Chapter Thirty-Seven

10.1K 336 134
                                    

"SOBRANG miss mo na ba si Rush kaya mukhang haggard na haggard ka ngayon?"

Nairapan ni Mavis ang kaibigang si Nyx dahil sa sinabi nito. Hindi nito alam ang pinagdadaanan niya ngayon. Well, alam niya iyong gist ng sitwasyon pero hindi iyong buong kwento at hindi nito talaga mararamdaman ang nararamdaman ni Mavis ngayon. She's very glad that Nyx visited her though. Mabuti na lang at may project na naman ito sa London kaya nakadalaw ito sa kanya ngayon.

Close si Mavis kay Cyra na roommate niya pero iba pa rin siyempre kapag si Nyx ang kausap niya. Mas kilala siya nito kaysa kay Cyra. At mas komportable siyang mag-open up kay Nyx.

"Hindi. Stressed lang ako sa mga auntie ko. Alam mo ba, ever since na nalaman nilang boyfriend ko si Rush, biglang naging active sila pareho sa Facebook at hindi lumilipas araw na may message sila sa'kin? They've even hunted my e-mail address just to message me kasi naka-mute na sila sa Messenger ko. Ugh, Nyx! Alam mo namang hindi rin mapipigilan ni papa ang mga 'yon," frustrated na kwento ni Mavis sa best friend niya.

"Alam ba ni Rush?" tanong ni Nyx.

"Yes. Pero hindi niya alam ang buong kwento. Ayokong sabihin sa kanya na hina-harrass na ako ng mga auntie kong makipag-break sa kanya. Nakakahiyang sabihin kasi hindi pa naman siya nakikilala ng mga auntie ko pero na-judge na agad siya," aniya rito pagkatapos ay isinubsob niya ang kanyang mukha sa mesang nasa harapan.

"Bakit ba tutol na tutol ang mga auntie mo sa relasyon n'yo ni Rush? I mean, don't get me wrong pero mayaman si Rush. Gwapo pa. Usually, people's initial reaction would urge you to go for him. Ano'ng dahilan at ganyan na lang ang pag-ayaw nila kay Rush?" tanong ni Nyx.

Nag-angat ng tingin si Mavis at umayos ng pagkakaupo. "Actually, kakaalam ko lang nito. Nag-send sa'kin ng super duper habang e-mail si Auntie Jo kagabi. Akala ko napaka-OA lang ng pagiging sensitive nila sa topic na 'to. Pero may grounds pala kung bakit hindi sila tumitigil sa issue na 'to," simula ni Mavis. Pagkuwa'y napahugot siya ng buntong-hininga bago muling nagpatuloy. "Iyong panganay pala niyang anak ay...anak ng dati niyang boss. Natatakot siyang matulad ako sa kanya. She's happily married now and it was a long time ago pero hindi niya makalimutan 'yong sakit at humiliation na naranasan niya noon. Umasa siya, binigay niya ang lahat, 'tapos iniwan din siya no'ng naging boss niya noon. Ayaw daw niyang matulad ako sa kanya."

Siguro'y dahil nga sa kahihiyan noon na "na-anakan" lang ito ng dati nitong boss kaya hindi pinagkukwento ng Auntie Jo ni Mavis ang nangyari dito noon. Kaya ngayon lang niya nalaman ang tungkol doon.

"Oh, may pinaghuhugutan naman pala. Bakit hindi mo na lang muna ipakilala sa kanila si Rush?" ani Nyx.

"Gusto ko nga pero paano, eh wala naman ako do'n? Ayokong magpakilala sa kanila si Rush ng wala ako do'n," paliwanag niya rito.

"Ano'ng plano mo ngayon?"

"To ignore them. Nakapagpaliwanag naman na ako noon. It's not like, matutulad ang relasyon namin ni Rush sa naging relasyon ng auntie ko sa boss niya noon, right? Pagbalik ko na lang ako magpapaliwanag sa kanila. By that time, sabay na kami ni Rush na haharap sa kanila," determinadong sabi ni Mavis sa kaibigan.

"Naks! Diretsong pamanhikan na agad?" pabirong sabi ni Nyx. Pagkuwa'y hinawakan nito ang kanang kamay niya at sinipat ang "fake" ring na binigay sa kanya ni Rush. It's a ring with a sapphire stone surrounded by little diamonds in gold band. "So, fake ba talaga 'to? Alam kong mamahalin siya pero mukhang vintage 'to ha."

"I honestly don't know kung saan niya 'to nakuha. And tinawag ko lang siyang 'fake' kasi bunga lang 'to ng possessive tendencies ni Rush. Ayaw lang niyang may nagkaka-interest sa'kin kaya niya ako binigyan ng singsing. It's just to ward off any potential rival. As if, may tatalo pa sa kanya, 'no?" nangingiting sabi ni Mavis kay Nyx.

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon