"THANK YOU for making us that wonderful dinner, Chef Rami," nakangiting pasasalamat ni Miss Policarpio sa personal chef nina Rush sa bahay. Walang kaso sa kanya si Chef Rami dati dahil gusto niya ang mga luto nito pero hindi niya nagustuhan ang tingin nito kay Miss Policarpio.
Fuck.
Pagkatapos ng dinner ay naging abala sa kanya-kanyang usapan ang mga bisita ni Rush. He was engaged on a conversation with David and his father na predecessor nito bilang chief legal officer ng Dela Vega Corporation. Sa dining area dumiretso si Rush pagkahatid niya sa kanyang mga bisita sa labas dahil alam niyang naroon si Miss Policarpio. Ihahatid na nila ito ni Gary pauwi dahil may pasok pa sila bukas.
"No need for thanks, Mavis. Tinulungan mo rin naman kami dito sa kitchen. So if anything, we need to thank you. Kung may gusto kang i-try na recipe, don't hesitate to tell me," nakangiti ring sagot ni Chef Rami dito.
Wala bang girlfriend o asawa itong si Chef Rami? And do we even need a personal chef in this house?
"Hmm, okay. Mag-iisip ako," agad namang sagot ni Miss Policarpio. Hindi ba nito naramdaman ang presensiya niya?
As if I'll let you, sa isip-isip ni Rush.
"Miss Policarpio, let's go. Ready na si Gary," pukaw niya sa atensyon ni Miss Policarpio. Napag-usapan kasi nilang ihahatid nila ito ni Gary pauwi ngayon.
"Oh, okay," anito sa kanya saka nagpaalam kay Chef Rami. "Sasama ka pa po sa paghatid sa'kin?" baling naman nito sa kanya.
"Ayaw mo?" nakataas ang isang kilay na tanong niya rito.
"Eh kasi baka pagod ka na. Naglaro kayo kanina, 'tapos birthday mo pa. Magpahinga ka naman, Mr. Dela Vega," sabi ni Miss Policarpio. Naglakad sila palabas ng kusina patungo sa receiving area ng kanilang bahay. "Wait lang. Nasa entertainment room 'yong bag ko. Nanood kasi kami do'n nina Law kanina."
Tumakbo paakyat sa entertainment room si Miss Policarpio at hinintay naman ito ni Rush sa labas. Miss Policarpio had outdone Rush's previous birthday dinner. Kung iba lang siguro ang gumawa ng balloons at confetti na iyon ay nag-walk-out na siya. He didn't want any surprises. Pero nakita niya sa mukha ni Miss Policarpio na nag-e-expect itong magustuhan niya ang gawa nito. And Rush can't bear to see her sad.
When the chaos happened earlier and Rush couldn't find her in sight, he felt his heart panicked. Hindi niya maintindihan kung bakit. Basta agad niyang hinanap si Miss Policarpio. Dahil siguro alam niyang ito ang nagplano ng lahat. Dahil feeling niya ay hindi makokompleto ang birthday niya kapag hindi siya nito binati.
What? Saan galing iyon, Rush? You've celebrated thirty-two birthdays without her. Ano'ng pinagkaiba ngayon? pangangastigo niya sa sarili dahil nawi-wirduhan siya sa takbo ng isipan.
Dahil ito ang first time na may ibang taong nag-asikaso sa'kin. All my life, si lola lang lagi ang nag-prepare ng birthday dinner ko. My own mother hadn't bothered to throw me a birthday party before as far as I could remember. Si Miss Policarpio lang ang nag-effort ng ganito. I should be grateful to her, paliwanag ni Rush sa sarili.
He might be getting crazy talking himself like this.
"Happy birthday, Mr. Dela Vega," nakangiting bati ni Miss Policarpio kay Rush pagkatapos nilang maihatid ang kanyang mga bisita sa labas. Pagkuwa'y may iniabot itong black box sa kanya.
"You shouldn't have bothered," sabi niya rito. But his heart squeezed tightly in his chest again.
"You don't like gifts?" tanong ni Miss Policarpio. The twinkle in her eyes fading. Parang gusto na nito agad bawiin ang ibinigay na regalo sa kanya
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
ChickLitTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...
