ISANG MALAKING pagsubok agad ang kinaharap ni Mavis sa second day of work niya. Lahat ng naka-schedule na meeting ni Mr. Dela Vega ngayong araw ay importante pero gusto nitong matapos lahat ng iyon by two PM. Hindi na nga nila nagawa ang regular on-site visits ngayon. Kailangan kasi nilang pumunta sa Baguio dahil may nangyaring insidenteng hindi dapat makarating sa media dahil masisira ang brand image ng Crimson Crown Hotel—ang four-star hotel chain na pag-aari ng DV Corp. Naroon na si Mr. Castillo. Pero dahil napaka-hands-on sa lahat ng business nito si Mr. Dela Vega ay gusto nitong sumunod sila roon.
To think that I only got four hours of sleep. Laslas na!
Since monthly business review ang ipe-present ng lahat ng subsidiary companies ng DV Corp. ngayon ay c-in-ompile ni Mavis ang lahat ng presentations ng director ng bawat company at ibinigay na niya iyon kay Mr. Dela Vega kanina para matanong ito kung alin ang gusto nitong ma-highlight sa meeting. Pagkatapos ay nag-send siya ng notice sa mga directors—lalo na sa mga assistants nila—na magkakaroon ng change of schedule sa meetings at magiging thirty minutes na lang ang report per subsidiary. H-in-ighlight niya rin kung aling parte ng report ang gustong malaman ni Mr. Dela Vega. Kailangan kasing matapos ang presentation ng monthly business review ngayong linggo dahil ipe-present naman ni Mr. Dela Vega ang results sa board of directors next week.
Ilang minuto lang ay dinagsa na ng replies ang inbox ni Mavis. Magiging imposible daw ang pagdating sa oras ng ilan dito sa DV building dahil sa matinding traffic. Tumawag siya sa IT at tinanong kung may Zoom Id ang kompanya at nang sinabi ng mga itong wala ay naisip niyang Skype na lang ang pwedeng maging solusyon nila. Hiningi niya ang lahat ng Skype Ids ng mga director na hindi makakapunta o kahit ng mga assistant ng mga ito. Saka naghanda para sa meeting. She made sure that snacks and drinks are prepared for the meeting.
"Mr. Dela Vega, due to the sudden change of meeting schedule and the traffic, may ilang directors na hindi makakapunta on time—"
"Is that my problem?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.
"No, Mr. Dela Vega. That's why I've arranged for a video conference call. And since we're tight on time, I've sent a notice that they'll only be given thirty minutes to present their reports highlighting the specifics on financial summary and projections as well as future acquisitions or projects," paliwanag niya rito.
Tumingin ito ng diretso sa kanyang mga mata na tila ba pinag-aaralan siya. Medyo na-conscious siya. But Mavis tried so hard not to show it. "Okay. Ready na ba ang boardroom?"
"Yes, Mr. Dela Vega."
May lalabas na kayang papuri sa bibig nito? O kahit anong positive words?
"Are you ready?" tila nanunubok na tanong nito.
Wala pa rin. "Yes, Mr. Dela Vega. Anything else you'd like for me to do?"
Umiling lang ito at bumalik sa pagbabasa ng monthly business review.
---
WALA NANG naging pakialam sa hitsura niya si Mavis at kahit na magalit pa si Mr. Dela Vega dahil sa suot niya. Mas importante sa kanya ang comfort kapag nagta-travel. Kaya nagpalit siya ng sneakers at nagsuot ng baseball cap kahit na hindi iyon bagay sa suot niyang corporate attire. First time niyang sumakay sa isang helicopter at gusto niyang maging panatag. Hindi siya mapapakali kung naka-heels siya.
Habang sakay ng helicopter ay todo ang dasal niya na hindi sila maaksidente. Halos buong biyahe din siyang nakapikit dahil ayaw niyang tumingin sa labas ng bintana. Nakasakay na siya ng eroplano pero hindi ng helicopter. Malaki ang pagkakaiba ng feeling. Mas secured ang pakiramdam niya sa isang eroplano. Kaya naman nakahawak pa rin siya sa upuan ng chopper.
![](https://img.wattpad.com/cover/191809013-288-k617906.jpg)
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
Chick-LitTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...