"HMM?"
Inilapag ni Mavis ang phone niya na naka-video call kay Rush sa flat table ng kitchen island. Yes, nagvi-video call na sila ngayon gamit ang Skype. Ginamit niyang stand para support ang isang baso doon. Para nakikita pa rin siya ni Rush habang siya'y nagluluto.
Rush cleared his throat first before speaking. "What are you making?" tanong nito.
"French toast. Nakapag-lunch ka na?" kaswal na tanong ni Mavis dito. Pagkuwa'y napahikab siya dahil kagigising pa lang niya at inaantok pa siya. Five AM pa lang doon. At dahil nauuna ng eight hours ang Pilipinas ay one PM na ang oras ni Rush.
"Yes. May luncheon meeting ako kanina sa Silver Palace," sagot naman nito. "Mavis, kinausap ko lang sina David dahil ayoko talagang nahihirapan ka d'yan. Bakit kita hahayaang magtrabaho kung kaya ko namang—"
Marahas siyang napaharap dito. "That's not the point and you know it. Muntikan ko nang hindi tanggapin ang offer na 'to dahil alam ko at alam kong nahahalata ng ibang tao na may relasyon tayo. Ayokong isipin nila na tine-take advantage lang kita. Na ikaw ang lahat ng dahilan kung bakit nandito ako ngayon. So please allow me to work for this, Rush. That's all I'm asking you," pakiusap niya rito.
Napahugot ng buntong-hininga si Rush. "Hindi mo maiaalis sa'kin ang mag-alala para sa'yo, Mavis. I'm not there."
"Nabuhay ako ng wala ka for years, Rush. I think I can manage," sabi ni Mavis. Hindi niya pinag-isipan ang sagot na iyon. Kaya medyo na-guilty siya nang makitang may dumaang hurt sa mga mata ni Rush. "I appreciate what you're doing, Rush. Pero kaya ko 'to, okay? Tama na 'yong alam kong nand'yan ka lang lagi para sa'kin."
Tinapos ni Mavis lutuin sa pan ang ginagawang French toast saka siya muling humarap kay Rush. Nilagyan niya lang iyon ng sugar at cinnamon. "French toast is better with bananas and cream," pag-iiba ni Rush ng usapan.
"Yep. Agreed. Pero masarap din siya kapag may apples at caramel. Wait. Wala pa tayong French toast date. May café dito na may iba't ibang French toast flavors. Parang soufflé pancakes lang 'tsaka waffles. Try natin kapag nagawi ka ulit dito," anyaya ni Mavis dito.
"At least, may French kiss na tayo," walang anu-anong sabi ni Rush. Nanlaki ang mga mata ni Mavis dahil sa sinabi nito. But the bastard just smirked smugly at her. "And yes, we'll have that date next month. Pupunta kami d'yan ni Law kasi gusto niya ng tour sa Silverstone race track. Iyon na lang daw ang birthday gift sa kanya."
"Oh, okay. Great! See you soon!" excited na sabi niya rito.
"I miss you. And again, I'm sorry."
She smiled sweetly at him. Naiintindihan naman ni Mavis ang intensyon nito. Pero gusto niyang malaman nito na kaya niya. "It's okay, Rush. I miss you too."
"I love you," masuyong sabi nito.
"I love you back," pagkasabi niyon at pagkatapos ng video call nila ay na-realize ni Mavis na isang buwan pa bago niya ito muling makita. Shit. At isang taon pa para makapagsama ulit sila palagi. Double shit.
One month later...
"YES, Racer? Anything else I can do for you?" nakangiting tanong ni Mavis sa regular customer ng coffee shop kung saan siya nagpa-part-time. Bumalik kasi ito sa counter. Inisip niya tuloy kung nagkamali siya ng bigay ng order nito.
He gave me a sheepish smile. "Your number is not written here. Again," sabi ni Racer sa kanya habang itinuturo ang cup sleeve ng coffee cup na hawak nito.
Muli niya itong nginitian. Araw-araw talaga nitong tinatanong sa kanya ang number niya. Siguradong mamayang hapon paglabas nito ng opisina ay manghihingi na naman ito ng date. "My number's not on the menu, Racer. Still. And before you ask later, I'm still not going to date you. I have a boyfriend."
"A boyfriend back home. I'm sure you're getting lonely here in the big city," hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na sabi ni Racer.
"No. Not really. I'm getting by. In fact, my boyfriend is coming in to visit," aniya.
"Well, in case you get tired of the long distance relationship, let me know, 'kay?"
"She won't."
Oh, my, heart!
Mavis stared at the scowling Rush. Bakit nandito na ito agad? Ang buong akala ni Mavis ay mamayang gabi pa ang dating nito. So this is clearly a surprise. She wanted to run to him or jump by the counter and hug him. Pero may obstruction sa gitna nila. Hindi niya basta pwedeng iwan ang counter lalo na't may customer pa doon. Kahit na sabihin pang kanina pa niya naibigay ang order ni Racer—na nakatingin na rin kay Rush ngayon.
Mavis gave Rush a sweet and reassuring smile before turning back to Racer. "Yep. It seems that my boyfriend just arrived. Have a great day, Racer!"
"Oh, well. Fine. Have a g'day, then," sabi nito sa kanya. Saka ito naglakad palabas. Huminto ito sa tapat ni Rush at tinapik ang boyfriend niya sa balikat. Hindi niya narinig ang pinag-usapan ng mga ito. Kahit na tig-isang linya lang ang nabanggit ng dalawang lalaki.
"Hello, guys. Kumusta ang flight n'yo na hindi ko alam na mas maaga pala?" tanong niya sa magkapatid na Dela Vega nang makalapit ang mga ito sa counter. Ipinasok na niya sa PoS ang order ng mga ito dahil alam naman ni Mavis ang gusto ng dalawa pati na ang recommendations niya sa mga ito.
"'Di na kasi makapaghintay ang isa d'yan," pagpaparinig ni Law sa kuya nito. Natawa si Mavis sa pag-ikot pa ng mata ni Law.
"How long has he been trying to get you to go out with him?" nakasimangot pa rin na tanong ni Rush kay Mavis.
"Since last month. Pero hindi ko naman siya papatulan. Ever. Narinig mo naman siguro 'yong sinabi ko sa kanya, 'di ba?"
"Is he the only one?"
"Ye-s? Don't worry, I always tell people I have a boyfriend and I'm happy," masuyong sabi niya rito. Mukhang hindi pa rin naalis ang pangamba at inis kay Rush. "One hour na lang ang natitira sa shift ko. In-order ko na kayo ng food. Dadalhin ko na lang sa inyo and then, alis na tayo after, okay?"
"Okay." Si Law iyon dahil hindi pa rin kumakalma si Rush. At hindi pa rin ito umaalis sa may counter kahit na nakaupo na si Law sa napili nitong pwesto sa café.
Sandaling lumabas sa loob ng counter si Mavis at lumapit kay Rush. She's not big on PDA but this was an exemption. Mabilis niyang niyakap si Rush at hinalikan ito sa pisngi bago niya ito itinulak papunta sa kinaroroonan ni Law. Siya naman ay bumalik sa loob ng counter.
---
May ibang parts pa po ang Chapter Thirty-Six. So, please have patience. Haha. Please let me know your thoughts on the comments below!
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
Chick-LitTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...