Special Chapter #2

11.6K 450 59
                                    

NEVER EVER get drunk again, Mavis, sabi ni Mavis sa sarili nang magising siya kinabukasan na masakit ang ulo. Sa gitna ng sakit ng ulo ay pilit niyang hinanap ang cell phone niya para tingnan ang oras. Hindi kasi siya nagising sa alarm. Nagising siya dahil pakiramdam niya'y may gumising sa kanya kanina.

Five-seventeen AM na! Holy shit! Babalik nga pala kami sa Manila ng six AM, pag-alala ni Mavis.

"Oh, good. You're awake. Get ready."

What. The. Fuck?! Anong ginagawa ni Sir Rush sa kwarto ni Mavis? Correction: a half-naked Ruther Shane Dela Vega. Mukhang kagagaling lang nito sa shower. And damn, his body was made for sin. No fats, just all muscles. And he's confident enough to flaunt it in front of Mavis. Why wouldn't he be? He has a glorious V and lickable abs. Gosh, he's so drool-worthy!

"Hey, my eyes are up here," untag sa kanya ni Sir Rush. Nakaka-distract kasi ang katawan nito kaya doon unang napunta ang tingin niya. Shit! Nag-init ang buong katawan niya.

Tiningnan ni Mavis ang sarili sa ilalim ng kumot. Suot pa niya ang tank top at boy shorts na ipinang-ilalim niya sa pantsuit na suot niya kagabi. Tiningnan niya ang paligid ng kwarto. Wala sa bedside table ang vase ng white lilies na nadatnan ni Mavis sa kanyang kwarto kahapon. Hindi iyon ang kwarto niya kundi kay Sir Rush! Paano siya napunta sa kwarto nito?

"This happened after you had three rounds of tequila sunrise. You insisted on sleeping here last night. Pinipilit mong ito ang kwarto mo kaya sa kwarto mo ako natulog kagabi," sagot ni Sir Rush sa mga tanong sa isipan ni Mavis.

Oh, shit. Kill me now! Napa-facepalm si Mavis dahil sa mga sinabi ng boss niya. Paano pa siya makakaharap ng maayos dito? Work hard, sagot ng matinong bahagi ng isipan ni Mavis.

She jumped out of bed and gathered her clothes. "I'm so sorry for this, Sir. I was careless again. You have every right to call me—"

"Get ready, Miss Policarpio. We still have a flight to catch. Bumawi ka na lang mamaya sa'kin. I'll do a quick check with the hotel staff while you're getting ready," sabi nito saka itinuro kay Mavis ang damit niyang ipinahanda nito kay Jenna.

Nagkakalat ka, Mavis. Nakakahiya. After mong makipag-deal sa boss mo, maglalasing ka? kastigo niya sa sarili.

Masarap 'yong tequila sunrise. Kaunti lang din ang alcohol content no'n. Besides, natandaan kong uminom din ng scotch si Sir Rush kagabi kaya akala ko okay lang uminom, katwiran naman niya sa sarili.

Pero nakalimutan mong mababa ang alcohol tolerance level mo.

"Ahh, fuck."

Binilisan ng kilos ni Mavis sa pag-aayos sa sarili. Kinuha niya ang kanyang mga gamit sa kwarto niya at saka nagmadaling pumunta sa baba ng hotel kung nasaan si Sir Rush. C-in-onfirm niya ang flight details nila at nang mag-alas-sais y media ay nasa ere na sila pabalik ng Maynila.

Habang nasa biyahe ay pinag-usapan nila ni Sir Rush ang magiging schedule nila ngayong araw. Pero inaalala din ni Mavis kung may nagawa ba siyang kahiya-hiya nang nagdaang gabi.

Meron! Oh my, god! Meron!

Last night...

"Ang bango mo, Sir Rush. At ikaw ang pinakagwapong lalaking nakita ko sa buong buhay ko. That's saying something kasi pulos gwapo ang pinapakilalang model sa'kin ng best friend ko," sabi ni Mavis kay Sir Rush. Hawak siya nito sa baywang para alalayan siya sa paglalakad.

"Considering He-Who-Must-Not-Be-Named, I know," confident na sagot nito.

"Oh my, God," mahinang usal niya.

"Bakit?"

"Hindi na ako iinom ng kahit anong alak next time."

"Why not? You're funny when you're drunk," nakangising saad Sir Rush.

Shit! "Pwede bang kalimutan na lang natin ang lahat ng nangyari kagabi?"

"I don't think so."

Ugh!

---

Fan-service ni Rush ang chapter na 'to! Hahahaha!

From Mavis, With HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon