NANANAGINIP ba ako? tanong ni Mavis sa sarili dahil pagkagising niya ay si Sir Rush agad ang bumungad sa kanya. May dala itong tray ng pagkain at napaka-casual nito ngayon. Dark denim pants at white printed polo ang suot nito ngayon.
"You don't have to do this," sabi ni Mavis kay Sir Rush pagkabangon niya. Medyo masakit ang ulo niya dahil nasobrahan yata siya sa pagtulog. Dahil sa pilit niyang iniignora si Sir Rush sa buong biyahe nila mula Manila hanggang dito sa Canary Islands sa Spain.
Yes, nakasama rin siya sa bakasyon ng mga ito dahil gumamit ng dirty tactic si Sir Rush. Ang lola na mismo nito ang tumawag sa kanya para siguraduhing makakasama siya. Kaya hindi na nakapag-back out si Mavis. Pero mas lalo siyang na-conscious ngayon kung alam ba ng presidente o ng iba pang kapamilya nito na nag-confess ito sa kanya.
Ugh. Ayoko na munang isipin, sabi ni Mavis sa sarili.
"But I want to do this," sabi naman ni Sir Rush sa kanya habang inilalapag ang dalang tray ng pagkain sa unahan niya. Pagkuwa'y umupo ito sa gilid ng kama niya. "I like you like this. You look...homey. My home."
See, this was one of the reasons why she didn't want to come. Rush being...a Casanova all of a sudden. Hindi nate-take ng puso niya ang mga banat nitong ganoon. Kaya kaninang nasa biyahe sila ay hindi siya humihiwalay kina Daena at Roan dahil ang mga ito ang ginagawa niyang buffer kay Sir Rush.
Nag-play dead si Mavis. Bumalik siya sa pagkakahiga at nagtalukbong ng comforter. Then, she heard Sir Rush chuckle. "Go away," pagtataboy niya rito.
"Kumain ka na. The others are preparing a soiree. Walang dress code. You can come as you are," sabi sa kanya ni Sir Rush.
Muling bumangon si Mavis. "Alam ba nila?" careful na tanong niya rito.
Mukhang naintindihan naman agad ni Sir Rush ang tanong niya. "Si Daye lang ang official na nakakaalam. But the others suspect except for the 'rents," anitong ang tinutukoy ay ang parents nina Sir Axe at Sir Tyler. "I won't treat you like this in front of them, don't worry."
Kahit paano'y nakahinga ng maluwag si Mavis dahil sa sinabi nito. "I'd rather you not treat me like this at all," nakasimangot na sabi niya rito. "Seriously, Sir—"
"'Rush'. Call me by my name. Daye calls me by my name," giit na naman nito sa kanya.
"That's because she's your cousin's wife," katwiran niya rito.
"And you will be mine. Better get used to it now," banat na naman nito.
She grunted in frustration. Binato niya ito ng unan saka muling nagtago sa ilalim ng comforter. Tumawa lang si Sir Rush sa kanya. Bumangon siya mula sa kama pero nakatalukbong pa rin siya sa comforter. Hindi niya kayang humarap kay Sir Rush ngayon dahil ang init-init ng mukha niya at hindi makakalma ang puso niya.
"Bakit bigla kang naging ganyan? Balik ka na lang sa cold Rush, please," pakiusap niya rito.
"Bakit? Kinikilig ka na ba?" pabirong tanong nito sa kanya.
"Hindi, gago," mariing tanggi niya rito. Tuluyan na talagang na-drop ang formalities sa kanilang dalawa. Well, her boss crossed the line first. "'Wag ka namang ganyan. Please? Mas gusto kitang cold."
"That's good to hear."
"What?"
"You like me," ani Sir Rush.
"What? Wala akong sinabing gano'n!" mariing tanggi niya rito. Tinanggal niya ang comforter na nakatalukbong sa kanya. Only to find out that her boss' face was just an inch away from hers. Sinadya nito iyon.
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
ChickLitTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...
