CHAPTER 13

6.8K 176 4
                                    

"Where are you going?" Venom asked Sharalyn when he saw her in the living room.




"Pupunta lang ako sa grocery then sa condo unit ni Divine" sagot nito.





"Nang ganito kaaga?"





"Hmm..." She hummed. "May usapan kasi kami ni Divine ngayon. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa 'yo."





"Okay."





Inaayos niya ang pagkakabutones ng suot niyang polo ng muli itong magsalita.



"Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin na kay Divine muna ako matutulog hanggang sa maikasal tayo bukas" aniya.



He frowned on what he heard. "For what?"



"Uhm. Sabi kasi nila, hindi dapat magkita ang dalawang ikakasal hanggat hindi pa kasal. Masama daw kasi 'yon" dahilan nito.




"Kasabihan lang ang mga 'yon."





"I know" then she smile. "Wala naman sigurong mawawala kung susunod tayo, 'di ba?"





He sighed. "Bahala ka."



Ngumiti nalang ito at kinuha ang shoulder bag nito. "Mauna na 'ko sa 'yo" aniya.




"Hintayin mo na 'ko. Ihahatid na kita."




Napatigil ito sa tangkang paglakad at napatingin sa kanya na nagsusuot na ng coat.



"Tara na" anyaya niya at nauna nang lumabas.



She open the gate and lock it. When she lock it, she storm in inside the car. He started driving his car and the whole car filled with silence. No one wants to speak.



"Shara..."




"Venom..."




Napatingin sila sa isa't'isa nang sabay nilang tawagin ang isa't isa.




"You go first" he said then focus his attention on the road.




"Uhm. Salamat sa paghatid sa 'kin" aniya.




"No worries" he said.




"Ano nga palang sasabihin mo?" Agad na tanong nito sa kanya.




"Just want to remind you about our wedding day. Don't be late on our day, Shara" he said that made her stiffened.




"O-oo naman. Hindi ako malelate."




"Good. Don't let anyone near you either talk to you while we’re away, understand?"




"O-okay" naguguluhang sagot nito.




Wala na ulit nagsalita sa pagitan nila hanggang sa makarating sila sa grocery store. Lumabas na ito sa sasakyan pero bago pa man ito makaalis ay tinawag niya ito.



"B-bakit?" Nauutal na tanong nito habang nakasilip sa bukas na bintana ng sasakyan niya.




"Don't forget what I said earlier" he said with a serious voice.




"O-oo" ani Sharalyn at saka niya pinausad ang sasakyan.




"Anong meron sa lalaking 'yon?" Tanong ni Sharalyn sa sarili.



LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon