Chapter Thirty-Eight

10.1K 375 316
                                    

"ANO'NG gagawin ko, Nyx? Nagseselos ako," pag-amin ni Mavis sa kaibigan nang maka-Skype niya ito. Actually, pinilit niya talagang makipag-Skype dito dahil hindi siya mapakali. Simula iyon noong s-in-end sa kanya ni Sir Axe ang digital version ng magazine kung saan na-feature si Rush at si Erika Vitalis na siyang tanging babaeng...naging parte ng buhay nito.

"Kanino?" maang na tanong ni Nyx. Nasa New York ito ngayon para sa isang photo shoot.

"Do'n sa Erika!" medyo nanggigigil na sagot niya dito.

"Ah. Eh, ikaw naman ang mahal ngayon. At saka, hindi naman mukhang minahal 'yon ni Rush. Panalo ka do'n, babe," kaswal na sabi ni Nyx.

"Alam ko. Pero 'di ko kasi maalis sa sarili ko 'yong nagging feeling na mas better siya. Trust me, naiinis na rin ako sa sarili ko. Pero ano'ng gagawin ko?" helpless na tanong niya rito. Dahil ayaw niyang magselos. Hindi naman siya binibigyan ni Rush ng dahilan para magselos kay Erika Vitalis. Pero hindi niya maalis sa sarili niya na magselos.

"Talk to Rush," suhestyon ni Nyx.

"Nakausap ko na. Shit! Ayokong mag-alala siya sa feelings ko kasi marami siyang iniisip ngayon. May problema kasi sila sa office. Ayoko nang makadagdag pa do'n ang pettiness ko. Hay, nakakainis na talaga 'tong selos na 'to. 'Di ko mapigilang mag-stalk do'n sa Erika," pag-amin pa niya kay Nyx.

"Hindi makakatulong 'yan. Go out with your friends there. And trust in Rush. Calm down," advice ni Nyx.

Alam naman ni Mavis iyon. Pero hindi niya lang talaga mapigilan ang sarili. Ini-stalk ni Mavis si Erika Vitalis sa lahat ng social media accounts nito. She'd already expected that she lives a glamorous life with a successful career. Pero ini-stalk niya ito kung may boyfriend ito ngayon. Wala! Bwisit. Kaya labis na kinakabahan si Mavis.

In-analyze niya ang sarili. Kung ano ang nagustuhan sa kanya ni Rush, kung ano pa ang dapat niyang i-improve, at bakit ba talaga siya ang pinili nito. Kasi kung iko-kompara niya ang kanyang sarili kay Erika Vitalis, walang-wala siya dito.

Erika Vitalis was a successful self-made woman. Hindi ito umasa sa yaman at connection ng pamilya nito sa Pilipinas. She paved way for herself to be one of the best marketing managers and consultant in different countries. She had worked in numerous business firms in Europe, US and the Middle East. She's...amazing.

"Hindi ako maka-get over sa fact na...na...nakita na niya ang buong katawan ni Rush! They've been intimate together! They've shared...things we've never shared before!" hindi napigilang sigaw ni Mavis. Magkaka-hypertension yata siya.

Tumawa si Nyx sa kabilang linya. "That's easy, babe. Ask him to do it with you then."

"Oh my, God! 'Di ko naman 'yon magagawa 'no. Iisipin ko pa lang 'yon, naririnig ko na mga sasabihin ng mga auntie ko," mariing tanggi niya rito. "Pero Nyx, nakita na niya lahat kay Rush. And 'pag nakita ko siya in person, 'yon ang tatakbo sa isipan ko. I can't..."

"Pero wala ka nang magagawa do'n, Mavis. Nangyari na 'yon long before you came into his life. 'Wag mo na lang pakaisipin 'yong Erika. 'Di mo naman siguro siya mami-meet in real life," pangongonsola sa kanya ni Nyx.

"I really hope so, Nyx," nasabi na lang ni Mavis dahil kinakain na naman siya ng insecurity niya. Insecurity plus jealousy equals madness. Alam niyang hindi siya dapat magpadala doon pero hindi niya mapigilan.

Mavis just have to trust in Rush.

---

From: Mavis Policarpio

To: Rush Dela Vega

Subject: Are you free tonight?

Skype date ASAP!

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon