CHAPTER 25

6.8K 145 1
                                    

Patingin-tingin si Sharalyn kay Venom na kasalukuyang nakaupo habang may binabasa na kung ano sa iPad nito.






"May gusto ka bang sabihin?" Biglang tanong nito sa kanya dahil malamang na kanina pa nito napapansin ang panaka-nakang pagtingin niya rito.

She gulped and get the coffee she made for him. Nilapag niya ang kape sa harap nito at naupo sa isang upuan.






"Spill it" he said while looking at his iPad.





"Uhm. H-hindi naman mahalaga ang itatanong ko" aniya dahil hindi niya alam kung saan ba siya mag-uumpisa.






He sighed then put down his iPad. Pinatong nito ang dalawang braso sa lamesa at tumingin sa kanya. "Hindi ka magkakagan'yan kung hindi mahalaga ang sasabihin mo, kaya sabihin mo na sa 'kin" litanya nito.






Napalunok ulit siya habang magkasaklop ang mga palad nitong nakapatong sa lamesa. "Ahm.... Ano... Curious lang naman ako" aniya at nahihiyang tumingin kay Venom.






He show his smile until it disappear because of what she said. "May balak ka bang magkaanak?"






Napalunok ulit siya nang mawala ang ngiti nito. Kaagad siyang nakaramdam ng kaba.






"Bakit? Buntis ka ba?" Seryosong tanong nito.






"H-huh?" Nauutal na tanong niya habang nanlalamig ang mga kamay niya sa kaba.





"Buntis ka ba?" Pagtatanong ulit nito at hindi naman siya nakasagot.





Nanatiling tikom ang bibig niya habang nakatingin kay Venom na sinasalubong din ang tingin niya.







"Imposibeng mabuntis ka, Shara. Alam mong walang nangyari sa 'ting dalawa" anito.






"A-ah! O-oo naman. Naitanong ko lang" kanda utal na sabi niya at umiwas ng tingin.






"Pero para masagot ang katanungan mo..." Napatingin ulit siya kay Venom. "Oo. Gusto kong magkaanak" unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya at handa nang umamin ng bigla ulit itong magsalita, "pero hindi pa ngayon."




Nawala ang ngiti sa mga labi niya habang itinuon naman nito ang pansin sa iPad nito. Palihim na napahawak siya sa t'yan niya. I'm sorry, baby, if I can't tell to your dad that you are going to be his child. I'm sorry.






"Okay ka lang?"





Napaangat siya ng tingin rito. "O-oo. Okay lang ako. May bigla lang akong naalala."






He just nodded and look at his iPad again. He secretly look at her who stand up.





Tumayo siya at gumawa ng gatas para sa kanya. Pakiramdam niya ay nasaktan din ang hindi pa buo na anak niya dahil sa sinabi nito. Handa pa naman akong umamin sa kanya na magkakaanak na kami... Pero masakit kung ipagtatabuyan nito ang magiging anak namin. Anang isang bahagi ng isip niya.





"Mauuna na 'ko. May private meeting pa ako sa isang kliyente namin" paalam nito at hindi na siya hinintay na makasagot dahil bigla nalang itong umalis.





Malungkot na hinaplos niya ang t'yan niya. "Pagpasensiyahan mo na ang daddy mo, baby. Pangako, hindi ko hahayaan na maramdaman niyo ang sakit na nararamdaman ko."








LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon