Chapter Nineteen

13.1K 476 265
                                        

"PAKI-EXPLAIN nga kung paano ako natalo?" reklamo ni Tyler kina Rush at Axe.

Napahagalpak ng tawa si Axe. "'Wag kang mag-aalala. Matatalo rin ako kaya baguhin na lang natin ang pustahan," sabi naman nito.

"Ano naman?" game na sagot ni Tyler.

"Kung sino ang unang aamin," suhestyon ni Axe.

"Boring. Obvious naman sa'tin kung sino ang unang aamin. Mukhang one-sided eh," sabi naman ni Tyler. Napakunot-noo si Rush dahil hindi niya maintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Naku, malay mo slow lang pala 'yong isa. Mukhang hindi naman siya manhid," ani Axe.

"Pero walang kwenta 'yang pustahan na 'yan kasi pareho tayong pupusta dito kay Rush," sabi ni Tyler.

"What?" sigaw niya sa mga ito. "Ako na naman ang nakita n'yong pag-trip-an. You know I can both make your lives a living hell, right?"

"We'll just drag you there with us, cousin," nakangisi namang sagot ni Axe. Unfazed by his threat.

Parehong tiningnan ng masama ni Rush ang kanyang mga pinsan. Napagkasunduan nila ngayong maglaro ng squash sa basement ng kanilang ancestral house. Hinihintay na lang nila ang kani-kanilang mga kapatid dahil doubles ang lalaruin nila ngayon. Sunday naman kaya wala siyang schedule. At birthday niya ngayon kaya may family dinner sila sa mansion. Darating ang immediate family members niya kasama ang pamilya Castillo na siyang naging chief legal officers ng DV Corp. mula una.

Rush doesn't want anything grand for his birthday celebration. Laging family dinner lang ang ginagawa tuwing birthday niya. Dahil wala naman siyang mga kaibigan. Nothing has changed with the exception of Mavis. Kung dati'y ang lola niya ang punong abala sa pag-o-organize ng birthday dinner niya, si Mavis na ang gumawa niyon ngayon.

Rush was thankful...and happy.

"Ano na naman ang kinalaman ko sa pustahan n'yo? Mga walang magawa sa buhay," inis na sabi niya sa kanyang mga pinsan.

"Ang boring kasi ng buhay mo kaya kailangan naming lagyan ng spice," nakangising sabi ni Axe.

"Fuck you—"

"Gross! No, thanks," mabilis na sabi ni Axe. Akmang babatukan niya ito pero nakailag ito agad. Matutuyuan siya ng dugo dito kay Axe.

"Nasaan na ba 'yong tatlong 'yon? Magsimula na nga tayo. Singles match muna," naiinip nang sabi niya sa mga ito.

"We're here," sigaw ni Law. Kasama nito sina Roth at Travis. May mga dalang snacks at drinks ang mga ito. "Appetizers lang ang mga ito. Pinababa dito ni Mavis," sabi ni Law.

This kid. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa kanya na "Miss Policarpio" o "Miss Mavis" ang itawag niya sa kanya? Hindi pa rin ba pumapasok sa isipan niyang magtatrabaho din sa kanya si Miss Policarpio in the near future? sa isip-isip ni Rush. Pero binawi din niya agad iyon dahil hindi niya maisip na mawawala sa kanya si Miss Policarpio. I mean, as my executive assistant. Because we work well together.

"The best talaga si Mavis. She's my dream girl. Liligawan ko siya 'pag naka-graduate na ako. We have a deal," proud na sabi ni Roth. Rush immediately whipped his head towards his direction and glared at Axe's little brother.

"What?" sigaw niya rito. Dumagundong ang boses niya sa buong basement. Everybody jolted back in surprise except for Travis—Tyler's brother. Hindi ito basta-basta nasisindak. He's somehow built and groomed like Rush.

"She's hot," komento naman ni Travis. Dito naman niya ibinaling ang masamang tingin.

What the hell is wrong with these kids?

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon