CHAPTER 32

7.1K 160 6
                                    

Everything went well and no one interfere Sharalyn's life in Singapore. She live peacefully. Without stress and problems in her pregnancy.








Nasa sala ngayon sila Sharalyn at Dirk habang nanonood ng TV. Ang isang braso ni Dirk ay nakaakbay sa kanya.






Hindi niya alam kung magkarelasyon na ba silang dalawa ni Dirk dahil para silang nagbibigay motibo sa isa't isa. Hindi naman ito mahirap mahalin ulit pero siguro hindi na tulad ng dati na buong-buo.







Akala niya ay sasama na ito pauwi ng Pilipinas pero nagkamali siya dahil mas pinili nitong manatili sa tabi niya. Walang araw na hindi ito pumupunta sa bahay ni Divine na tinutuluyan niya, minsan ay dito na rin ito natutulog pero magkaibang kwarto.







Pinayagan naman ito ni Divine dahil nakikita naman daw nito na sincere itong bumawi sa kanya. Minsan nakakailang ito kasi sobrang sweet nito sa kanya na tipong kulang nalang magsaboy ng asukal sa paligid nila.








Dirk really did change after that silly mistakes.









"Hey! Are you okay?"







Napatingin siya kay Dirk na may pag-aalala ang mukha. Tumango lang siya at tinignan ito sa mata, halata sa mga mata nito ang pag-aalala.







Ngumiti  ito at niyakap siya, naramdaman rin niya ang paghalik nito sa ulo niya. "Sabihin mo sa 'kin kapag may hindi ka magandang nararamdaman, ha?"






Nakangiting tumango siya at niyakap rin ito ng mahigpit. Magsasalita na sana siya nang bigla nalang kumirot ang t'yan niya. Napahawak siya bigla sa t'yan niya ng mas humilab iyon hanggang sa sobra na ang sakit.







Napasigaw na siya ng lalong sumakit ang t'yan niya sabay ng pag-agos ng tubig sa hita niya. "Dam, m-manganganak na 'ko... Aahhh!" aniya habang nakahawak sa t'yan niya.







Dali-dali naman itong nagpunta sa kwarto niya at kinuha ang nakahanda ng bag. Pagdating nito sa sala ay dala na nito ang gamit pambata kaya't binuhat na siya nito at marahang inilagay sa kotse.





"Hold on, Sha" he said then touch her baby bump. "Mga babies 'wag niyong pahirapan si Mommy" anito.





Inistart na nito ang sasakyan at dali-dali iyong pinausad. Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng ospital ay dali-dali siyang binuhat nito para maihiga sa hospital bed. Dali-dali siyang dinala sa delivery room ng mga nurse pero bago pa man siya maipasok ay hinawakan muna niya ng mahigpit ang kamay ni Dirk.





"I-I want him to go inside too" nahihirapang turan niya.






"I'm sorry, Ma'am, but---"






"Please, I want him inside" she plead and the nurses didn't argue with that. Hinayaan nalang ng mga ito na makapasok si Dirk sa loob.






The woman doctor who will assist her is a Filipina and she's comfortable with that. "Pagkasabi ko ng three ay push, Mommy."






Tumango siya kahit hirap na siya, nakakapit rin ang isang kamay niya sa kamay ni Dirk para may pang-suporta.






"Okay ready misis..." The woman doctor said. "One... Two... Three... Push!"







"Hmppp!" Iri ni Sharalyn. "Ha.... Ha.... Ha..." Tumulo ang isang butil ng luha sa mata niya dahil sa sakit na nararamdaman niya.






LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon