Chapter Five

13.2K 432 84
                                    

BAGO MAG-ALAS-OTSO ng umaga ay nasa DV building na si Mavis. She familiarized herself with her new office and new job before a new work day. Sinabi kasi ni Miss Chua sa kanya kahapon sa email na may iniwan itong box sa lobby receptionist. Nakuha niya iyon kanina at naglalaman iyon ng credit card ng bago niyang boss pati na rin ang business phone at calling card niya. Na-impress siya sa bilis magtrabaho ni Miss Chua.

Dahil doon kaya naka-order na siya ng preferred breakfast ng bago niyang boss mula sa Silver Palace Hotel na parte ng DV Corp. Hinihintay na lang niyang i-deliver iyon ngayon. Nakabili na rin siya ng kape nito na nakalagay na sa heating glass sa mesa nito. At nakakuha na rin siya ng diyaryong naglalaman ng sinasagutan nitong crossword puzzle araw-araw. Sa tingin ni Mavis ay habit na iyon ng bago niyang boss para makondisyon ang isipan bago sumabak sa trabaho. Ipinagdadasal na lang ni Mavis na sana'y dumating ang breakfast delivery bago dumating ang bagong boss niya. Ayon kasi kay Miss Daena ay napaka-particular nito lalo na sa umaga.

Buhay-zombie si Mavis kahapon dahil pinilit niya ang katawan na mag-adjust agad sa umaga. She felt like someone messed up with her head. At alam niyang hindi pa rin siya nakakapag-adjust ng maayos. Dahil graveyard shift siya ay nasanay na ang katawan niyang gising sa gabi at tulog sa umaga. Thankfully ay pumayag agad ang dati niyang boss na i-vacation leave na lang niya ang natitirang araw niya sa Avira kahapon. Kaya pagkatanggap ng go signal ay maghapon silang magkausap nina Miss Chua at Mr. Castillo para maging handa na siya ngayong araw.

Ramdam niya ang pressure nina Miss Chua at Mr. Castillo. Feeling niya ay pine-pressure na talaga ang mga ito ng boss nila. May kutob tuloy si Mavis na baka totoong most hardworking nga talaga ang bago niyang boss. Kinakabahan si Mavis dahil mukhang napakaseryoso nito sa email kahapon. Pero nilalabanan niya iyon sa pagkokondisyon sa sariling kakayanin niya ang lahat ng ipapagawa ng bago niyang boss. Nagpapasalamat nga siya dahil may kasama siyang kakilala niya sa floor na iyon.

Katapat ng CEO's office ang maliit na opisina ni Mavis at sa kanan naman ng opisina niya ay ang opisina ni Mr. Castillo pati na ang legal team nito. Sila lang ang nasa floor na iyon dahil okupado ng malaking boardroom, opisina ng bagong boss niya at spare room nito—sakaling hindi ito makauwi dahil sa trabaho—ang buong floor. Halatang "monster" sa trabaho ang bagong boss ni Mavis kaya binigyan na niya ng heads up ang kanyang pamilya na baka talaga wala siyang maging bakasyon. "Baka" dahil kahit kaunti ay may hope pa rin siya.

Habang naghihintay ng breakfast delivery ay nagbasa siya ng email threads para maging updated sa current projects at business dealings ng bago niyang boss. At para na rin makagawa siya ng shortlist ng bago niyang boss ngayong araw. Mabuti na lang at naka-CC na sa kanya ang ilang email nito kahapon. Ipinagpasalamat niya ring nai-forward na sa kanya ng bago niyang boss ang lahat ng emails na kailangan niyang mabasa. Kaya naman pinag-aaralan na niya ngayon ang current projects at business dealings ng bago niyang boss para mas lalo siyang maging handa sa pakikipagharap dito mamaya.

Ayaw niyang mapahiya sina Miss Chua at Mr. Castillo sa harapan nito kapag may ginawa siyang mali. Ayaw niyang i-doubt nito ang pagha-hire sa kanya ng dalawa. Thankfully ay nagawan agad ng paraan ng IT ang pagkakaroon niya ngcompany email kaya nagkaroon agad siya ng insight sa nangyaring events nang mga nakalipas na araw. Naalala niya ang paraan ng pagkakasabi ng bago niyang boss na kailangan niyang magkaroon na ng email within yesterday. Ramdam na ramdam ni Mavis ang pagiging seryoso nito.

Bago pa man siya makatapos sa paggawa ng shortlist ng bago niyang boss ngayon ay tumunog ang business phone niya. Isang text iyon mula kay Cindy—ang receptionist sa lobby—para ipaalam sa akin na nandito na ang bago niyang boss. Katulad ng nakalagay sa portfolio nito ay dumating nga ito ng seven forty sa DV building.

Mabilis na tinapos ni Mavis ang shortlist at inayos ang suot na damit—a millennial pink skirt and white top—bago naglakad patungo sa elevator ng twenty-fourth floor ng DV Corp. para maghintay sa bago niyang boss. Pilit na kinalma ni Mavis ang sarili dahil bigla siyang kinabahan ng todo. Sinabi na lang niya sa sarili na excitement lang iyon sa pagkikita nila ng bago niyang boss. Hindi takot.

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon