"I TOLD you red's your color. And I was right," sabi kay Mavis ni Sir Rush nang sunduin siya nito sa suite room kung saan siya naka-check-in kasama sina Roan at Daena. He looked at her from head to toe. At medyo na-conscious si Mavis sa tinging ibinibigay nito sa kanya. Pero confident siyang maganda siya sa suot na red dress na hakab sa kanyang katawan at pati na ang magandang make-up niya.
Ngayong gabi na ang gala night ng Dela Vega Corporation at buong araw silang nag-prepare para sa okasyong iyon. Walang kaso kina Mavis at Roan kung simpleng make-up lang ang gamit nila sa gala night. But Daena was having none of it. Nag-hire ito ng kanilang make-up artist. Kaya imbes na siya ang sumundo kay Sir Rush sa suite nito bilang executive assistant nito ay ito pa ang sumundo sa kanya bago sila bumaba sa ballroom dahil katatapos lang niyang ayusan. It's not like the spotlight's going to be on her tonight.
Naiikot ni Mavis ang kanyang mga mata sa boss niyang umaastang Mr. Know-It-All. Kasama nila ito sa pagbili ng dress na iyon. Yep. Sa Hong Kong. Sinundan sila nito sa Hong Kong. "Right."
"You look...beautiful," he said that all too carefully. Na para bang may sasabog the moment na mamali ito ng sasabihin sa kanya. Mavis noticed that he's on the edge these past few days. Parang may bumabagabag dito. At iyon ang gustong malaman ni Mavis. If only just to ease off the burden in his heart.
"Thank you," nakangiting sabi niya rito. Pero napangiwi siya nang makita ang necktie na suot nito. Iyong necktie na binigay niya. "Walang meaning 'yan ha."
He smirked at her. "Whatever you say, Miss Policarpio."
"Seryoso ako! Wala talagang meaning 'yan. Alam mo kung ano'ng natutunan ko sa pagbibigay n'yan sa'yo? Mag-research muna ng meaning ng bawat regalo," aniya rito.
He just smiled at her. Hindi pa rin sanay si Mavis sa ngiti nito. Hindi pa rin siya nasasanay na kaunting kiliting idinudulot niyon sa puso niya. Did she ever mention that Rush Dela Vega's smile is dangerous? To her heart that is.
Maganda na ang working relationship nila ni Sir Rush. Pero higit sa lahat ay magkaibigan silang dalawa. Granted, minsan ay hindi niya mapigilan ang sarili na amuyin ito—dahil mabango talaga siya—at tingnan ito—dahil ang gwapo talaga niya—pero hindi pa rin niya tinatawid ang "professional" line na mayroon sila. At alam ni Mavis na ganoon din si Sir Rush. Kahit na marami itong ginawang exclusive perks para sa kanya na hindi pa nito nagagawa noon sa mga previous assistants nito. Pinagtatakhan iyon ng lahat pero mas convenient sa kanilang dalawa ang magkasabay pumasok sa trabaho dahil trabaho pa rin naman ang inaatupag nila habang papasok.
Madalas ay naiinis pa rin si Mavis kay Sir Rush dahil may times na inaabot ito ng sumpong. Masungit pa rin ito. Minsan ay inaabot silang magdamag na magkausap dahil hindi ito makatulog at ang nakakapagpaantok dito ay ang mag-isip ng trabaho. Hence, tinatawagan siya nito para mag-usap tungkol sa trabaho. Nagtatalo pa rin sila dahil minsan ay nagkakaiba sila ng opinyon. Hindi rin nakatulong na pareho silang competitive. Pero natutuhan na rin naman nilang mag-compromise.
"Shall we?" anito saka ini-offer sa kanya ang braso nito. Mavis linked her arms to his. At bumaba na sila sa function hall kung saan gaganapin ang gala.
The program started at exactly seven PM sharp. Dahil naroon na rin naman ang mga VIPs. Nagbigay ng speech si Sir Rush at maging ang presidente. May mga performances din na handog ng pinakasikat na celebrities sa bansa. At nag-fangirl si Mavis kay James Rodriguez na napakagwapo pala talaga sa personal. Kaya halos tumalon siya sa tuwa nang siya ang piliin nitong kantahan.
"You're very pretty. What's your name?" swabeng tanong ni James Rodriguez sa kanya.
"Mavis," agad na offer niya sa pangalan niya. Hindi niya habit ang mag-fangirl pero gustong-gusto talaga niya itong si James Rodriguez. So, sue her for fangirling and taking this once in a lifetime opportunity to get close to her idol.
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
ChickLitTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...
