Chapter Twelve

12.3K 406 96
                                        

UN-FUCKING-BELIEVABLE! That bastard! inis na inis na hiyaw ng utak ni Mavis pagkabasa ng bagong revise na company policies. Particularly, about the policy prohibiting insubordination. Iyon agad ang bumungad sa kanya pagkapasok niya sa kanyang opisina.

Nadagdag doon na bawal nang maging rude at disrespectful sa supervisor mo. It includes cursing, verbal or physical intimidation, personal insults, eye rolling or mocking, as well as speaking loudly or argumentatively in front of others. Hindi ganoon ka-detailed ang nakalagay sa company policies dati. Pero dahil may nakagawa ng offense na iyon—meaning, siya sa boss niya—ay official na iyong naging detalyado sa listahan ng company policies.

Shit on a stick! I hate my fucking boss bastard. Kailangan na niyang maging maingat ngayon at siguraduhin na masusunod niya ang lahat ng utos ni Boss Bastard. Ikinondisyon niya ang sarili na maging mabait sa harapan nito. Kapag nakalabas na lang siya ng building magra-rant tungkol dito. O kaya'y patago na lang niya itong mumurahin. Kakausapin na lang niya ito kapag kailangan.

Pero shit! Mag-a-apologize ba ako sa kanya? Shit. Bakit kasi pinairal ko ang emosyon ko? This is not me. Bakit kasi nakakainis siya? Bakit hindi ko napigilan ang sarili kong sagutin siya? Mabait naman talaga ako eh. Na-trigger niya lang talaga ako. Shit. Nasabunutan ni Mavis ang sarili dahil sa mga isipin.

Beep. Napatalon sa gulat si Mavis nang tumunog ang intercom niya.

"Where's my coffee, breakfast and crossword, Miss Policarpio?" anang malamig na tinig ni Mr. Dela Vega sa intercom.

Holy shit! Nanlaki ang mga mata ni Mavis dahil 7:15 pa lang ng umaga. Bakit ang aga naman yata nitong pumasok gayong pasado alas-nuwebe ng gabi na sila nakauwi kagabi? Hindi ba ito umuwi? In-expect ni Mavis na hindi siya sinundo ngayon ni Gary dahil sa nangyari kagabi sa kanila ni Mr. Dela Vega. Na baka tinanggal na nito sa kanya ang privilege na magkaroon ng sundo. Pero iyon ba ay dahil hindi ito umuwi?

"Your breakfast is on the way, Mr. Dela Vega. I'll bring your coffee and crossword to you now," pormal na sabi niya rito. Na-follow up na niya iyon sa Silver Palace habang nasa biyahe siya papasok.

Keep calm and act as professional as you could, Mavis, paalala ni Mavis sa sarili habang naglalakad papunta sa opisina ni Mr. Dela Vega. Mabigat ang mga hakbang niya dahil ayaw niya pa itong makita ngayon. Kaya nang makarating siya sa tapat ng pintuan nito ay huminga muna siya malalim at pilit na kinalma ang sarili. Nagpaskil din siya ng matamis na ngiti sa mga labi.

Magbabago na siya ng strategy: kill him with kindness.

"Good morning, Mr. Dela Vega," masiglang bungad niya rito. Damn, he looked immaculate in his grey suit. Lumapit siya dito at inilapag sa mesa nito ang kape at diyaryong may laman ng crossword puzzle nito. "Did you sleep well?"

Napataas ng kilay sa kanya si Mr. Dela Vega. "No, actually. I had nightmares about you. How about you, Miss Policarpio? How's your morning so far?"

I had dreams about killing you, bastard. And my morning would go better if you're not my boss. "It's going good so far," nakangiti pa ring sagot niya rito.

"Good. It's going to get better. We're going to Palawan for a hotel site visit. Para ma-check na rin natin personally ang paborito mong Venturillo land acquisition project," ani Mr. Dela Vega sa kanya.

"Babalik din po tayo within this day?"

"Depends. Kung makukuha nila agad ang lupa, babalik tayo agad. At kung satisfied ako sa hotels doon. Pero kung hindi, baka bukas na. Why?"

"Wala po kasi akong dalang damit at—"

"What did I tell you about excuses, Miss Policarpio?"

Ugh. I really hate this bastard. "Fine."

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon