Chapter Eighteen

13K 444 203
                                        

"GOOD MORNING, Mr. Dela Vega," pormal na bati ni Mavis sa boss niya nang daanan nila ito ni Gary sa mansion ng mga Dela Vega. Sa halip na batiin siya ay isang box ang binigay nito sa kanya.

"Pinapabigay ni lola."

Nanlaki ang mga ni Mavis nang makita kung ano ang laman ng box na iyon. Iba't ibang klase ng cookies, fudge brownies, caramel bars at lemon bars ang laman ng box. Mas lalo siyang makaka-survive sa araw na iyon dahil sa mga iyon.

"Wait lang, Mr. Dela Vega. Magpapasalamat lang ako sa presidente," sabi ni Mavis dahil hindi pa naman umaandar ang sasakyan. Pero agad siyang pinigilan ni Mr. Dela Vega.

"'Wag na. Alam na niyang grateful ka sa kanya."

"Pero mas okay pa rin na personal akong makapagpasalamat sa kanya. Sandali lang po 'to, promise."

Lumabas ng sasakyan si Mavis at pumasok sa mansion. Hinanap niya sa isang kasambahay doon kung nasaan ang presidente at itinuro siya nito sa kusina. Nadatnan niya roon si Victoria Dela Vega na nagkakahon pa ng pastries na gawa nito.

"Good morning po," nakangiting bati ni Mavis sa matanda. "Thank you po sa pastries. I'm pleased and honored to be given those."

"Oh, of course, Miss Policarpio. My grandson can be tough to work with. I know your hands are always full. Ako ang dapat mag-'thank you' sa'yo," nakangiting sabi naman ng presidente.

"Walang anuman po. Ginagawa ko lang ang trabaho ko."

"Oh, you're too humble. Anyways, may favor pala akong hihingin sa'yo. Kung okay lang sa'yo," sabi ng presidente. At ito siguro ang dahilan kung bakit ayaw na siyang papasukin ni Mr. Dela Vega dito para magpasalamat sa lola nito. "Ruther Shane needs someone special in his life. Someone who'll take care of him. Someone na matututunan din niyang pangalagaan. Please help me find that someone for him, Miss Policarpio."

Hindi alam ni Mavis kung ano ang mararamdaman sa hinihinging pabor ng presidente. Marunong namang magbigay ng care si Mr. Dela Vega kung gusto nito—I think. Well, he cares for Law. He's doing the Project Smile. Marunong naman itong magpahalaga sa mga taong nakapaligid dito. Hindi lang showy ang boss niya. Hindi naman ganoon ka-sama ang boss niya. Minsan lang. Minsan lang ay asal-monster ito sa trabaho.

Pero ang makipag-date si Mr. Dela Vega? Was that even possible? Baka kainin nito ng buhay ang mga babaeng makaka-date nito. Anong mangyayari kay Mavis kapag nakipag-date na ang boss niya? Somehow, feeling ni Mavis ay parang hindi niya magugustuhan kapag nangyari iyon. Why?! Iyon ang kino-contemplate niya sa sarili habang pabalik siya sa sasakyan.

"Anong sinabi niya sa'yo?" tanong agad ni Mr. Dela Vega pagkasakay niya ng sasakyan.

"Uhh, i-make sure ko daw na a-attend ka sa lunch or dinner dates na ise-set up niya," wala sa sariling sabi ni Mavis. Saka lang niya na-realize ang pagkakamali niya nang marinig niyang magmura si Mr. Dela Vega. Hindi niya dapat iyon sinabi dito! Shit!

"Hindi mo kailangang gawin 'yon. Your loyalty should be to me and not to anyone else, Miss Policarpio. Even my grandmother. Ang kompanya ang focus mo ngayon. I don't do girlfriends. They're just a waste of time," seryosong sabi ni Mr. Dela Vega.

Now, why did that make Mavis feel relieved?

---

From: Tyler John D.V. Fontanilla

To: Mavis Policarpio

Subject: Fourth month, huh?

Congratulations for surviving those difficult months, Mavis. Please be reminded that there are more to come. You made me lose a bet.

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon