"WHAT are you doing?" halos pasinghal na tanong kay Mavis ni Rush. Sakay sila ng SUV papuntang Baguio. Ito ay pagkatapos siyang iwan ni Rush sa kanilang opisina. Nawala ito ng isang oras. Pagkuwa'y binalikan siya nito sa opisina dahil nasa schedule nilang magpunta sa Baguio ngayon.
"I'm sorry," Mavis said while sniffing and trying to hold her tears back. Ang hirap pala magpigil ng iyak. Kanina pa siya pahid ng pahid ng luha sa pisngi niya. Kanina pa rin siya hindi makatingin kay Rush dahil umiiyak siya.
Silently crying. And no, she's not playing the "pity card". Umiiyak siya dahil nasaktan niya si Rush at sobrang guilty siya ngayon. Lalo na nang marinig niyang napamura si Rush sabay abot sa kanya ng tissue box na nasa ibabaw ng console ng sasakyan.
"T-thanks. Uh, lipat na lang ako sa unahan—"
"No," mariing pigil sa kanya ni Rush.
Oh, God. Did he mean to torture me? anang isang bahagi ng isipan ni Mavis.
No, hindi gano'n si Rush. Intindihin mo ang galit niya dahil hindi ka naging honest sa kanya. Exactly after you both agreed on being completely honest with each other, sagot naman ng isa pang bahagi ng isipan ni Mavis. Kaya nagpatuloy sa pagpatak ang luha niya.
"I'm really sorry," muling sabi niya kay Rush.
"Stop saying 'sorry'," sabi ni Rush. May nahimigan pa rin siyang inis sa tinig nito pero hindi na iyon kasing-tindi katulad kanina.
"But I am," giit niya rito. Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Rush saka nito nahilot ang magkabilang sintido. Mavis felt bad again. "Hindi ko sinabi sa'yo noon kasi hindi pa naman ako decided. In shock pa rin ako sa offer ng lola mo. Nag-decide akong sabihin kay V kasi nagtanong siya that time and nasabi ko sa kanya dahil nasanay akong magsabi sa kanya ng gano'n. And I know that he would give an unbiased opinion kasi hindi naman siya parte ng kompanya. He's been my friend since childhood. Kilalang-kilala na niya ako kaya ako nag-confide sa kanya. And it's not because I'm still in love with him."
Hindi nagsalita si Rush. Tahimik itong tumingin sa kanya ng mataman. She stared back at him—pleading. Silently asking him to give her a chance to explain. At nagsalitang muli si Mavis nang magbawi ito ng tingin. "I didn't want to take the offer at first. Kasi sino ba naman ako para mabigyan agad ng gano'ng offer, 'di ba? Wala pa akong one year sa inyo—"
"Mavis," tila nananaway na sambit ni Rush sa pangalan niya.
"What? It's the truth. Baka isipin ng iba na napaka-oportunista ko," aniya. Hinawakan niya ito sa braso para pigilan itong magsalita. "Baka sabihin ng iba na nabigyan lang ako ng gano'ng opportunity dahil sa'yo. Dahil...alam mo na. Your grandmother made it seem like we will be really together...in the future. She wanted me to be able to walk beside you. And I wouldn't want to take the offer because of that. Ayokong isipin mo, ng pamilya mo at ng ibang tao na ginawa lang kitang stepping stone."
Tumalim ang tingin ni Rush kay Mavis. "Would that be so bad?"
"Ha?"
"Would it be so bad for you to be with me in the future?" seryosong tanong ni Rush.
Natigilan si Mavis sa tanong nito. She stared straight at him and thought that, 'no'. It wouldn't be so bad to be with this man. And that's when she finally realized that she wanted to be with him. In the future. For the long run. Not just as workmates but as more. Kaya medyo naging madali rin sa kanya ang makatuntong sa desisyon ng pagre-resign sa DV Corp.
"No. I'd actually...want that. Pero hindi pa ngayon. Kailangan ko munang mag-resign sa DV Corp. I'll finish my masters and come back with a proposal for you and the board. I already have a project in mind. Iyon din 'yong ginamit ko pag-apply sa Cambridge and okay naman sa kanila. I'll present it to you after my masters. Para kompleto at pulido na," paliwanag ni Mavis kay Rush.
