Bahagyang napamulat ng mata si Sharalyn nang maramdam niya ang malambot na kama. Kahit papa'no ay nawala ang lasing niya dahil na rin siguro sa pinainom ni Venom sa kanya kanina.
Pasimple niyang nilibot ng tingin ang buong kwarto kahit nakahiga pa siya at napagtanto nita na nasa kwarto siya ng bahay ni Venom. Dito niya ko inuwi imbis na sa bahay ni Div? Mamaya makita ko pa si Ate Bree dito. Anang isang bahagi ng isip niya.
Naramdaman niyang inalis ni Venom ang sapatos niya at naramdaman ang bahagyang paglundo ng kama kaya muli niyang pinikit ang mata niya.
"Why did you do that? When I saw you doing sexy moves against that guy, I'm mad. You already have twins" Venom said while looking at her face.
Nagkunwari pa rin siyang tulog at hinintay ang susunod nitong gagawin. Napamulat siya at nanlaki ang mga mata nang maramdaman ang labi nito sa labi niya. He's kissing her passionately like he miss her.
Nang tangkang hihiwalay na ito ay pinalibot niya ang mga braso niya sa batok nito at itinuloy ang halik nito. Gumanti naman ito ng halik pero kalaunan ay parang nagising ito at pilit na inaalis ang pagkakalapat ng mga labi nila.
Pagkahiwalay ng labi nila ay agad niya itong hinila pahiga sa kama at umupo sa t'yan nito. Ngumisi muna siya bago halikan muli ang labi nito pero bago niya pa man malapat ang labi niya sa labi nito ay pinigilan na siya nito sa dalawang balikat niya.
Nagtataka siyang napatingin dito at nakikita niya sa mata nito ang disgusto. Ayaw na ba nito sa 'kin? Tanging tanong niya sa sarili niya.
"Stop. This is wrong" ani Venom.
Tila nanlamig siya sa sinabi nito. It hurts. Siguro nga may iba na ito.
Dahil sa pagkapahiya sa ginawa niya ay siya na mismo ang kusang umalis sa t'yan nito. Narinig niya pa ang pag-upo nito sa kama. Inayos niya ang damit niya dahil umangat ang laylayan n'yon. Pinunasan nita rin ang luha na tumulo sa pisngi niya at sinuot ang heels na tinanggal nito kanina.
"Sorry. Uuwi na ko" sambit niya nang tuluyan niya ng nasuot ang sapatos at kinuha ang shoulder bag nita na nakalagay sa bedside table.
"Uuwi ka ng ganitong oras? Delikado na sa labas" anito.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito at nagtuluy-tuloy lang palabas, pero bago niya pa man mahawakan ang seradura ng pinto ay hinila na siya nito paharap rito.
"Hindi ka ba nakikinig? Sinabi ko ng delikado sa labas. It's too dangerous for you to go outside while wearing a freaking dress like that" he said through gritted teeth.
Hindi niya ininda ang madilim nitong mukha at pilit tinanggal ang pagkakahawak nito.
"I can protect myself" aniya at tumalikod rito pero hindi niya pa man ulit nahahawakan ang seradura ng pinto ay muli na naman siya nitong hinila.
BINABASA MO ANG
LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)
Romance[LE FAVORI DESIRE SERIES 1] Warning🚨🚨🚨 SPG | R-18 | Matured Content > A Story of Venom and Sharalyn He's cruel while she's martyr. All Rights Reserved @2019 ***** Cover by @Animoons DATE STARTED: June 15, 2019 DATE ENDED: August 11, 2019