Nasa condo unit si Sharalyn at nakatulala lang siya habang naaalala ang nangyari kagabi. Hindi niya akalaing siya ang mag-i-initiate sa kanilang dalawa. Siguro dahil na rin sa alak na nainom niya.
Mas nauna siyang nagising kay Venom kaya agad siyang nagbihis at pinuntahan ang isang kwarto sa second floor. Nakita niya roon ang kambal na mahimbing na natutulog. Gusto man niyang gisingin ang mga ito at itakas pero hindi niya magawa, dahil hindi niya kayang ibigay kung ano ang kayang ibigay nito.
Tanging pagmamahal lang ang kaya niyang ibigay sa mga ito. Baka nga nakalimutan na siya ng mga ito dahil may bago na itong kilalang ina.
Napabuntong-hininga nalang siya at ibinagsak ang sarili sa kama. "How can I live without my twins?" Wala sa sariling naitanong niya.
Napalingon siya sa cellphone niya nang tumunog iyon at nagulat ng makitang si Erin ang tumatawag. "Yes po, Mommy Erin?" May pag-aalinlangang tanong niya rito.
"Are you okay? Sophie told me that you committed suicide. Tell me, pinagbabawalan ka ba ni Venom na makita ang kambal?"
"No, Mommy Erin" she said.
"I'm so worried. I was in Germany that time and when I got home, which is today, Sophie told me that you committed suicide" Erin said worriedly.
"I'm so sorry, Mommy Erin, kung pinag-alala kita" malungkot na sambit niya at nayuko pa na parang kaharap niya lang ito.
"Don't do that again next time, okay? Promise me."
Tumango-tango siya na parang nasa harapan niya lang ito. "Yes po. I promise."
"Good. Let's have lunch together. Our driver will pick you up in front of the condominium you were staying."
Napakunot noo siya dahil sa huli nitong sinabi. "Mommy Erin, how did you know that I'm staying in a condominium?" Takang tanong niya rito at narinig niya itong tumawa.
"Of course, I need to know what you are doing and where are you staying. You will be a real Forbes soon" Erin said with excitement in her voice.
Nalungkot siya ng marinig na ineexpect nitong magiging isa siyang Forbes.
"I'll hang up now. Let's do shopping also. Bye."
Bago pa man siya makapagpaalam ay pinatay na nito ang tawag. Napasimangot pa siya dahil sa ineexpect nitong magiging Forbes siya. Imposibleng mangyari 'yon, siguro isa sa mga Sotto ang magiging Forbes at hindi ako 'yon, kung 'di si Ate Bree. Anang isang bahagi ng isip niya.
Nagbuntong hininga siya at patungo na sana sa banyo ng bigla na namang tumunog ang cellphone niya. Her best friend is calling her.
Sinagot niya kaagad ang tawag nito pagkakilala niya palang sa caller ID. "Hey, what's up?" Pambungad niya rito.
"Fine. You?"
Magsasalita pa lang sana siya ng bigla itong magsalita sa galit na boses. "I told you to text me when you're already in your condo unit but I received nothing."
BINABASA MO ANG
LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)
Romance[LE FAVORI DESIRE SERIES 1] Warning🚨🚨🚨 SPG | R-18 | Matured Content > A Story of Venom and Sharalyn He's cruel while she's martyr. All Rights Reserved @2019 ***** Cover by @Animoons DATE STARTED: June 15, 2019 DATE ENDED: August 11, 2019