Chapter Twenty-Two

14.1K 460 345
                                        

"WAIT. Bakit pala boyfriend kita?" maang na tanong ni Mavis kay Sir Rush pagkatapos niyang kumain. Inaabuso na nga yata ni Mavis ang kabaitan ng boss niya dahil napangiti siya nang ito mismo ang magligpit ng pinagkainan niya.

Natigilan si Sir Rush. Na para bang caught in the act ito. "For the record, they didn't give me the time to explain. Hindi ko sinabi sa kanila na boyfriend mo ako. They just...assumed, I guess."

"'Buti hindi nila in-assume na asawa kita," kaswal na sabi niya rito.

"Why? Dahil kay Doctor Legarda?" anito na binato na naman siya ng masamang tingin.

"Siyempre, hindi. Bakit bumalik na naman kay V ang usapan?" nakataas ang isang kilay na tanong niya rito. Bakit parang sobrang triggered nito kapag kasali sa usapan si Vincent? "Kanino galing 'yong flowers?" pag-iiba na lang niya ng usapan. Ang tinutukoy niya ay iyong bouquet ng Ecuadorian light pink roses.

"Binili ni Gary para sa'yo," kaswal na sagot ni Sir Rush.

"Thank you. You shouldn't have bothered but thank you. Favorite ko sila," nakangiting sabi niya rito. "By the way, on the way na daw dito ang best friend kong si Nyx. She can be a little bit loud. So, kung ayaw mong—"

"Mav! What the hell happened?"

Na-late na ang banta ni Mavis kay Sir Rush. Halos humahangos na pumasok sa kwarto ang best friend niyang si Nyx. Kasunod nito si Vincent na mukhang napilitang bumalik doon. Malamang ay nakita ito ni Nyx sa hallway at niyaya ulit papasok dito. Napailing si Mavis nang makita niyang sinipat ni Nyx ang relo nito pagkuwa'y sumulyap kay Sir Rush. Nagtataka siguro ito kung ano ang ginagawa ng boss niya roon ngayon.

"So, nandito ka nga sa Manila ngayon?" tanong niya sa kaibigan.

"Kadarating ko lang, actually. Galing akong Zambales no'ng tawagan niya ako," sabi ni Nyx sabay turo kay Vincent. Pagkuwa'y binati nito si Sir Rush ng isang simpleng "hello".

"Sir Rush, this is my very beautiful and loud best friend Nyx. Nyx, boss ko," pakilala niya sa mga ito. Agad na naglahad ng kamay si Sir Rush kay Nyx. They shook hands. And I saw Nyx almost sigh dreamily while holding his hand and staring at his eyes.

With Sir Rush's three-piece suit and Nyx's classy outfit, they look good standing together. There was a bitter taste in Mavis' mouth when she saw them held hands. What the fuck is wrong with her?

"We've met before, pero ini-snob mo ako. I believe you're with Shey De Leon then," pagpapaalala dito ni Nyx. Napataas ang isang kilay ni Mavis sa sinabi nito. Natatandaan niyang nabanggit ni Nyx dati na may kasama daw noon si Sir Rush sa isang gala na in-attend-an din nito. Pero hindi niya akalaing si Shey De Leon pala iyon.

Did he go out with her before? Pagkatapos ay pinagsisihan nito ang nangyari kaya ganoon na lang ang pag-ayaw at pagtatago nito sa babae ngayon? Ass.

"I'm not with her, then. I've never been with her. Nagkita lang kami sa event na iyon. She's the daughter of one of our board members," paliwanag nito kay Nyx. Pagkuwa'y bumaling it okay Mavis. "Why are you looking at me like that? I told you that I don't like her. Never will," giit nito sa kanya.

"Wala naman akong sinasabi ah," sabi naman niya rito.

"You're looking at me with accusation in your eyes," giit nito.

"Hindi ah!" tanggi niya rito sabay iling. Nagpabalik-balik ang tingin ni Nyx at ni Vincent sa kanilang dalawa. Pagkuwa'y lumapit sa kanya si Vincent at pinitik ang noo niya.

"Don't stress yourself out. Kaya ka nagkakasakit eh," anito sa kanya.

"Hindi na po," she said to him, mockingly.

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon