"GOOD MORNING, Miss Policarpio."
Nagpabalik-balik ang tingin ni Mavis sa itim na Benz at driver na nasa harap ng apartment nila ngayon. Ang alam niya'y Gary ang pangalan nito—ang driver ni Mr. Dela Vega. Kinakabahan tuloy siya kung bakit ito nandito ngayon.
"Pinapasundo ka po ni Sir Rush. Ready ka na bang umalis? Susunduin pa kasi natin siya sa bahay nila," paliwanag ni Gary. Ni-note niya ang pag-address nito kay Mr. Dela Vega. Ito pa lang ang pangatlong araw niya—minus the weekend—bilang executive assistant ni Mr. Dela Vega pero alam niyang may iba't iba itong level of contact sa mga empleyado nito.
Sina Miss Chua at Mr. Castillo maliban sa board of directos lang ang may first name basis dito. Ang mahahaba ang tenure sa kompanya at mga empleyadong palaging awardee ng "employee of the month" ang maaaring tumawag dito ng "Sir Rush". At ang mga bagong katulad ni Mavis na wala pang napapatunayan ay pormal na "Mr. Dela Vega" ang dapat itawag dito.
"Good morning po. Bakit daw niya ako pinapasundo?" curious na tanong niya habang pasakay sa passenger seat ng kotse katabi ni Gary.
"Hindi mo po alam? Araw-araw ka nang pinapasundo ni Sir Rush simula ngayon. Sabay na kayong papasok lagi. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta sa pitong taon kong pagiging driver niya ay first time lang itong nangyari," kwento ni Gary.
Nagtaka si Mavis doon. Wala namang nabanggit sa kanya si Mr. Dela Vega tungkol sa ganitong arrangement nang huli silang magkausap. In fact, tahimik siya buong weekend. Hindi na siya kinontak pa ni Mr. Dela Vega maliban sa "signature slip-off" na nangyari dati. Pero dahil hindi siya mauuna kay Mr. Dela Vega sa opisina ay ni-review na lang ni Mavis ang shortlist nito habang papunta sa bahay nito.
If Mavis will be given the chance, baka ngayon niya makilala si Mrs. Victoria Dela Vega—ang president at owner ng Dela Vega Corporation—dahil alam niyang magkasama sa iisang bahay ang maglo-lola. Pero pagdating nila sa Dela Vega mansion ay naghihintay na sa may porch si Mr. Dela Vega at sumakay agad ito sa kotse bago pa man siya makalabas para batiin ito.
"Bakit d'yan ka nakaupo, Miss Policarpio? Paano tayo makakapag-usap ng maayos kung nand'yan ka?" kunot-noong tanong sa kanya ni Mr. Dela Vega.
Kay aga-aga, masungit agad siya o, sa loob-loob ni Mavis. Kaya lumabas ng sasakyan si Mavis para lumipat sa tabi nito sa backseat. Agad niyang binigay ang shortlist nito at br-in-ief ito sa magiging meeting nito ngayong araw. It'll be another tough day for them. Ngayon kasi ang board meeting kung saan ipe-present ni Mr. Dela Vega ang monthly business review.
"Gary, daan muna tayo sa Cafétal para bumili ng coffee ni Mr. Dela Vega please," nakangiting sabi niya sa driver.
"Dalawa na ang order-in mong kape," sabi ni Mr. Dela Vega.
"Okay. Ano'ng flavor no'ng isa?" tanong niya rito. Curious siya kung para kanino ang isa pang kape.
"Ano bang gusto mo?" balik-tanong nito sa kanya.
"H-ha?"
"It's your coffee. So hindi ko alam kung anong preference mo," kibit-balikat na sagot nito. "Also, i-follow up mo sa Silver Palace 'yong breakfast natin."
"H-ha?" Is he for real? O binibiro lang niya ako?
Hello? Sa sobrang seryoso niya, baka ma-stroke pa siya kapag nagbiro siya, sabi naman ng isang bahagi ng isipan ni Mavis.
"Do I need to fucking repeat everything I say to you right now, Miss Policarpio?"
"No, Mr. Dela Vega."
What.The. Fuck?
TODAY IS too good to be true, sa isip-isip ni Mavis. Pagkatapos niyang masigurong kompleto na ang morning ritual ni Mr. Dela Vega ay pinalakad siya nito para sa kanyang medical exam. At naging personal service niya si Gary na driver nito. Mabilis ang naging paglalakad niya ng kanyang medical exam dahil naging priority siya sa affiliated clinic ng Dela Vega Corporation. Hindi rin naman na-guilty si Mavis dahil walang gaanong tao sa clinic.
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
ChickLitTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...
