"WHERE are you going?" naalarmang tanong agad ni Rush kay Mavis nang bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan niya sa tapat nito.
Kasalukuyan silang nasa isang maliit na café sa Tenerife para magpahinga. Nag-stroll at biking kasi sila kanina kaya napagod sila at naghanap ng makakainan. Hindi sila sumama sa boating adventure ng iba dahil wala daw si mood si Rush na ma-stuck sa gitna ng dagat para mag-abang kay Sir Axe na makahuli ng isda. Na minsan lang daw mangyari.
"Tatabi sa'yo. Kalma," kaswal na sabi niya rito. Pero muntikan na niyang maiikot ang kanyang mga mata dito. Lilipat si Mavis sa tabi ni Rush dahil naiilang siya sa mga titig nito kapag sa tapat siya nakaupo. Parang, she chose the lesser evil of the two.
Rush's face glowed. Hindi pa rin sanay si Mavis na makita itong ngumingiti. But everytime he does, it's doing something crazy to her heart.
Hindi alam ni Mavis kung ano talaga ang ginagawa niya. Alam niyang hindi ito ang dapat. Na hindi ito tama. Pero ang lakas ang pull ni Rush sa kanya. Na para bang kahit tumanggi siya at lumayo dito ay hahanap pa rin siya—o ito—nang paraan para maging malapit ulit sila sa isa't isa. At nakakapagod labanan kung ano talaga ang gusto...niya. Nothing's for sure. But she's just going with the flow.
"I received news nga pala na pwede na tayong mag-launch officially ng Sapphire Blue Ocean Hotel next month. Ayos na ang hiring process. Permit to operate na lang ang kai—"
"You're beautiful, Mavis."
Natigilan si Mavis dahil sa sinabi ni Rush. Pero pinili niyang ignorahin ito. Kahit ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha niya. "'Ayon nga. Permit to operate na lang ang kailangan—"
"I like you."
Ignore him. "Nakausap ko na rin si Daye for my transfer. Kailangan na lang namin ng approval mo. I also sent out the hiring ad to the PR team. Currently hiring na tayo for your next EA."
"Mavis, I like you."
Fuck this flirt. "I like you too," ganti niya rito. Ito naman ang natigilan ngayon. Mavis smirked at him. Akala nito ay ito lang ang marunong mang-asar ng ganoon? "Joke."
"I don't think so."
"What?"
"Hindi 'yon mukhang joke," sabi ni Rush.
"Eh 'di ikaw na si Mr. Confident," pairap na sabi niya rito.
"You didn't deny it," giit ni Rush. Pagkuwa'y umakbay ito sa kanya at hinapit siya palapit sa katawan nito. "Stop fighting the feeling, Mavis," bulong pa ni Rush sa kanya.
Shit! The warmth radiating from his body was doing something crazy to her. She couldn't think straight. This isn't the lesser of the two evils. This is much, much worse.
Tumikhim si Mavis ng malakas. Sabay tayo. Muli siyang lumipat sa tapat ni Rush. Parang mas okay pa pala na kaharap niya ito kaysa katabi. Mabuti na lang at dumating ang tiramisu bowl na order nila. Ang tiramisu bowl na kailangan nilang i-share.
"Ano pala 'yong pinagpapaalam sa'yo ni Law kanina?" pag-iiba ni Mavis ng usapan. Tinikman na rin niya ang tiramisu. And it was pure heaven!
Lumamlam ang mga mata ni Rush dahil sa tanong niya. He breathed a heavy sigh. "Gustong bumukod ni Law. Gusto na daw niyang maging independent. Pero alam ko namang gusto niyang gawin 'yon dahil baka gusto na niyang sumama sa mother niya. Hindi ko siya pinapayagan because I don't want to hurt lola. And I know that she will be hurt by this. Baka isipin na lola na hindi sapat ang motherly love na ibinibigay niya kay Law at kailangan pa niyang hanapin ang inang umabandona sa kanya."
BINABASA MO ANG
From Mavis, With Hate
ChickLitTo: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na ang pagpapalapit lagi sa'kin dahil ayoko sa'yo. I'd willingly do anything you say if you ask me nicel...
