"ATE, BOSS mo. Tumatawag na naman," sigaw ng kapatid ni Mavis na si Kaye habang nasa laundry area siya at naglalaba ng underwears niya. "Sasabihin ko bang busy ka?"
"'Wag! Wait lang." Shit.
Agad na naghugas ng kamay si Mavis at tumakbo patungo sa living area nila kung saan naka-charge ang kanyang business phone. Pero sa personal phone pala niya tumawag si Mr. Dela Vega. Shit. A-award-an na naman niya ako kung bakit 'di ko na naman sinasagot ang business phone ko. Ugh! Bakit kasi tumatawag na naman siya? Weekend naman na ngayon!
"Hello, Mr. Dela Vega," bati ni Mavis sa kanyang boss.
"Clear your schedule tomorrow."
Ha? Bakit na naman? Minsan, nagtataka si Mavis kung paano siya nakakatagal sa ugali ni Mr. Dela Vega. Siguro ay dahil nai-enjoy niya ang challenge ng pagtatrabaho dito. Nae-enjoy niya ang thrill ng kabang binibigay nito tuwing feeling niya ay papagalitan na siya nito o ang kabang nararamdaman niya kapag tinitingnan niya ang Draft box niya sa email para siguraduhing nandoon pa rin ang hate mails niya dito. Haha! Pero tolerable naman para sa kanya ang ugali nito. May good side din naman ito minsan. Key word "minsan". Kapag tahimik siya at nagbabasa ng reports. Actually, hindi alam ni Mavis kung paano niya nakayang isipin ang salitang "tolerable" pagdating kay Mr. Dela Vega.
"Sure, Mr. Dela Vega. Saan tayo pupunta? Para makagawa ako ng arrangements." Hindi na nag-bother nang tumanggi pa si Mavis dahil alam naman niyang hindi ito papayag.
He let out a grunt on the other line. "This is your fault. Gusto mong magbigay ako ng personal gifts sa mga empleyadong magbi-birthday kaya samahan mo akong pumili ng regalo para sa kanila. This is bothersome, by the way. Too bothersome for me. Ako lang yata ang CEO na gagawa nito."
Pinigil ni Mavis ang matawa. Hindi niya akalaing magiging proactive na ito sa ikalawang buwan ng kanilang Project Smile. Pero ito rin naman ang makikinabang sa project na iyon. Naka-sentro sa pagpapaganda ng image ni Mr. Dela Vega. Pagso-soften ng image nito, actually. At dahil imposible namang makita ito lagi ng lahat ng empleyado ay ipaparamdam na lang nila ang presence nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng birthday presents at personal na pagbati sa mga ito. It's like going the extra mile for Rush Dela Vega to make his employees happy and contented with their work.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na pumayag pa rin itong ipagpatuloy ang Project Smile. Pero baka pinilit ito ng presidente na gawin iyon. Si Victoria Dela Vega lang naman ang nakakapagpasunod sa apo nito.
"Ahh. Don't worry, Mr. Dela Vega. Hindi na kailangan. I already have that covered. Plano kong bukas nga mamili ng birthday gifts ng mga magbi-birthday this month," paliwanag ni Mavis sa kanyang boss.
"That's good then. I'll go with you."
What. The. Fuck. Again?!
"KAIN MUNA tayo? Para makapagpahinga na rin tayo, Mr. Dela Vega," suhestyon ni Mavis sa kanyang boss. Kasalukuyan silang nasa Galleria 1 na isa sa pagmamay-aring mall ng DV Corp. Sinamahan nga si Mavis ni Mr. Dela Vega na mamili ng mga regalo.
Magandang kasama sa pagsha-shopping si Mr. Dela Vega. Dahil una, walang kiyemeng nagbibitbit ito ng mga pinamili nila. Yep, gentleman naman si Mr. Dela Vega. Kahit tuwing umaalis sila, kapag hindi nila kasama si Gary ay ito ang nagbibitbit ng mga bag nila. Iyon lang yata ang redeeming quality nito. Oh, pati pala ang mukha niya. Pangalawa, ay hindi ito nagrereklamo sa mga pinipili niyang regalo dahil nag-research talaga siya sa bawat department kung ano ang hobbies, hilig at wish list ng mga empleyadong may birthday. At pangatlo, ito ang nagbabayad lahat.
Sa sampung empleyadong may birthday ngayong buwan ay isang empleyado na lang ang hindi na lang nila nabibilhan ng regalo. Si Roan Celendro na assistant corporate secretary nila. Ito ang tumatayong assistant ni Sir Tyler ngayon sa Hectare One. Pero taga-legal department talaga ito. Tinanong niya kay Mr. Castillo kung ano ang dapat niyang bilhing regalo para kay Roan. Ang sabi nito'y first aid kit daw ang ibigay niya. Sinong nagreregalo ng first aid kit?
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
Chick-LitTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...