Natahimik si Rush. He looked like he's trying to take in everything Mavis just said. Rush breathed a heavy sigh. "So, let me get this straight. My grandmother offered to sponsor your MBA studies in Cambridge. Magre-resign ka sa DV Corp. for that study—"
"I know na pwede akong mag-file ng indefinite leave pero masyadong matagal ang one year para do'n. Unfair 'yon sa company n'yo. But don't worry, nakapirma na ako ng kontrata kay Sir David at Ma'am Vicky na kailangan kong mag-work sa DV Corp. after my masters for a minimum of five years. I'll come back," paniniguro niya rito.
"I agree. And you can't take your EA position back because then, you will be over-qualified," sabi ni Rush. Kiming napatango si Mavis bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. "I don't like some part of your plan though."
Napakagat-labi si Mavis. "Which part?"
"The part where I'll have to wait a year for us to be together," seryosong saad ni Rush.
Napanganga si Mavis dahil sa sinabi nito. Speechless na naman siya. Pagkuwa'y napakunot-noo siya dito. "Wait lang. 'Di pa nga tayo bati, 'di ba? Galit ka pa rin sa'kin dahil mas nauna ko pang sabihin kay V ang tungkol dito?"
Si Rush naman ang natahimik. "I wish you've told me first," mahinang sabi nito kapagkuwan.
Kinain na naman ng guilt si Mavis. She could still feel Rush's pain until now. And she wanted to ease his pain. Kaya umisod siya palapit kay Rush. She held his hand and laid her head on his shoulder. "I'm sorry for breaking the 'honesty rule'. Na-off balance lang ako no'ng offer-an ako ng lola mo. And just so you know, nagkaro'n na kami ng closure ni V after naming pag-usapan 'yong tungkol d'yan. So, rest assured na ikaw na lang—" Napa-preno bigla si Mavis. She did not just say that!
Hindi siya natural na showy at vocal sa feelings niya kaya nagulat siya sa sinabi niya. Totoo naman iyon. Nagulat lang siya na nasabi agad niya kay Rush nang hindi niya pinag-iisipan. And that's practically her admitting her feelings for him out loud. OUT. LOUD. Holy. Shit!
Hindi niya ugaling maging ganoon. She's more of a writer than a speaker. Kaya nga mas pinili niyang gawan ng hate mails si Rush noon kaysa ang mag-rant sa ibang tao tungkol dito.
"Ako na lang ang...?" untag ni Rush sa kanya.
Pakiramdam ni Mavis ay napako na ang ulo niya sa balikat ni Rush. Hindi siya makagalaw. Pagkuwa'y sumulyap siya kay Gary sa driver's seat at nakita niyang may ngiti ito sa mga labi. Base sa side view nito. Nag-init ang buong mukha ni Mavis. At lalong nag-init iyon nang maramdaman niyang hinalikan ni Rush ang tuktok ng ulo niya. Oh my, God!
"Mavis," untag sa kanya ni Rush. Pero nag-pretend si Mavis na nakatulog na. She heard him chuckle. "Okay. Since I'm a gentleman, I'll pretend that I didn't hear your grand declaration of love."
This ass. Iniangat na ni Mavis ang kanyang ulo mula sa balikat ni Rush at tiningnan ito ng diretso sa mga mata. "I didn't say 'I love you' yet. So hindi pa considered na grand declaration of love 'yon," tanggi niya rito.
He smiled cunningly at her. "You just did. Technically. And don't worry, I love you too," he said happily. And then, he kissed her lips softly.
It was just a peck. A stolen kiss. And this kiss thief smiled at her mischievously afterwards. Feeling proud and content. And Mavis knew that no one else would have her heart other than this man right here.
---
Aaaaaaaand CUT!! Hahahaha!
Pinaghiwalay ko into two parts ang Chapter 32 para suspense. LOL
Baka next weekend na ulit ang update kasi busy ako ng weekdays.
Have a great week ahead, everyone!
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
ChickLitTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...
