Chapter Eleven

12.9K 437 99
                                        

NAGKAMALI AKO. Maling-mali ako, sabi ni Mavis sa sarili. Akala niya'y may itinatagong kabaitan si Mr. Dela Vega kaninang umaga nang ipasundo siya nito kay Gary at ilibre ng kape at breakfast. Fluke lang pala ang lahat ng iyon. Baka may nakain itong nakapagpalambot sa puso nito ng mga ilang oras pagkatapos ay nawala na ang effect. Dahil bumalik na ito sa seryoso, masungit at walang pusong boss na nakilala niya simula noong unang araw niyang pagtatrabaho dito.

Ramdam na ramdam ni Mavis ang mainit na tingin sa kanya ni Mr. Dela Vega—a.k.a. "Boss Bastard". Umakyat na sa hate list ni Mavis ang boss niya kaya nagkaroon na rin ito ng nickname sa kanya. Hindi basta ang ginagawa ng mga taong nasa hate list niya. Tatlo lang ang kasama doon—ang landlady nila na hayok sa pera, ang lalaking hayok sa babaeng sumira ng image ni Mavis sa dati niyang trabaho at itong bago niyang boss na walang konsiderasyon sa nararamdaman ng isang empleyado.

Pinalampas ni Mavis ang pagtawag sa kanya ni Mr. Dela Vega ng "stupid" noon sa email. Pinalampas din niya ang pagiging ungrateful nito sa mga nagawa niya. Alam din niya na ilang araw pa lang siyang nagtatrabaho dito. Pero sapat na ang panahong iyon para patunayang hindi talaga ito magandang maging boss. Hindi na siya nagtataka pa kung bakit walang nakakatagal ditong assistant.

On top of being an overbearing, demanding and inconsiderate boss, Rush Dela Vega was also petty and somehow...immature. Not to mention, bipolar. Patunay doon ang ginawa nito kay Mavis ngayong araw. She didn't make him look like an incompetent fool. Sinabi niya lang ang totoo sa presidente ng kompanya. Nasagi niya ang ego nito, nag-apologize naman na si Mavis. He didn't need to make her his slave. Ordering her around to do petty task just to torture her.

Alam ni Mavis na magiging alila siya ni Mr. Dela Vega. In-expect na niyang marami ang magiging trabaho niya rito. But she didn't expect herself to walk down the street just to get him a cup of coffee, send all suits to cleaning, bring his pet dog to the vet, walk the said dog and immediately arrange for a birthday when his brother's birthday isn't until six months from now. Wala iyon sa job description niya. Pero alam ni Mavis na maraming ginagawa ang isang executive assistant na wala sa job description nila. Kaya nga malaki ang sweldo nila. Pero hindi niya ito-tolerate ang pagiging petty ng boss niya.

Alam ni Mavis na gusto siyang kastiguhin ni Mr. Dela Vega ngayon dahil hindi niya ito pinapansin mula nang makabalik ito galing Tagaytay. Pero hindi nito magawa dahil nasa gitna sila ng meeting kasama ang Venturillo acquisition team. At dahil sinabi ni Boss Bastard na hindi sila pwedeng umuwi nang hindi tatlo ang planong maipe-present sa mga Venturillo kaya kahit alas-nuwebe na ng gabi ay nasa DV building pa rin sila.

"Miss Policarpio, what do you think about this plan? Sa tingin mo ba ay papasa na ito sa tradisyunal na panlasa ng mga Venturillo?" tanong sa kanya ni Boss Bastard.

Tiningnan ni Mavis ang naka-project na plano para sa Sapphire Ocean Beach Hotel. Less domineering at more welcoming ang dating niyon. Simple na parang isang bahay lang. Hindi iyong karaniwang hotel na kanto-kanto at building talaga. Mas maganda din ang landscape nito. Sa tingin niya ay magugustuhan ito nina Mr. and Mrs. Venturillo.

"Maganda 'to, Mr. Dela Cruz. Sa tingin ko, magugustuhan 'to nina Mr. and Mrs. Venturillo. Good job, team," nakangiting bati niya sa mga ito. See, kung hindi kayang maglabas ng 'thank you' ni Boss Bastard, ako na lang ang gagawa no'n. "Pero siyempre, dahil hindi tayo ang boss, ang CEO pa rin natin ang may final say, 'di ba? Baka—"

"Present this to the Venturillos, Mr. Dela Cruz. You may all leave now except for Miss Policarpio," sabi ni Mr. Dela Vega sa malamig na tinig.

Bumilis ang tibok ng puso ni Mavis dahil alam niyang magkakaroon sila ng komprontasyon ni Mr. Dela Vega. Sasabihin nitong tanggal na siya sa trabaho pero hindi iyon tatanggapin ni Mavis dahil walang itong grounds for termination sa kanya. Sinunod niya ang lahat ng utos nito at wala pa siyang naging pagkakamali dito. Hindi siya magre-resign dahil kailangan niya ng pera. Pero kapag nabayaran na ni Mavis ang lahat ng utang ng kanilang pamilya at nakatapos sa pag-aaral ang dalawa niyang kapatid ay magre-resign agad siya. Two years pa.

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon