Chapter Fourteen

13.5K 526 286
                                        

"ALIN ANG gusto mong dalhin, Rush? Balloons, cake, yong gift or flowers?" tanong ni Sir Axe kay Mr. Dela Vega.

Pigil ni Mavis ang matawa nang makitang nagsalubong na naman ang magkabilang kilay ni Mr. Dela Vega. Kasama nila sa elevator sina Miss Daena at Mr. Castillo. Pababa sila sa Accounting Department dahil may nagse-celebrate ng birthday doon na empleyado ngayon. At bilang parte ng Project Smile ay trabaho ni Mr. Dela Vega na personal na bumati sa may birthday. This will be done to make the employees feel special and to also motivate them.

"Whatever," sabi ni Mr. Dela Vega.

"Rush, kung gusto mong tumaas ang satisfaction ratings ng mga empleyado sa management, I highly suggest na pagtuunan mo 'to ng pansin. I totally agree with Miss Policarpio on this," sabi naman ni Mr. Castillo.

Napangiwi si Mavis sa sinabi nito. Lalo na't nabanggit na naman ang pangalan niya. Dahil alam niyang sa kanya na naman babaling ang sama ng tingin ni Mr. Dela Vega.

"You know what, hindi ko alam kung bakit kailangan pa nating gawin 'to. We'll give them the Fun Fridays and those Fish activities or whatever. Hindi naman sila nagpunta dito para sumaya kundi para magtrabaho. So I don't understand why we still need to do this or why the hell aren't they satisfied on their salaries yet!" naiinis na sabi ni Mr. Dela Vega pero diretso itong nakatingin kay Mavis. Siya naman ay nag-iwas ng tingin dito at kinuha ang ilang piraso ng balloons kay Sir Axe.

"Come on, Rush. It's like going the extra mile for them. Naalala mong turo ni Lola sa'tin na gawin magbigay lagi ng care sa mga empleyado. To make them stay and be loyal to the company and also to us. Although, kami lang yata ni Tyler ang nakaintindi no'n. Look at Albert. Hanggang ngayon ay loyal pa rin siya kay lola. Si Mr. Valencia na head ng accounting department. Dito na sila tumanda. Why? Because lola knew how to take care of them. She treats them like a family. You should too," pangangaral ni Sir Axe kay Mr. Dela Vega.

Natahimik silang lahat habang naghihintay ng reaction mula kay Mr. Dela Vega. Pero muli ay tumingin ito sa kanya. Nagtama ang kanilang paningin. Kunot-noo itong nakatingin sa kanya at hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Pero isang matamis na ngiti ang ibinigay niya dito. Kill him with kindness.

"Flowers na lang po ang dalhin mo, Mr. Dela Vega," nakangiting suhestyon niya rito. Saka niya agad na kinuha ang bouquet ng assorted flowers kay Sir Axe at iniabot iyon kay Mr. Dela Vega.

He held her stare while gripping the flowers on hand tightly. Hindi napigilang lumapit dito ni Mavis para pakalmahin ito. Baka kasi ganito ang maging hitsura nito kapag kaharap na ang birthday celebrant. Hindi magiging successful ang project na siya pa naman mismo ang nag-suggest.

"Please smile," bulong niya rito. May konting pagmamakaawa na sa boses ni Mavis. "Hindi ko naman po 'to inisip on a whim lang. Halos lahat naman ng companies ginagawa 'to. Besides, hindi naman natin 'to gagawin kung 'di ka nag-agree—"

"Nag-agree ako dito dahil hindi n'yo nilinaw na kasali pala dapat ako," mariing bulong sa kanya ni Mr. Dela Vega. His hot stare burned her face. His hot breath on the side of her face, neck and ears are doing something different on her. Something she couldn't put a name on to yet.

"Okay, Mr. Dela Vega. Pero nandito na tayo. Might as well go on with it, don't you think so?" aniya rito. Pakiramdam ni Mavis ay parang nagpapaamo siya ng bata. Malaking batang nagmamaktol. Ugh!

Masama pa rin ang tingin nito sa kanya. Na para bang sinasabi nitong "you'll pay for this". Pero panay lang ang ngiti ni Mavis dito. Nang makarating sila sa floor ng accounting department ay hindi niya tinigilan si Mr. Dela Vega. Pinigil pa niya ito sa paglalakad at pinilit muna itong ngumiti. Kahit plastik pa iyon noong una.

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon