CHAPTER 46

7.7K 167 8
                                    

Dalawang linggo nang nag-i-stay si Sharalyn sa ospital. At sa loob ng dalawang linggo na iyon ay walang araw na hindi siya binantayan ni Venom. Maliban ngayon, dahil may inaasikaso nito sa kumpanya.





"Maayos na ba talaga ang lagay mo, apo?"






Napalingon siya kay Tess na naghihiwa ng mansanas. "Okay na okay na po talaga ako, Nay. Gustung-gusto ko nang umuwi para makasama ko na ang kambal."







Sa dalawang linggo na iyon ay hindi pinayagan ni Venom na bumisita ang kambal. Hindi dahil sa ayaw nitong makita niya ang kambal kung 'di baka sa posibilidad na mahawa ng sakit galing sa ospital.







"Ang dalawang iyon sobrang kulit" nakangiting sambit ni Tess at ibinigay sa kanya ang isang hiwa ng mansanas. "Lalo na si Sainy, napakabibong bata. Samantalang seryoso naman si Shane parang ama niya."





Napangiti siya dahil sa paglalarawan nito kay Shane. Shane is like a small version of Venom.




"Mahal mo talaga ang binatang iyon apo, ano?"





Nakangiti siyang tumango kay Tess. I do really love that jerk. She thought.




"Matagal ko ng kilala si Venom, apo. Talagang lahat ng katulong ay umaalis dahil sa masama daw ang ugali nito, kaya nang magpatayo ito ng sariling bahay hindi ito nag-hire ng kasambahay dahil alam nito kung ano ang sinasabi ng mga ito kapag nakatalikod siya. Pero nakita ko ang pagbabago ni Venom ng dumating ka. Hindi ito nagpapasabay ng pagkain kasama ang mga katulong hindi tulad nu'ng nasa palawan tayo, hindi rin nito binibigyan ng halaga ang mga katulong pero ngayon, meron na" mahabang litanya ni Tess habang nakangiti.





Nagtaka siya sa huling sinabi nito. "You mean, may mga kasambahay na si Venom sa bahay?"





Nakangiting tumango ito at muli siyang inabutan ng hiwang mansanas. "Nag-hire na siya ng mga kasambahay mula nang makita ka niya ulit, mula ng makita niya ang kambal. Mas dinagdagan pa nito ang kasambahay sa bahay dahil buntis ka at ayaw nitong mapahamak ka."




"Paano niyo po nalaman?" Takang tanong niya rito. Ngumiti naman ito at hinawakan ang kamay niya.







"Kinausap niya 'ko ilang araw na ang nakakalipas, hindi bilang kasambahay kung 'di bilang lola mo. Alam na niya na ikaw ang nawawala kong apo, at nagsorry siya sa 'kin sa nangyari noon sa palawan. Humingi din siya sa 'kin ng basbas kung sakaling magpopropose siya sa 'yo" ani Tess habang nakangiti at marahang hinaplos ang ulo niya. "Salamat apo at dumating ka sa buhay niya. Parang apo ko na rin ang batang iyon."

Ginantihan rin niya ito ng ngiti at hinawakan rin ang kamay nito. "Salamat, Nanay Tess, at hindi rin kayo nawala sa buhay ko."






Nakangiti niya itong niyakap at napahiwalay din ng pumasok ang naka-office attire pang si Venom.





"Tapos ka na kaagad?" Gulat na tanong niya rito habang niluluwagan nito ang kurbata nito.






"Yes. Ngayon ka na kasi lalabas. Good morning, lola" sambit nito bago hinalikan sa noo si Tess bago siya.





Napaka-sweet na nga nito. The power of child nga naman, kayang pagbaguhin ang isang tao sa pamamagitan ng anak. Anang isang bahagi ng isip niya.





"Is it true? Ngayon na ang release ko?"







Tumango naman ito sabay bukas ng pinto at iniluwa doon si Quiro. Hindi niya ito matawag na Doc. Quiro dahil hindi siya sanay, mas prefer niya pa rin ang Quiro lang.





LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon