basta sinisiguro ko lang na wala siyang masasabi sa'kin," paliwanag niya sa mga ito.
"Wow! Isa kang alamat. Wala pang EA ang nagsabi ng ganyan tungkol kay Rush," sabi ni Daye. Sakai to pumalakpak na sinundan ng mga ka-table nila. Nagtawanan silang lahat.
Pero naputol iyon nang may maramdaman silang "dark aura" mula sa likuran ni Mavis.
"I thought you're having lunch," anang malamig na tinig ni Mr. Dela Vega. Mavis felt the whole table freeze. Maliban kina Sir Axe at Daye.
"Nagla-lunch nga siya, Rush," pagtatanggol ni Daye sa kanya.
"That's not what I'm seeing. Ni hindi pa niya nagagalaw ang pagkain niya dahil nakikipagtsismisan siya sa inyo," giit ni Mr. Dela Vega.
This asshole...
"Dahil literal na kauupo lang niya," sabi naman ni Sir Axe.
Ayaw ni Mavis na pagsimulan siya ng argumento ng mga ito kaya tumayo na siya mula sa kinauupuan at binitbit ang tray ng kanyang pagkain palapit kay Mr. Dela Vega. "Let's go, Mr. Dela Vega. Sa taas na lang ako kakain. Kasi kailangang-kailangan mo na yata ako."
Tinitingnan siya ng diretso sa mata ni Mr. Dela Vega. Binigyan naman niya ito ng isang matamis na ngiti. Plastic na ngiti. Ugh! Hindi ba ito pwedeng maging consistent? One time, he's so nice. Then, he'll be this hard ball the next. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan.
"No. Finish your food. Pero pupunta tayo sa Silver Palace pagkatapos mo dahil may imi-meet ako do'n," utos ni Mr. Dela Vega.
"Noted. Thank you, Mr. Dela Vega," nakangiting sabi ni Mavis dito. Her voice dripping with sarcasm. Hindi lang niya alam kung napansin o naramdaman iyon ng boss niya dahil manhid ito.
"MAVIS, ARE you ready?" tanong ni Sir Axe kay Mavis nang pumasok ito sa opisina ni Mr. Dela Vega kung saan sila nagdi-discuss ng schedules nila.
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
ChickLitTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...
